Chapter 1
"Hey, are you even listening to me?" inis na boses ni Yasmin ang pumukaw sa magulong isip ni Hasmin. Hindi niya namalayang nawala na pala ang atensyon niya sa pag-uusap nila ng kakambal.
Gabing-gabi na pero heto sila at nasa kusina. Pareho kasi silang hindi makatulog. Umiinom ng gatas si Yasmin samantalang siya ay nilalantakan ang tirang ice cream ni Hafidh na nasa freezer. It's his son's favorite ice cream flavor and she always make sure to stock some for him. Twice a week lang niyang pinapayagan ang anak na kumain nito. Hindi kasi niya ito sinasanay kumain ng matatamis dahil masama iyon sa kalusugan.
"Sorry. What are you saying again?" tanong niya ulit. Kanina pa siya wala sa sarili mula nang manggaling siya sa school ni Hafidh. She couldn't even concentrate at work without thinking about her ex-husband.
"Kanina ka pa wala sa sarili. Did something happen?" mapang-usisang tanong ng kakambal sabay taas ng kilay. Umiling lang siya dahil ayaw niyang pag-usapan pa ang tungkol roon. She don't want to talk about Wahid at wala rin siyang planong sabihin sa pamilya niya na nagkita sila. Ayaw niyang magkagulo.
Hindi talaga siya makapaniwala na pagkatapos ng halos walong taon ay sa eskuwelahan pa talaga ni Hafidh sila magkikita muli. How ironic.
Napapikit siya sa biglang pagbabalik ng mga ala-ala. She haven't recovered from the shock yet at base na rin sa itsura ni Wahid nang makita siya, gulat rin itong makita siya doon.
"So as I was saying, nag-aaya si Jo para sa birthday ng anak niya. Wala ka naman sigurong trabaho?" nagpatuloy si Yasmin kaya napatingin siya muli sa kakambal.
"Buti nalang at napaalala mo. Muntik ko ng makalimutan." Sa dami ng iniisip niya ay nawala na sa isip niya ang birthday ng pamangkin niya. Dalawang taon ang tanda ni Zain kay Hafidh. Malaki na rin ito pero kung ituring minsan ng pinsan niyang si Johana ay parang bata. She likes spoiling her kid so much. Ganun rin naman si Yassin rito. Natatandaan nga niya na noong ika-limang kaarawan nito ay binilhan nila ito ng sasakyang pambata na nagkaka-halaga ng limampung-libong piso. Napanganga na lamang siya noong malaman. Sinu-spoil rin naman niya si Hafidh minsan pero kung iku-kumpara sa mag-asawang iyon ay walang-wala siya.
"Buti na lang talaga at paniguradong magtatampo si Jo kapag MIA na naman tayo. Lalo ka na dahil ilang taon kang nawala." ani Yasmin. Panigurado iyon. Noon ngang nasa Amerika sila ay lagi siyang inaartehan ng pinsan kesyo lagi daw siyang wala sa mga kaarawan ni Zain. Nalulungkot rin nga siya dahil maraming okasyon ang hindi niya nadaluhan. Iyon nga talaga ang downside ng paninirahan sa ibang bansa, malayo sa pamilya mo.
HANGGANG sa pagtulog sa gabing iyon ay hindi nawala sa panaginip ni Hasmin si Wahid. Patuloy siyang ginambala ng mga masasakit na ala-alang inakala niya'y nag-tagumpay siyang ibaon sa limot.
"Mama, can I ask you something?" tanong ni Hafidh sa kanya kinabukasan habang inihahatid niya ang anak sa school.
"Hmm? Ano 'yon?" sagot niya habang inililiko ang sasakyan sa street ng eskuwelahan. Dahil maaga pa ay wala masyadong tao. Mga estudyante at trabahante lang ang nakikita niya sa paligid. Hindi naman malayo ang eskuwelahan ni Hafidh. Pinili talaga niya iyon dahil mas panatag siya kung malapit lang ang pinapasukan ng anak. Kung sakali mang may mangyari ay atleast mabilis lang siyang makakarating sa school.
"How do we speak with people who already left?" malalim na tanong nito kaya nag-aalalang napabaling siya sa anak. Natahimik siya bigla at hindi agad nakapagsalita hanggang sa i-park niya ang sasakyan sa harap ng eskuwelahan.
"Anong klaseng tanong 'yan?" naguguluhang tanong niya.
"I'm just wondering, Mama. I know you already said that my Papa is gone. But teacher Maricel said that if we really want to talk to the person we want, there is always a way. Do you...do you think there's a way I can speak with Papa too, Mama?" nagulat si Hasmin sa tanong na iyon ng anak.
YOU ARE READING
Against All Odds (Ranao Series #2)
RomanceHasmin learned that no matter how hard you try, some things don't really work out the way you wanted them to be. Umpisa pa lang ay maliwanag na kay Hasmin ang katotohanang ayaw sa kanya ng biyenan niya. Hindi niya talaga maintindihan kung saan nangg...