PROLOGUE

42 0 0
                                    

"YOU'RE home, Mama!" agad napangiti si Hasmin nang mamataan ang anak na si Hafidh habang sinasalubong siya nito sa entrada ng mansyon. Guwapong-guwapo ang anak niya bagama't naka-pajama lang ito. Halatang hinintay nito ang pagdating niya mula sa trabaho tulad na lamang ng mga nagdaang araw simula noong bumalik sila galing Amerika.

Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong napagdesisyunan niyang mamalagi sa Amerika kasama ang anak niya. Naging mahirap sa simula lalo na at unang beses siyang malayo sa pamilya niya. Pero dahil suportado naman siya ng pamilya ay kinaya niya para sa sarili at lalong-lalo na para sa anak niya. Iba parin talaga kapag naging ina ka. Kaya mong gawin lahat alang-alang sa anak mo. Si Hafidh ang tumulong sa kanya para bumangon muli. Ito rin ang nagturo sa kanya kung paano maging mas matatag sa kabila ng mga pinagdaanan niya. Her son is the reason why she is still standing tall ang strong despite everything.

"Gising pa pala ang baby boy ko?" lambing niya rito pero mukhang hindi nagustuhan ng kanyang maliit na binata.

"Mama naman eh, I'm already a big boy!" saway ng bata. Pinanggigilan niya tuloy ito hanggang sa makapasok sila papasok ng bahay.

Her son, Hafidh is an adorable and independent seven year old boy. Hindi siya makapaniwalang malaki na nga ang anak. At hindi niya mapigilang malungkot sa tuwing iniisip ang mabilis na pagkakaisip nito. For such a young age, Hafidh is mature and independent - something she will never get used to. 

"Oh, nasaan si 'Ina'?" tanong niya rito na ang tinutukoy ay ang sarili niyang ina. 'Ina' at 'Ama' ang tawag ng anak niya sa mga magulang niya imbes na lolo at lola.

Ang alam niya ay ang ina ang sasama sa anak niya. Nag-prisenta kasi ito dahil wala daw itong lakad ngayong araw. Nagpapasalamat naman siya dahil bagama't lagi siyang abala sa trabaho ay may naiiwan sa anak niya rito sa bahay. May sarili namang yaya si Hafidh simula noong nasa Amerika pa sila pero dahil umuwi sila ng Pilipinas, kinailangan na rin niyang bitawan ang yaya nito dahil hindi naman puwedeng isama niya ito hanggang pag-uwi. Hindi pa siya sigurado kung maghahanap ulit siya ng bagong yaya pero hangga't maaari ay hindi na muna. Kaya pa naman niya at isa pa ay may mga katulong din naman sila rito sa bahay.

"Ina went somewhere, Mama. Tita Yas is upstairs, talking to the phone. Mama, is that the book I told you?" Excited itong nakatingin sa paper bag niyang dala. She can't help but to chuckle. Pagdating talaga sa libro ay hindi makakaligtas ito sa anak niya.

Nagtungo sila sa family area at naupo siya sa sofa. Nakasunod naman ang anak niya na hindi mapakali. He's really excited for his book.

Ibinigay niya rito ang paper bag at masayang naupo ang anak sa tabi niya habang sabik na sabik na inilalabas ang libro. He always wanted that book since the last time they went to the mall. Hindi lang niya ito binili agad para sa anak dahil gumawa sila ng kasunduan na kapag perfect score ang nakuha nito sa finals sa school ay saka niya ito ibibili ng nais nitong libro. And he actually perfected his final exam. She actually expected it already. Matalino ang anak niya at ipinagmamalaki niya iyon.

"Thank you, Mama!" Hafidh plopped himself to her lap and kissed her on the cheeks. Niyakap rin siya nito ng mahigpit. Her heart melted again for her son. He really reminds me of him...

"Kumain ka na ba?" she asked. Tumango naman ang anak at abala na sa pagbabasa. Nangingiting napailing na lamang siya at saka naglakad sa kusina para maghanap ng makakain.

"GOOD morning, fam!" masayang bati ni Yasmin kinabukasan sa hapag. Nakasuot ito ng office clothes. Ganun rin naman sila lahat. Ang papa niya ay may dadaluhang hearing ngayon. Ang mama naman niya ay kinakailangang pumunta sa shop, at siya ay papasok din sa opisina. Ngayon din ang unang araw ni Hafidh sa bagong eskuwelahang lilipatan nito.

Against All Odds (Ranao Series #2)Where stories live. Discover now