1. The Devil inside

6.9K 189 13
                                    

CHAPTER ONE:

 

“Oh, sa may terminal na ang huling babaan.” Sigaw ng konduktor. Napa-ayos ako ng upo. Sa wakas, sa loob ng ilang oras na biyahe papunta sa Graceville. Ang lugar na ito ay kilala bilang isa sa mga province na maganda ang quality ng education. Kaya napili ko dito.

 

May isa pa pala akong dahilan kong bakit ko napili dito kaysa sa Maynila. Dahil ayon sa mga research ko dito ko raw matatagpuan ang mga nilalang na sa libro lamang nababasa. Mga nilalang na likhang utak lamang. Pero ang totoo, sila’y hindi imahinasyon. Kundi sila ay totoo.

 

Inayos ko na ang aking bagahe. Mayroon na rin akong tutuluyan. Malapit sa luga rkong saan din ako mag-aaral. Dahil nasa bundok kami, tinakpan ng hamog ang bintana ng bus kaya malabo ang makikita ko sa labas. Tanging ang driver na lamang ang tumukoy na narating na namin ang terminal.

 

“Andito na tayo. Graceville na.”

 

Tumayo na ako’t kinuha ang aking maleta at ilang bagahe. Iilan rin ang mga pasaherong natira sa bus na sinasakyan ko. Pagkababa ko ay sinalubong gad ako ng napakalamig na simoy ng hangin. Natural. Walang polusyon.  Mas malamig pa ito kaysa sa loob ng airconditioned bus na sinakyan ko.

 

Kaya bago ako pumara ng taxi ay sinuot ko muna ang makapal kung jacket.

 

Hindi ganoon kahirap kumuha ng transportasyon dito. Nakikisabay pa rin ang lugar sa modernismo kahit na nasa bulubundukin at porbinsiya ang lugar.

 

Pagkapara ko ng taxi ay agad akong sumakay. Ewan, kahit summer session malamig pa rin ang lugar na ito.

 

“Sa may Florencio Street po.” Pagkakasabi ko.

 

Hindi na ako baguhan sa lugar na ito. Sa totoo lang, meron kaming kamag-anak dito na nakatira kaya kapag may araw na maluwag ang pamilya ko ay bumibisita kami. Kaya dito ko unang minahal ang Graceville. Malayong gulo mula sa mga nagrereklamong tao. Fresh air at hindi ganoon karaming tao.

 

Ilang minuto ang binagtas namin ni Manong driver. Hanggang sa narating ko na ang Florencio Street. Medyo mapuno’t parang forest ang dating ng lugar. Pinili ko dito dahil mas gusto ko ulit ng mapayapang paligid. At dahil dito rin nakatira ang kamag-anak namin. Malapit sa dormitory na paglalagian ko.

 

Pagkababa’t pagkabayad ko ng transpo fee kay Manong driver ay naglakad na ako papunta sa dormitory na aking tutuluyan. Malaki ang dormitory na ito. Nahahati sa dalawa. Hiwalay ang babae sa lalaki. Marami ding nakatira dito. At ang maganda tig-isa ang bawat kwarto para sa mga tenant.



Tumunggo agad ako sa lobby ng dormitory at doon nakipagkita kay Aling Cynthia. Ang land lady ng dormitory para sa mga babae.

 

“Hi po Aling Cynthia.” Bati ko. Kilala ko siya, dahil isa siya sa mga kamag-anak namin.

 

“Buti naman at nakarating ka bago sumapit ang dilim. Halla, nakaready na iyong room mo. Halika na.” Bigla niyang saad sa akin.

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon