Chapter 4
Nais matawa ni Hasmin nang muli niyang mamataan si Wahid sa eskuwelahan ni Hafidh, isang hapon habang sinusundo niya ang anak niya. So much for avoiding him.
Alas-tres na ng hapon at oras ng uwian ng mga bata. Mabuti na lang at napaaga ang off niya kaya masusundo niya ang anak ngayon. Wearing her office clothes, nilagpasan niya ang lalake at walang pakealam na naglakad patungo sa silid-aralan ni Hafidh. Hindi naman siya nito napansin at kung napansin man siya nito ay hindi siya sigurado. Maaaring narito rin ang lalake para sunduin ang sariling anak.
"Ang guwapo" maya-maya'y nakarinig si Hasmin ng mga bulong-bulungan. Galing iyon sa mga kababaihan na naka-puwesto di kalayuan sa bench kung saan siya nakaupo. Naghihintay din ang mga ito gaya niya. Most of them are moms like her who are already in their early 30s-40s. May ilan namang mga kasing edad lang niya.
"Ayy sayang, mukhang may asawa na. Naghihintay din ng anak, eh."
"Naku, sa guwapo niyang iyan, sigurado akong maganda din ang asawa, diba?"
"Puwede ring single parent..." hagikhik ng isa pang babae.
Napapailing na lamang si Hasmin sa mga naririnig. Nag-reply muna siya sa text ng kanyang ina bago lumingon upang tignan ang tinutukoy ng mga babae. Hanggang ngayon ay nagha-hagikhikan parin ang mga ito na animo'y kilig na kilig. Pero kasabay ng kanyang paglingon ay siya ding paglingon sa kanya ng lalakeng tinutukoy ng mga ito. Si Wahid. Ito lang naman ang tinutukoy ng mga kababaihan. Akala naman niya kung sino. Nakatayo ito malapit sa kinauupuan niyang bench, sa tapat din ng silid-aralan ng anak niya. Ang isang kamay nito ay nasa bulsa samantalang ang isa ay inaayos ang manggas ng polo nito. Suot nito ang isang white long sleeve polo na nakatupi hanggang siko at isang itim na slacks. May suot din itong cufflinks at isang mamahaling relo. His hair is disheveled in a manly way habang mahina itong tinatangay ng hangin.
He is now staring back at her, pushing her to the edge. Pero imbes na magpa-tangay sa mga malalalim nitong titig ay nag-ikot lang siya ng mata at mabilis nag-iwas ng tingin. Geez. Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay malalagutan na lang siya bigla ng hininga.
Nakarinig siya ng munting halakhak kaya kunot ang noo niya itong muling nilingon.
"Mas lalong gumuwapo" rinig niya ulit mula sa mga katabi nilang mga babae. She twisted her lips in annoyance and dropped her gaze.
Habang naghihintay ay binalewala niya ang madilim na titig ng lalake sa gilid niya. She pretended to be texting kahit ang totoo ay iniistorbo lang niya ang mga pinsan sa GC nila. She can see in her peripheral vision how he walked closer to the bench where she's sitting on, kaya bigla siyang nag-panic. She drew more distance in between them by sitting on the farthest end of the bench. Nagpanggap siyang nababagot kahit ang totoo niyan ay gusto na niyang tumayo at mag-walk out. But she remembered that she's waiting for her son. She can't leave him here especially if his one hell of a father is here.
Habang abala siya sa pag-iisip kung paano niya malulusutan ang sitwasyong kinaroroonan niya ngayon ay naramdaman niya ang pag-upo ni Wahid sa tabi niya. Nakaramdam tuloy siya ng inis. Kung bakit ba kasi mag-isa lang siya sa bench.
"Is she his wife?" rinig ulit niyang bulong ng isang babae. Teka, bulong pa bang maituturing iyon kung rinig na rinig naman niya?
"Sabi sa inyo may asawa na, eh."
"Ay sayang" Sayang? She can't believe them! So what if wala nga itong asawa? Huwag nilang sabihing may balak silang landiin ang lalakeng ito?
Kahit inis at kabado ay hindi niya ito pinahalata. Ramdam niyang titig na titig parin ang lalake sa kanya at nagpatuloy din ang mga bulong-bulungan sa paligid. May konting distansya parin naman sa pagitan nila kaya medyo nakakahinga parin siya. She pretended to be busy with her phone, not knowing what to do. Ramdam parin niya ang mga titig ng walang hiya at parang wala itong pakealam sa paligid! Bakit ba nandito ito ngayon? Balak ba siya nitong buwisetin? O baka naman...
YOU ARE READING
Against All Odds (Ranao Series #2)
RomanceHasmin learned that no matter how hard you try, some things don't really work out the way you wanted them to be. Umpisa pa lang ay maliwanag na kay Hasmin ang katotohanang ayaw sa kanya ng biyenan niya. Hindi niya talaga maintindihan kung saan nangg...