48. Biyaheng Impyerno

920 34 2
                                    



Corine's POV

"Sino pa ang walang ticket?" sigaw ng konduktor sa bus. Napatingin lamang ako sa kaniya habang sinusuri ang pwedeng mangyari sa sinasakyan ko ngayon. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Basta na lamang akong sumakay.


Ilang araw matapos ang nangyari sa amin ni Devin sobrang sakit na nang naramdaman ko dahil sa mga sinabi niya. Ano bang ayaw niya sa akin? Ano bang hindi niya gusto sa akin? Maganda naman ako, matalino at wala nang hihilingin pa ang mga lalaking mamahalin ako. Pero bakit siya hindi man lang n'ya maramdaman iyon sa akin?



"Miss, may ticket ka na?" Tanong ng konduktor. Napatingin ako. Nasa harapan ko na siya habang hawak ang puncher at papel na siyang ginagawa niyang resibo para sa pamasahe. Umiling lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Maiksing nakangiti habang sinusuri ang mga taong nakaupo lamang sa kani-kanilang upuan.


"Saan ka miss?" Tanong ulit ng konduktor habang inihahanda ang papel na ibibigay sa akin. Ngumiti ako.


"Sa impyerno," nabubugnot kong sagot. Naramdaman ko ang pagtigil niya sa agbubutas ng papel na maliit saka kumunot ang noo. Nakatingin na ako ngayon sa bintana habang pinagmamasdan ang madilim na kapaligiran.


"Biyaheng Maynila lamang po ito." Pagtatama niya sa sinabi ko. Hindi pa rin ako umimik at nakatingin lamang sa walang ilaw na daan. Hindi na lamang umimik ang takilyera at ibinigay sa akin ang ticket kahit hindi niya alam kung saan ako tutunggo. Matapos noon binigay ko ang isang libong pera saka niya ibinigay ang sukli. Narinig ko pang sinabi niya sa akin ang salitang baliw.




Tahimik ko lamang nilisan ang lugar na nagpapahiwatag sa akin ng sakit habang nakikipagsapalaran ang bus na sinasakyan ko sa likong daan.


Naramdaman ko din ang pagtabi sa akin ng isang lalaki. Napalingon ako tinignan siya. Hindi isya tao, wala akong marinig na pulso sa kaniya.


"Sa impyerno ka rin ba bababa?" Tanong niya sa akin. Hindi naman mukhang nagtritrip ang lalaking ito. Maayos siya, sa kaiyang nakaka-among mukha at nakataas na buhok. Sa kaniyangmapupugay na mata na mas lalong umibabaw sa kaniyang itim na damit.


Sumagot ako sa kaniyang tanong "Oo, mangangamusta lamang ako kay satanas."


Ngumiti lamang siya. Hanggang sa siya na lamang ang nagsalita.

"H'wag kang mag-alala, marami pang pwedeng mangyari sa biyaheng ito."


Ngumiti ako, mapait na ngiti. "Tama ka, nilagyan ko kasi ng ecstasy iyong tubig ng driver."


Masaya akong binigkas ang mga salitang iyon hanggang sa marinig ko ang paghiyaw ng mga naroon dahil sa paggewang ng bus na aming sinasakyan. Marami akong narinig na iyak at pamamakaawang ayaw muna nilang mamatay. Nasa paanan palang kami ng bundok hindi pa nakakalayo. Mataas ang mga banging nasa paligid namin kaya't mataas ang posibilidad na walang matira sa mga taong nakasakay dito.


Narinig ko ang paggasgas ng gulong sa may semento. Napadaosdos ito pababa. Mas lalong lumakas ang hiyaw at iyak. Kalmado lamang akong nakaupo, pinagmamasdan ang paligid na sinisira ko. Nagpagulong gulong ang bus. Pababa mula sa bangin. Nagkalat ang mga kagamitan, lumipad ang mga ilan at ang mga ibang tao'y nakisabay sa gulong.

Dumanak ang dugo sa paligid. Kalmado lamang ako.

Hanggang sa narating ng bus ang impyerno at nawasak ito.

Napadilat ako tumigil ng sigaw. Napalitan ng katahimikan ang paligid. Dahan dahan akong napatayo't halos masubsob dahil sa naranasan. Pero natutuwa pa rin ako, nais kong maranasan ng mga taong ito ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nais kong masaktan ang mga maiiwan nila sa buhay. Nais kong maranasan nila ang impyernong ginawa ko para lamang sa kanila.

Masaya ko lamang silang pinagmasdan. Nawarak ang bus. Nagkalat ang mga duguang patay. Patong patong ang ilan pinagmasdan ko muna ang ilan bago ko ito lisanin. Pero nakarinig ako ng munting tinig sa hindi kalayuan.

Hinanap ko ang tinig na iyon, nilapitan ko. Nakita ko ang isang babaeng humihinga pa, humihingi ng saklolo.

"Tulungan mo ako, kailangan ako ng anak ko." Hiling niya sa akin. "Tulungan mo kami ng asawa ko." Saad niya ulit hanggang sa lumapit ako sa kaniya at hinila mula sa kaniyang pagkakaipit. Puno siya ng galos sa katawan. Buhay pa rin siya.

"Please.." Naiiyak niyang pagmamakaawa. Tumingin lamang ako sa kaniya, isa ang aking nakita. Si Ara. Hinawakan ko siya sa aking pisngi, hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak hanggang sa pinahid ko ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"H'wag ka nang umiyak. Makakasama mo rin ang iyong anak."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay marahas ko siyang kinagat sa leeg at inubos ang dugo na dumadaloy sa kaniyang katawan.

Masaya kong pinagmasdan ng mga patay ng mga tao dito sa paligid. Lahat sila wala na akong marinig na pulso. Pinagmasdan ko lamang sila, hanggang sa nakarinig ako ng palakpak mula sa aking likuran.

Nilingon ko ito.

"Mas hanep pala ang leisure mo kaysa sa kapatid kong si Vanessa." Saad n'ya sa akin. Siya iyong lalaki kanina.

"Sino ka ba?" Naiirita kong tanong. Sinisira niya ang moment ko.

Ngumiti siya bago sumagot.

"Hi, I'm Vyncent." Saad niya.

"Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko. Ngumiti ulit siya.

"Gusto sana kitang imbitahan na kumain ng hapunan." Masaya niyang pahayag. Napatingin naman ako.

"At bakit ako papayag?" Huli kong tanong.

"Dahil malakas ka't maganda."



Author's Note:


dahil nga nasa wattpad na ang bestfriend slash mahal ko, naganahan akong magupdate ngayon. Please, nakikiusap ako dreamers. Ifollow niyo siya, mapagmahal siya't mabait hindi lamang halata. Magaling siyang magsulat. At hindi siya maganda! Eto ang username niya @MoonbowSeven


Maraming salamat dreamers sa pagbabasa ng Midnight Dream. :) Sa ngayon si Corine muna ang feeling creepy. Hahahaha!

Midnight DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon