CHAPTER THREE

13 0 0
                                    

Chapter 3

"Are you sure you're gonna be okay here?" tanong ni Wahid sa misis niyang si Hasmin. Tinutulungan siya nitong mag-empake ng mga gamit na dadalhin niya paalis ng bansa.

Bagong kasal pa lamang sila at isang buwan pa lamang ang nakakalipas pero heto siya at kailangang lumipad agad sa Saudi upang mag-trabaho doon. Gusto sana niyang mag-exit na lamang o di kaya'y isasama na lamang niya ang misis para doon na lang sila tumira pero ayaw naman pumayag ng pamilya niya. Bunso kasi siya at nag-iisang lalake kaya hindi siya matiis ng pamilya niya lalo na ng kanyang ina. Ang kanyang tatlong nakatatandang kapatid ay may mga asawa na rin at sa ibang lugar naninirahan.

"Ano ka ba, paulit-ulit ka. Diba napag-usapan na natin ito? Huwag mong sabihing ipipilit mo na naman ang pag-alis mo sa kompanya niyo? Kaya ko naman ang long distance relationship, eh. Well, maliban na lamang kung ikaw itong mabilis makalimot." nagtatampong wika ni Hasmin kaya natatawang kinurot ito sa ilong ni Wahid.

His wife can be silly sometimes but that's only one of the things he love so much about her. She's the most beautiful woman he ever laid his eyes on, aside ofcourse, from his mother. Sobrang bait nito at napaka-maalalahanin. He met her in college and the first time he saw her, he already knew he found his perfect match.

Hasmin is everything he had always prayed for and he is so grateful to Allah (s.w.t) for giving him his love of his life. Wala na siyang mahihiling pa.

"Silly. Sa tingin mo hahanap ako ng ibang babae habang ikaw ang tanging tumatakbo sa isip ko?" malambing na aniya at tinawid ang distansya nilang dalawa. Hinapit niya ito sa bewang at bumulong ng matatamis na salita.

"Bolero" hinampas siya nito sa braso at nag-ikot ng mata. God, how he love looking  at his beautiful wife. Ang hirap tuloy para sa kanyang lumayo. Kung puwede lang talagang isilid niya ang asawa sa maleta niya at dalhin patungong Saudi ay gagawin niya. But ofcourse he can't do that. Atleast, for now.

"Uuwi ka naman tuwing bakasyon, eh. And we will always chat and have video calls. Hindi naman siguro gaanong magiging mahirap ang LDR?" wika ng asawa habang naka-pulupot ang braso nito sa leeg niya.

"I suck at LDR, you know." malungkot niyang sabi pero tinawanan lang siya nito. Geez, even her laugh is beautiful. Mukhang mahihirapan talaga siyang mangibang bansa nito.

HINDI inakala ni Hasmin na mahirap pala ang long distance relationship. Ilang buwan pa lamang simula noong umalis si Wahid pero labis na niya itong nami-miss. Halos araw-araw din silang nagtatawagan o di kaya'y nagvi-video call pero sa pagdaan ng mga araw at linggo, dahil pareho silang abala sa trabaho, hindi na sila nakakapang-abot. Masyadong malaki ang pagkakalayo ng oras ng Pilipinas sa Saudi. Kung hindi siya ang nagpupuyat para magkausap sila ni Wahid ay ito ang gumagawa. Kaya minsan ay hindi na niya ipinipilit na mag-video call sila dahil ayaw naman niyang maabala ang asawa sa trabaho.

"Nakuha mo na ba ang padala ko?" tanong sa kanya ni Wahid isang gabi habang nagvi-video call sila. Pinanood niya ang asawa habang nagpupunas ng buhok. Mukhang katatapos lang nitong maligo.

"Anong padala?" nakasimangot niyang tanong . Nalulungkot siya kasi sobra niyang nami-miss ang asawa. Kung puwede nga lang ay sumunod siya sa Saudi para makapiling ulit ito. She want to touch him and to hug him. Sobrang hirap pala talaga ng LDR. Paano iyon natitiis ng iba?

"What? Diba pinadalhan kita ng pera last week? Hindi mo pa nakukuha?" nagtatakang tanong ng asawa niya kaya napaayos siya ng upo. Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

"Nag-padala ka ng pera? Wala akong natanggap." naguguluhang sagot niya.

"But I called mom. Ang sabi niya ay natanggap mo na daw."

Against All Odds (Ranao Series #2)Where stories live. Discover now