8. Pure heroine

2.4K 143 2
                                    

Author's Note:


Natutuwa ako dahil may mga readers na nakakapansin sa istorya na ito. Nakikita ko silang nagvovote sa chapters na alam kong binabasa nila ang bawat kabanatang nililikha ko. Isa na riyan si DIY. Salamat sa pagvovote mo sa Midnight Dream. Sana magustuhan at suportahan mo ito til the end! Muah!

Chapter Eight: Pure Heroine

Gusto ko mapamura at the same time kainin ang taong may sugat sa braso na nadatnan ko sa aking silid  paglabas ko sa banyo.  Lumabas na rin ang tunay kong mukha dahil nakita ko siyang napasigaw.

 

"Maawa ka sa akin, huwag mo akong patayin!" Pagmamakaawa niya. Ngunit tila ba nawala na ang awa ko ng makita siya hindi bilang tai kundi pagkain.

 

Unti-unti akong lumapit. Mas lalong sumasarap ang amoy. Mas lalong bumalot ang iyak ng lalaking nagmamakaawa.

 

Mas lalo akong natutuwa. Seeing a person who beg me not to eat him is my happiness. I dont know kung bakit pero mas lalo akong natutuwa. Hanggang sa tuluyan na akong nakalapit sa kanya't sinungaban ko siya.

Nagmakaawa siya sa aking itigil ko ngunit sadyang masarap kainin ang kanyang dugo. Napakasarap. Hanggang sa narinig ko ang isang tinig na nagpatigil sa akin.

 

“Ara, Chiara.”

 

Napatigil ako. Ngunit hindi tumingin sa taong tumawag ng pangalan ko. Natauhan ako hanggang sa naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalayo sa kanya.

 

Napasigaw na lamang ako sa nakita. Ang duguang leeg ng isang taong kilalang kilala ko.

 

Ang aking ama.

“Papa!” Sumigaw na ako dahil nakikita ko ang hina na niyang katawan dahil sa ginagawa ko.

 

“Papa! Sorry! Hindi ko sinasadyang kainin kayo! Sorry!” Sumisigaw na ako, hinahaplos ko na ang kanyang leeg para matigil ang pagdugo. Pero hindi ko na magawa pang buhayin siya dahil unti-unti kong naririnig ang pagbagal ng tibok ng puso niya.

 

“Papa! Huwag! Papa, lumaban ka please!!” I cupped his face with my both hands. begging him to fight on his death.

 

“Papa!!” Sigaw ko ulit hanggang sa bigla akong nagising.

 

Panaginip pala ang lahat.

 

“Ara, okay ka lang? Ara!”

 

Panaginip pala iyon. Panaginip lang.

 

“Ara.”


Tumingin ako sa tumatawag sa akin. At doon ko lang narealize na nasa harapan ko na si Raven. Malabo pa ang aking paningin dahil sa luhang basta na lamang namuo sa aking mata. Parang kakaiyak ko lamang.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon