Chapter 2
"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, Zain!" kanta ng lahat at saka hinipan ni Zain ang mga kandilang nasa ibabaw ng dalawang palapag nitong anime themed cake.
Nasa bahay sila ngayon ng pinsan niyang si Johana dahil nga birthday ng pamangkin niyang si Zain, at tulad nga ng inaasahan niya ay sobrang pinaghandaan ang birthday party na ito. Nagpa-cater ang pinsan niya at kumuha pa ng mga mascot para maaliw ang mga bata. May host din at magician.
She can't imagine spending that much for Hafidh's birthday. Hindi naman sa tinitipid niya ang anak. Kaya din naman niyang gumastos ng malaki para rito lalo na ang mga magulang niyang spoiled na spoiled si Hafidh, but for a kuripot woman like herself, gusto din niyang malaman at maintindihan ng anak habang lumalaki ito na hindi kailangang mag-aksaya ng pera para sumaya. Mabuti na lamang din at hindi ganoon ang anak niya. Hafidh prefer spending his birthday in his room with a good book as a birthday gift. Tuwing birthday nito ay lumalabas lang silang mag-ina o di kaya'y ang buong pamilya. But sometimes, her parents treat their grandchild for a vacation abroad. Tuwang-tuwa naman si Hafidh kapag ganoon. Last year, they went to Hongkong Disneyland for Hafidh's 6th birthday. Iyon ang regalo ng kanyang ama sa apo nito.
"Thank you po!" magalang na pasasalamat ng anak ni Johana at Yassin. Hindi makapaniwala si Hasmin na walong taon na ang pamangkin niya. Parang kailan lang napakaliit pa nito.
Maraming bisita si Zain. Dumating din ang mga kaklase nito at ang kani-kanilang mga magulang. Malaki naman din ang bahay nina Johana kaya hindi naging problema ang space. Dinugtungan nina Johana ang bahay nila kay mas lalong lumawak ang space. Ipina-renovate din nila ang nasa may kusina at living room kaya mas gumanda at umaliwalas ang paligid.
"Hafidh, anak ayaw mo ba maglaro?" tanong niya sa anak dahil kanina pa ito nakaupo sa tabi niya na parang takot na takot makihalubilo sa ibang bata. Katatapos lang nilang kumain at nagsisimula na ang games. Nasa harapan na ang ilang bata at masayang nakikisaya sa mga palaro na pinangungunahan ng host.
"I'm bored, Mama." sagot lang ng anak habang nilalaro ang isang laruang espada na napanalunan nito kanina sa isang quiz game.
"Kaya nga maglaro ka para di ka na ma-bore. Your Kuya Zain is there. Why don't you go to him and play?" pamimilit niya pa sa anak habang tinuturo ang anak ni Johana kasama ang ilang batang bisita.
Umiling lang si Hafidh at sinimangutan ang isang batang babae na tumingin sa gawi niya. Pamilyar ang batang babaeng iyon kaya kunot-noo niyang binalingan ang anak.
"Do you know that little girl? Maybe she wants to play with you. Why don't you go?" mas lalong sumimangot ang anak at umiling. Nakita niya ulit ang batang babae na tumitingin ulit sa gawi ng anak niya. Kanina pa nito tinititigan si Hafidh na parang puzzle na nais nitong i-solve. Nang mahuli siya ng bata na nakatingin ay agad itong nag-iwas ng tingin at tumakbo kung saan. She chuckled.
"Why are you laughing, Mama?" nakasimangot na tanong ni Hafidh. Halatang naiinis ang anak sa reaksyon niya kaya mas lalo siyang natawa.
Umiling lang siya at pinanggigilan ang anak. Mukhang may nagkakagusto na naman rito na kaklase at ayaw niyang makipaglaro dahil iniiwasan niya ito. Hindi naman maitatangging guwapo ang anak. Idagdag pa na matalino ito kaya kahit bata pa ay hinahangaan na ng mga batang gaya niya. Saan pa ba magmamana? Napailing siya sa komentong iyon ng isip niya. Sana lang talaga ay hindi mamana ng anak niya ang katangian ng ama nito. Pero hindi nga ba?
Hindi na niya ulit nakita ang batang babae. Mukhang nahiya at umiwas na rin ito. Natatawa na lamang siya at napapailing. Naiintindihan naman niya iyon. Normal lang naman na magka-crush. Hindi naman por que bata ay wala nang kapasidad na makaramdam ng pagkakagusto. Hindi rin siya nag-aalala para kay Hafidh dahil bagama't marami ngang nagkakagusto rito ay ni minsan ay hindi naman ito nagpahayag ng interes. In fact, siya pa itong kinikilig samantalang nagagalit sa kanya ang anak niya. Haha!
YOU ARE READING
Against All Odds (Ranao Series #2)
RomanceHasmin learned that no matter how hard you try, some things don't really work out the way you wanted them to be. Umpisa pa lang ay maliwanag na kay Hasmin ang katotohanang ayaw sa kanya ng biyenan niya. Hindi niya talaga maintindihan kung saan nangg...