CHAPTER FIVE

12 0 0
                                    

Chapter 5

Tahimik lang si Wahid habang pinagmamasdan ang larawan ng kanyang mag-ina. He is on his wife's facebook profile, acting like a damn stalker even if he has all the right to do so. Tinitigan niyang maigi ang larawan habang nakakaramdam siya ng kakaibang saya at kalungkutan. Hasmin's profile picture is she and their son, smiling brightly at the camera. Sobrang sayang tignan ng kanyang mag-ina kaya ni umiwas ng tingin ay hindi niya magawa. He missed her. He missed his family so much. And he can't wait to finally get them. Ilang taon na rin ang lumipas at naghintay siya ng matagal. Alam niya ang tungkol sa anak niya at alam din niyang itinatago ito ni Hasmin mula sa kanya.

Oh, his lovely wife. Hindi nito alam ang mga kaya niyang gawin para sa kanila. He knows she's mad at him. Pero walang kaalam-alam ang asawa niya sa mga dinanas niya sa mga taong wala ito sa tabi niya. At ngayong nagkita muli sila, hinding-hindi siya makakapayag hangga't hindi niya sila nakukuha.

Natigil lang siya sa ginagawa nang biglang tumunog ang kanyang telepono. His father is calling him - isang bagay na hindi siya sa sanay na ginagawa nito. Maybe it's something urgent.

"Hello, Pa?" sagot niya.

"Where are you? Kanina ka pa namin hinihintay. Dumating na ang mga Karim."

"What?" nagulat siya sa sinabi nito. Wala naman siyang natatandaan na may appointment sila ngayon kasama ang pamilya ni Maha.

"Huwag mong sabihing kinalimutan mo ang tungkol sa dinner na mismong ang Mama mo ang naghanda? Pumunta ka na dito at nakakahiya sa mga bisita." Seryosong utos ng kanyang ama at agad nitong ibinaba ang telepono. He sighed frustratingly and fixed himself before leaving his house. He's tired because of work so he don't want to go. But he's left with no choice. Sigurado siyang magagalit na naman ang kanyang ina kapag hindi siya sumipot.

Bago siya sumakay sa sasakyan ay pinagmasdan muna niya ang kanyang naipundar na bahay. It took him a year to finally finish their dream house. Bago pa man niya nilisan ang trabaho sa Saudi ay pinlano na niyang magpatayo ng bahay pagkauwi ng Pilipinas. Nais niyang dito na sila manirahan ng kanyang mag-ina kapag nakuha na niya ang mga ito. For sure, Hasmin will be happy to see this house. Mula pa noon ay pangarap na nitong magkaroon ng ganitong klaseng bahay. He is the one who designed and worked for this house. He was inspired and confident kaya hindi siya nakaramdam ng pagod o pangamba. He is an engineer afterall.

"I'm sorry I'm late!" anunsyo niya pagkarating sa bahay ng mga magulang. Agad naman siyang sinalubong ng yakap ni Mariam, ang anak ni Maha na siyang matalik niyang kaibigan. Maha's family is also a family friend. Matalik na magkaibigan ang kanyang ina at ang ina ng babae kaya naging malapit din sila sa isa't-isa.

"Papa Wahid!" sabik na sigaw ng batang babae habang masaya siyang niyayakap.

"Baby, tama na 'yan. Your Tito Wahid is tired." tawag ni Maha sa anak at agad silang nilapitan. Nahihiyang nginitian siya nito at nginitian din niya ito pabalik.

"Son, where were you? Kanina ka pa namin hinihintay." Reklamo ng kanyang ina habang hinahagkan niya ito.

"May inasikaso lang ako saglit. Nasa bahay ako nang tumawag si Papa." sagot niya at saka naupo sa kaharap na upuan ni Maha. Nakaupo na rin ang babae kasama ang anak na abala sa pagtitingin-tingin sa mga pagkaing nakahanda. Maha's parents are also there, now enjoying some appetizers. Mukhang late na nga siya dahil nagsimula na sila sa appetizers.

"Kumusta na po kayo, Tita at Tito? I'm sorry for being late." hinging-paumanhin ulit niya. Nawala talaga sa isip niya na may dinner palang mangyayari ngayong gabi.

"Ano ka ba, hijo. Wala ka dapat ihingi ng tawad. This is just a simple dinner. Your mom arranged this." sagot ni Tita Hidaya, ang ina ni Maha.

"Okay naman kami. Ikaw, hijo? Hanggang ngayon ba ay sa City Government ka parin? I heard from your mom that your handling a big project right now."

Against All Odds (Ranao Series #2)Where stories live. Discover now