CHAPTER FIFTEEN

17 0 0
                                    

Chapter 15

"I can't believe you are considering that man's offer, Hasmin. Hindi ako makapaniwalang ititira mo ang apo ko sa bahay ng lalakeng iyon. Are you out of your mind?" Galit na pahayag ng Mama niya kinabukasan habang naghahanda sila para sa miryenda. Kumpleto sila ngayon dahil birthday ng Papa niya at magkakaroon ng dinner party mamayang gabi. Tanaw nila ang Papa niya at si Hafidh sa maliit nilang basketball court habang naglalaro ang dalawa.

Pumasok si Manang Fe at ilang katulong para ilapag ang mga pagkain.

"Talaga, Min?" nasosorpresa namang tanong ni Yasmin na nakaupo sa silyang kaharap niya. Hindi niya ito pinansin at nilingon ang ina para sagutin.

"Ma, hindi naman ako pumayag dahil gusto ko lang. I am doing this for Hafidh. Ayaw ko nang maulit ang nangyari kahapon. Alam kong kahit wala siyang sinasabi sa akin, I know my son needs a father, Mom." Paliwanag niya. Halos isang oras na silang nagtatalo ng ina patungkol rito pero hindi parin ito sumasang-ayon sa desisyon niya. At alam niyang mahihirapan talaga siyang kausapin ito lalo na't hindi lingid sa kaalaman niya ang galit nito sa mga Malik pagkatapos ng mga nangyari noon.

"Matalino ang apo ko, Hasmin. I am sure may sinabi ang lalakeng iyon sa apo ko kaya siya nagkakaganito. Can't you see?  This is part of your ex-husband and his family's plan! Gusto nilang kunin ang bata. They are using him to their advantage! Hindi ako papayag! Hindi kayo pupunta roon at mas lalong hindi kayo mananatili roon! Akala ba nila mauutakan nila tayo? Ha! Alam ko kung paano tumakbo ang utak ng mga Malik. Ano, hindi sila nakontento sa ginawa nila sa'yo at ngayo'y pati ang apo ko idadamay nila?"

"Ma..." she tried reasoning out but her mother just waved her hand dismissively.

"I am still disappointed at you for allowing that man go near your son. Akala ko pagkatapos ng mga pinagdaanan mo, alam mo na kung anong klaseng mga tao ang mga Malik, Hasmin. You used to be such an intelligent lady but what happened now? Hinayaan mong makalapit sayo at sa anak mo ang lalakeng nanakit sa inyo. Kung hindi pa dumating ang mga Malik sa party ng pinsan mo ay hindi ko malalaman na nakikipag-ugnayan ka parin sa lalakeng iyon. Ano pa ang silbi ng mga guwardiya ng Papa mo gayo't nakikipag-ugnayan ka parin sa kanya?!" Mahaba at galit na litanya ng kanyang ina kaya napapikit na lamang si Hasmin dahil wala siyang mahapuhap na sasabihin.

Aminado siyang may kasalanan nga siya dahil hinayaan niyang makalapit sa kanya o sa anak niya si Wahid pero hindi naman niya sinasadya ang bagay na iyon. Basta-basta na lamang nagpapakita sa kanya ang lalake at nakikiusap. At sino ba naman siya para ipagkait sa anak niya ang sarili nitong ama? Her son needs a father.

"At saan niya kayo balak itira? Sa bahay nila? Gusto mo bang maulit ang mga nangyari noon?" Patuloy ng ina.

"He has his own house, Mom. Doon daw kami mags-stay."

"Hindi parin safe na bumalik kayo doon at isasama mo pa ang apo ko. This is a trap, Hasmin. Hindi puwede." Maawtoridad na wika ng ina kaya hindi siya muling nakapagsalita.

Malungkot silang nagkatinginan ng kakambal niya pero tulad niya'y wala rin itong nagawa kundi tumahimik.

This brings back a lot of their teenage memories, back when they were asking their parents' permission before they could join a school trip or simply a sleepover at their friend's house. Although their parents were always busy, lagi naman silang may kasunod na bodyguards kahit saan sila magpunta. Their father is really paranoid lalo na kapag sila lang ni Yasmin, especially if it involves boys. Ganunpaman ay naiintindihan naman nila ang ama lalo na't nasa legal itong propesyon at nangangailangan ng matinding seguridad. Ang nakakatawa lang, sa kabila ng kahigpitan ng kanilang ama ay nalusutan parin ito ni Wahid at hindi napansin ng mga ito ang unti-unting pagpasok nito sa buhay niya.

Against All Odds (Ranao Series #2)Where stories live. Discover now