Chapter 8
Naging masaya ang bakasyon nilang mag-ina sa probinsya. Ramdam ni Hasmin kung gaano kasaya ang anak niya habang nakiki-halubilo ito sa mga kamag-anak at sa mga bago nitong kaibigan. Masyado ring nawili ang anak niya sa pag-ligo sa Ranao kaya naman halos hindi niya ito mapigilan kapag nagpupumilit. Mabuti na lang at spoiled ito ng kakambal niya kaya sinasamahan siya nito lagi.
Ngayong araw ang dapat na balik nila sa Iligan pero dahil malakas ang buhos ng ulan ay kailangan nilang magpabukas. Hindi kasi sila pinayagan ng mga magulang na bumiyahe pabalik lalo na at maraming puwedeng mangyari sa daan.
"Here is your favorite, big boy" anunsyo niya pagkatapos magluto ng lugaw. Paboritong-paborito ito ng anak niya at ni-request nitong lutuin iyon ngayon. Sakto din at tag-ulan ngayon kaya magandang kumain nito.
"Hmm! Thank you, Mama!" he joyfully exclaimed after taking a spoonful. Niyakap siya nito kaya natawa na lamang siya. Naputol lang ang eksenang iyon nang biglang nakarinig sila ng mga katok mula sa pintuan. Iniwan muna niya ang anak sa kusina para tignan kung sino ang bisita.
"Wahid? Anong ginagawa mo dito?!" halos lumuwa ang mga mata ni Hasmin nang mapagbuksan ng pinto ang lalakeng hindi niya akalaing makikita niya rito sa probinsya.
"Sa tuwing magkikita na lang ba tayo ay ganyan ang tanong mo?" hindi man lang kumurap ang lalake sa harap niya. Hindi nito alintana ang ipinapakita niyang pagkainis. He stood in front of their door, wearing his working clothes at may dala pa itong maliit na maleta. Basa ang balikat at ang buhok nito ganun din ang nasa bandang siko ng lalake. Sobrang lakas ng ulan kaya halos hindi na niya marinig ang mga salitang binibigkas nito.
"Why are you here?!" sigaw niya. Hindi niya maiwasang magtaas ng boses dahil bukod sa sobrang lakas ng ulan ay naiinis siya rito. Hindi niya maintindihan kung paano ito napunta sa probinsya, eh hindi naman taga rito ang lalake.
"Hindi mo ba ako yayain muna sa loob?" nabibiglang tanong ng lalake.
"Sagutin mo muna ang tanong ko!"
He sighed and he stared at her longingly.
"Galing ako sa Marawi dahil may inasikaso ako doon. Nalaman kong nagbakasyon kayo dito kaya dumaan ako. Hindi ko naman inaasahan na bubuhos ang malakas na ulan habang bumabyahe ako."
"Niloloko mo ba ako? Anong napadaan? Ang layo ng Marawi dito kaya paanong napadaan ka lang?" sarkastikong wika niya sabay taas ng kilay. Mga palusot talaga ng lalakeng ito, oo.
"Ah..Ano-" Napakamot sa kilay si Wahid at mukhang nag-iisip ng ibang idadahilan pero hindi niya ito hinayaan.
"Umuwi ka na" maikli niyang utos dito at akmang isasarado na ang pinto pero pinigilan siya ni Wahid.
"Please, Hasmin. Give me a chance." pagmamakaawa ng lalake. Punong-puno ng senseridad ang mga mata nito pero binalewala iyon ni Hasmin. Hindi maaari. Hindi siya maaaring magpauto muli.
"Wala ng pag-asa, Wahid. Tapos na. Let's just forget everything and move on." Walang emosyon niyang wika.
"No! You can't do that!"
"I can. At dapat ay ikaw rin. Umuwi ka na."
Hindi tuloy niya maiwasang pagsisihan ang desisyon niyang huwag mag-sama ng mga guwardiya sa bakasyong ito. Pinilit siya ng kanyang ama na isama ang tatlong newly hired bodyguards ngunit hindi siya pumayag. Gusto niyang makapag-enjoy sila ng maayos ng anak niya sa bakasyong ito at hindi nila magagawang mag-enjoy kung may nakabuntot na mga guwardiya kahit saan sila magpunta. Pero ngayon ay parang gusto niyang tawagan ang kanyang mga magulang at magpadala ng mga guwardiya dito. Bakit ba kasi nag-punta ang lalakeng ito rito?
YOU ARE READING
Against All Odds (Ranao Series #2)
RomanceHasmin learned that no matter how hard you try, some things don't really work out the way you wanted them to be. Umpisa pa lang ay maliwanag na kay Hasmin ang katotohanang ayaw sa kanya ng biyenan niya. Hindi niya talaga maintindihan kung saan nangg...