Confession

11 2 1
                                    


Rhei's POV

Omyghad! Araw na ng exam pero late na ko dahil napuyat ako dahil sa pesteng reviewer na binigay sakin ng ugok na lalaking yon! Arrrgh! Buti nalang sasaglitin ko lang tong isang subject. Kaso napakasungit naman ni mam Gonzales sana makakuha pa ako ng test.

"Ma'am puwede pa po ba akong kumuha ng exam?" hingal na tanong ko sa pinto.

Tumingin muna sya sa relo nya bago mag salita. "You're 28 minutes late. Why would I?"

Nakakainit ka ng ulo ha. Nagmamadali nga akong pumasok sa klase mo di ka pa pasalamat? Badtrip na 'to.

"Because your subject is counted with general average." sarcastic na sagot ko.

"Ganyan ang mga estudyanteng di na dapat binibigyan ng exam. Late na nga ma-attitude pa." epal nga naman talaga 'tong Andrea nato.

"You're right. You don't deserve this exam." aba! Nag pasulsol ka naman!

Nakatitig sakin si Iya na parang gusto na nya ako paupuin, si Armarie tumayo na, si Seven aba? Chill lang siya. Wow ha.

"Deserve niya? Hahahaha. Tama kasi deserve mo rin matanggal sa trabaho mo." kalmado siyang nag salita at tumawa ng mahina.

"Of course m-miss Cortez you can have a seat. Take your time sa pagsasagot." biglang umamo ang mukha ni Ma'am.

"Hayyu nako. Iba talaga ang talaga ang may kapit." pahabol ni Andrea. Uupo na sana ako eh susugudin ko na 'to!

Hinawakan bigla ni Iya ang kamay ko. "Alam naman nating lahat kung gaano kahirap pumasok sa school na 'to. Lalo na kung magiging empleyado ka?" parinig pa ni Seven.

"Mukhang may mga students na gustong matanggal sa school na 'to at masira ang pangalan ng pamilya nila." dagdag ko pa bago ako umupo. Good luck guys.

Sinimulan ko na ang exam. Sabi ko na saglit lang 'to eh. Hahahaha.

After 15 minutes natapos ko rin. Pumunta ako sa harap at pahagis kong ibinigay ang papel ko.

"Oh." hagis ko

"S-salamat." sagot niya at umalis na. Pabalik na ako sa upuan ko.

"Haaaay! Iba talaga ang may impluwensiya. Lahat nalulusutan." eksena ni andrea

"Nako andrea wag ka matakot sa kanila. They can't even touch our nails." pag mamamyabang ni Stacie

"Ah talaga? Baka ingudngod ko yang nguso mo diyan sa desk mo?" nakapamewang na pahayag ko

"What a worst student ever!" pang aasar pa nila

"Aba ikaw--"

"Okay class please be seated and let us start our exam." mahinahon na anunsyo ni Grey

Hmm! Kainis naman eh! Sasapakin ko na oh. Hayst. Padabog akong bumalik sa kinauupuan ko kanina. Nag tatawanan yung mga unknown life forms sa harap.

Isa isa niyang pinamigay ang papel kung saan kami pwedeng mag answer at sa isang papel ay ang computaion. Ano to? Sigurista ka kyaah?! Grabe. Nakalagay pa sa papel no cheating. Tiningnan ko ang papel nung tatlo. Hala bakit walang no cheating ang kanila?!

"Pst bakit yung papel mo may no cheating?" tanong ni Armarie

"Wag mo nang tanungin." the heck naman na alam ko yung sagot no?! Magpapakahirap pa ako magkabisa ng formulas para lang mangopya?!

Pinamigay na din nya yung test papers.

"You can start now."
_____________
After ng isang oras at kalahati ay natapos na rin yung test at nag labasan na ang mga kaklase namin. Break time na kasi. Pero parang walang gana ako kumain. Nakakadrain pala seryosohin ang math.

"Oy di ka nangopya ng math ngayon ah. Anong meron?" mapang-asar na tanong ni Seven.

"Nag-review ako. Try lang kung papasa." matamlay na sagot ko.

"May I see your calculations?" biglang sulpot ni Grey.

"Hoy ikaw! Bakit papel ko lang ang may nakalagay na no cheating?!"

"Maingay ka na naman. Ang sakit mo talaga sa tenga. Ibigay mo na sakin titingnan ko."

Inabot ko sa kanya ang papel pero di ako nakatingin sa kanya at nakasibangot. "I hate you for not trusting me."

"Ahm sa tingin ko... Aalis muna kami." akward na paalam ni Armarie.

"Teka titingnan ko pa kung pa'no sila mag-away!!!" sigaw ni Seven.

"Tara na. Hehe. Bye Grey, bye Rhei." paalam ni Iya. Sabay labas ng room.

"Kakain tayo! Halika na." ipit na sabi ni Armarie. Sabay nilang hinila si Seven.

"Im so impressed!"

"Im so impressed, im so impressed ka dyan?!"

"Look at your answers, di ko in-expect na puwede ka pa lang maging matalino sa math!" masayang pahayag niya sa'kin at pinakita niya ang papel ko.

"Sira ka?" di ako makapaniwala.

"Halos ma-perfect mo ang exam!" laki ng ngiti niya oh. Nakakatunaw ng puso. Ihhhh! Ano ba! Nagtatampo ka di ba?!

"Tss pagkatapos mo ko pagdudahan? Huh sino ka?" yabang ko ah. Hahahaha

"Im just reminding you to trust yourself and don't depend on others. If kaya mo, just do it by yourself. If hindi, just ask. Do not copy." sermon na naman.

"Ah bahala ka basta galit pa rin ako sa'yo!"

"Hahahaha. Bakit meron bang tayo para magtampo ka?" sarcastic na tawa nya. Wtf! Your so jerk! Di mo kasi alam nararamdaman ko.

"Gusto kita alam mo ba?" putcha! Lumabas sa bibig ko shet! Dahan dahan kong tiningnan ang reaksyon niya. Nakita kong gulat siya pero biglang nagbago ang expression niya at ngumiti. Lumapit siya sa'kin at...

"I'm so proud of you. Hindi lang dahil muntik mo na ma-perfect ang exam, but most importantly, because of you being honest." ang lapit masyado ng mukha niya.

"Your face is red like a tomato. Hahahahahaha!" tawa niya nang malakas.
Aba gago talaga 'to oh!

"Tara na treat ko dahil ice-celebrate natin ang pagiging mataas ng score mo sa math!" hinila niya ako patayo at inakbayan saka kami lumabas.

Not a bad idea. Pero gusto niya din kaya ako?

"I love you, Rhei."

Story For UsWhere stories live. Discover now