CHAPTER NINE

17 0 0
                                    

Chapter 9

Kinabukasan ay nagising si Hasmin na wala na si Wahid. Tanging ang nambabatikos na mga tingin ng kakambal niya ang dinatnan niya sa agahan. Ang anak niyang walang kamalay-malay tungkol sa sarili nitong ama ay tahimik lang na umiinom ng gatas habang nagbabasa ng comics. Yasmin is glaring at her but she kept quiet. Tinaasan niya ito ng kilay bagama't alam na niya ang nais nitong iparating.

"May bisita ka pala kahapon." Makahulugang wika ni Yasmin kaya sinenyasan niya itong lumabas muna para doon sila makapag-usap. Mabuti na lang at mukhang enjoy na enjoy ang anak niya sa comics na binabasa kaya puwede nila itong iwan muna saglit sa kusina.

"Bruha ka! Kung hindi pa ako nagising ng maaga hindi ko malalaman na nasa loob ng pamamahay natin ang asawa mo. Nababaliw ka na ba talaga?" hysterical na wika ni Yasmin nang makalabas sila. Napailing na lamang siya sa kadaldalan nito.

"Calm down, Yas. Pinatuloy ko lang iyong tao dahil bumabagyo kahapon. Hindi ko naman puwedeng itaboy dahil baka kung anong mangyari doon." Depensa niya kaya umangat ang kilay ni Yasmin.

"Ahh so nag-aalala ka? Nakalimutan mo na ba kapatid na may anak kayo? Paano kung basta-basta na lamang niyang ilayo ang anak mo sa'yo?" hindi makapaniwalang sermon ni Yasmin.

"We just talked. That's all." She shrugged.

"And I presume alam na niya ang tungkol sa pamangkin ko?" Pinandilatan niya ang kakambal at isenyas si Hafidh na nasa loob.

"Baka marinig ka ng bata" she shushed.

"Ito na nga ba ang sinasabi nina Mama. Now that he knows about Hafidh, I'm pretty sure makakarating din ito sa mga Malik. You were very careful about this, Min."

"I know, Yas. Trust me, I know. Pero anong magagawa ko? Nalaman na niya. Pero kahit ganun, hindi ko naman basta-basta ibibigay ang anak ko. I will protect him no matter what happen."

"So anong plano mo ngayon?"

"I don't know, Yas. But please, about this-"

"Yup. Hindi ko ipapaalam kina Mama. I get it. Pero sa tingin mo ba talaga ay hanggang dito lang ang kayang gawin ng lalakeng iyon? Min, as much as I want a complete family for my nephew, hindi ko naman gugustuhin na maulit ang mga nangyari sayo noon. Please, be careful. Kung ano man ang mga pinag-usapan niyo, pag-isipan mo muna ng maigi."

"Thank you. And ofcourse, I'll think about it. Wala naman akong ibang gusto kundi ang kapakanan ng anak ko. Matagal na kaming tapos ni Wahid. It's all in the past now." Bumuntong-hininga lamang ang kakambal niya at tumango.

Hanggang pag-uwi nila pabalik ng Iligan ay hindi mapanatag si Hasmin. Hindi niya alam kung ano ang plano ngayon ni Wahid tungkol sa anak nila. Kagabi ay wala siyang nagawa kundi panoorin itong umiyak sa harap niya. Sinamahan niya itong magpahinga sa guest room pero tumanggi ito at piniling magpahinga sa sala. Hindi alam ni Hasmin kung paano ito nagkasya sa maliit nilang sofa.

Mahimbing ang tulog ni Hafidh hanggang sa makarating sila ng Iligan. Kinailangan pa itong buhatin ng Lolo nito papasok ng bahay. Hasmin felt physically and mentally exhausted. Pakiramdam niya ay nawalan ng saysay ang bakasyon nila sa probinsya nang makaharap muli niya si Wahid. Bagama't humingi ito ng tawad sa mga nagawa ay hindi parin mapanatag ang loob niya lalo na at hindi malayong makarating agad ang balita sa mga Malik. It's been years but everytime she remembers the disgusted face of Tita Warda sends her to the edge. Hindi na niya gugustuhing makaharap muli ang ginang.

Kinahapunan ay tumawag ang mga pinsan niya at niyayaya silang lumabas ni Yasmin pero mukhang hindi makakapunta ang kakambal niya dahil may trabaho pa daw itong dapat tapusin. Gusto rin sana niyang mag-dahilan dahil paniguradong gigisahin na naman siya ng mga pinsan mamaya lalo na at wala si Yasmin. Pero ayaw naman niyang mag-sinungaling. Bukas pa naman ang balik niya sa trabaho at gusto rin niyang lumabas ngayon dahil baka mas gumulo ang isip niya kung mananatili siya sa bahay. Isa pa, nandito naman si Manang Fe para bantayan si Hafidh.

Against All Odds (Ranao Series #2)Where stories live. Discover now