Chapter 12
The following days went in a blur. Kitang-kita niya ang pagbabago ng disposisyon ng anak niya. Alam niyang sabik na sabik na itong makilala ng lubusan ang ama. Ganun rin naman siya para rito. Pero hinihintay pa niya ang tawag ni Wahid. Hahayaan muna niya itong kausapin ang mga magulang nito at bahala na kung ano ang mga mangyayari pagkatapos. Wala pa siyang plano sa mga biyenan at hindi rin niya alam kung paano ipapaalam sa pamilya niya ang tungkol dito.
This morning, she knocked on her twin sister's bedroom to talk to her and ask for an advice, but she was shocked to see her current state. She has dark circles under her eyes and she looks like she skipped days of shower.
"Yas, anong nangyari sayo?" gulantang niyang tanong dito. Hindi niya malaman kung matatawa ba siya o maaawa sa itsura ng kakambal niya.
"I know I'm a mess right now. Min, ayoko na! Pagod na ako! Gusto ko na lang maging dinosaur. Rawr!" Pabiro ngunit may hinanakit na wika nito. Buhaghag ang buhok nito at ang t-shirt nitong pagkalaki-laki ay nagmistulang sako sa kanya.
She chuckled at her sister and invaded her room. Hinawi niya ang mga kurtina at binuksan ang mga bintana ng kuwarto nito dahilan para umaray ang kapatid.
"Min!!! Ang aga pa!" ungot nito dahil sa sinag ng araw.
"Anong maaga pa? It's past lunch time already! Ayusin mo nga ang sarili mo. You look and smell gross, Yasmin Xyza!" aniya kaya mas lalong bumusangot ang mukha ng kakambal niya.
"Wala ako sa mood ngayon para gumalaw, okay? Broken hearted ako." Madrama nitong wika at tamad na bumalik sa pagkakahiga.
"At sino na naman ang malas na lalakeng 'yan?" tanong niya habang naka-krus ang mga brasong nakatingin dito.
"Stop being so harsh." She said in a muffled voice, shielding her face from the bright sunlight with a pillow.
"This is not the first time you got heartbroken, Yas. Hindi ko na nga mabilang kung ilan, eh. Teka, is this the 50th time? Or 60th?" Kunwari'y nag-iisip siya.
"Kainis ka! Gusto ko mapag-isa. Bumalik ka na nga doon sa anak mo!" Inis nitong sigaw sa kanya kaya mas ginanahan tuloy siyang mang-inis.
"Sinundo siya nina Johana. Mag-go-golf daw sila ngayon at gustong sumama ni Hafidh kaya hinayaan ko na."
"Bakit ba lagi mo siyang iniiwan sa pamilyang iyon? Nagiging magkamukha na sila ni Zain. Baka mapagkamalan pang anak ni Yassin."
"Eh bakit ikaw anong iminu-mukmok mo dito? Sa tingin mo ba maso-solusyunan niyan ang pagiging heartbroken mo? Sino ba kasi 'yan at baka kilala ko. Malay mo matulungan kita."
"You don't know him" masungit nitong wika saka isinubsob ang mukha sa unan.
"Hindi ka sure" pangungulit niya.
"I am sure. Kailan ba ako nagkagusto sa mga kaibigan o kakilala mo?"
"Sinasabi mo bang hindi kagusto-gusto ang mga kaibigan o kakilala ko?"
"Ang ingay mo! Lumabas ka na nga!"
"Nakakatampo ka na. Ako nga, sinasabi ko sayo lahat tapos ikaw naglilihim ka ng ganito sa akin." She faked her hurt voice.
"Paano ko nga sasabihin sayo eh hindi pa nga nagsisimula, patapos na. Kainis!"
"Doon ka na lang kasi kay Dr.-"
"You know that I don't like him." putol nito sa sinasabi niya.
"But he likes you. And from what I heard, he is still single like you. Bakit hindi na lang siya?"
YOU ARE READING
Against All Odds (Ranao Series #2)
Roman d'amourHasmin learned that no matter how hard you try, some things don't really work out the way you wanted them to be. Umpisa pa lang ay maliwanag na kay Hasmin ang katotohanang ayaw sa kanya ng biyenan niya. Hindi niya talaga maintindihan kung saan nangg...