Iya's POV
Excited ang lahat para sa yearly festival dito sa school, after ng exam nakahinga na kami dahil festival na! Madaming events na mangyayare, contest for singin, dancing, at andami pang iba! Gusto ko sana sumali sa singing kaso busy kami dito sa booth, ako lang naiwan mamimili daw ng kulang yung dalawa, si Seven naman pinatawag sa office to talk about accumulated money for the charity to which it is donated.Ang laman ng booth namin is filipino delicacy with a twist kasi naisip namin na tutal mahilig mag food trip ang mga kabataan ngayon, why not i-promote na din natin ang mga pinoy food. Well sa bandang kanan nandon ang booth ng mga walang utak. Bakit naman mag titinda ka ng accesories at expensive bags sa gantong event ano may biding ba dito?
Nakita kong nag aalok ng mga paninda nila sila Brenda at Andrea
"Girl bili kana high quality to and limited edition!" pahayag nila
"Ayoko mahal."
"What?! This school is one of the richest school in the country, why you can't buy any of this!" singhal ni brenda.
"There is many thing that more important than your fancy smancy stuff." sabay inirapan sya ng isang junior.
Hahaha junior lang natatalo sila? Medyo napahiya sila kaya natawa ako. Ang isa pang nakakatawa di sila nakakibo. Hahaha kaya di ko sinasadyang nailakas ko ang tawa ko. Konti lang naman.
"Hoy anong tinatawa tawa mo dyan ha?!" sigaw ni Brenda tinakpan ko ang bibig ko.
Bigla silang lumapit sakin na galit na galit ang muka.
"Ano to? Eto ba ang mga tinda nyo? Ew mga basura!" pang iinsulto nya.
"Atleast may sense ang tinda namin at di nilalangaw gaya nyo kailangan pa ipag duldulan pero di pa rin binibili." sagot na di ko inaasahan na lumabas sa bibig ko.
Tinabig nya yung isamg serving ng binatog! Sayang!
"Ooppps! High class ang school na to kaya bakit kayo nag titinda basura dito?" nag iinarteng asta ni Andrea
"So stupid! King paramihan lang din naman ng sales, paniguradong panalo kami di mo nakikita? Patok ang paninda namin di gaya nyo. Simula umpisa nilalangaw na!" nanginginig na sagot ko sa dalawa.
Sa galit nila at tinaob pa nila ang ilan sa mga paninda namin. Di ba nila alam na madaming tao ngayon ang nagugutom?! Hayst ang hirap talaga ipaintindi sa mga spoiled brat na to kung anong halaga ng pagkain.
"Ayan, pati ba naman pagkain pinag didiskitahan mo?! Di kaba naturuan ng good manners and right conduct?! Ganyang ang mga students na walang ambag eh. Tsk" di ko alam san ako kumukuha ng lakas ng loob para sumagot sa dalawang to. Pero mali talaga sila.
"Ikaw! Tara nga dito!" hinila nya ako palabas ng booth namin nang hawag nya ang buhok ko.
"Ngayon wala ang mga kaibigan mo. Makakaganti na ako sayo." nakakatakot na ngiti ni Brenda
"Ano bang ginawa ko sayo? Kayo nga tong naninira ng paninda namin!" sigaw ko.
"Ikaw nang dahil sayo nakipag hiwalay sakin si Tristan at ngayon ikaw ang lagi nyang kasama?!"
"Wala akong ginawa para mag hiwalay kayo!" sigaw ko. Ang sakit na kasi ng anit ko.
Nang di inaasahan bigla nya akong sinampal at dahil mahaba ang kuko nya gumalos ito sa pisngi ko. Pag hawag ko sa pisngi ko ay dumudugo na.
"Anong wala? Sinungaling ka! Nilandi mo sya para hiwalayan nya ako! Mag sabi ka ng totoo!"
"Mag sabi kana kasi nang di kana masaktan" sulsol ni Andrea
"Pare pareho kayong mag kakaibigan. Malalandi at mang aagaw! Tama si Stacie. Kayo ang dapat mawala sa school na to! Kayong mga malalanding salot!" sigaw nito.
Hindi tama to. Wala kaning ginawang mag kakaibigan para sirain ang mga relasyon nila. Hindi din namin gusto na dumidikit samin ang tatlong lalaking yon. Sila ang kusang lumapit. Pero bakit kami ang may kasalanan? Di ko mapigilan tumulo ang luha ko. Bakit ba ang panget ng tingin nila samin?
"W-wala nga akong ginagawa!" sagot ko habang umiiyak. Sinampal nya ako ng paulit ulit dahilan para lalong dumugo ang galos sa muka ko.
"Pwede ba kung si Tristan nauto mo. Pwes ako hindi!" akmang sasampalin nya ako ulit kaya napapikit ako pero wala akong naramdaman na kahit ano.
"Bitiwan mo sya o mae-expeld ka?" idinilat ko ang mata ko at nakita ko si Seven na ang dilim ng awra, hawak nya din ang kamay ni Brenda.
"Paano kung ayaw ko?" matapang na sagot nito.
"Well, if i can't stop you, Rhei will" biglang ngumisi yung dalawa at agad sinampal ni Rhei ng malakas si Brenda dahilan para mabitawan nya ako, ang sakit ng anit ko.
"Ano gusto mo pa?!" amba ni Rhei na susuntukin ito.
"Ayos ka lang ba Iya?" nag aalalang pumunta sakin si Armarie at itinayo ako.
Bakit ba ganto ako? Simula pagkabata lagi nalang akong inaapi at sinasaktan, paro di ako lumalaban. Kung hindi pa kami naging magkaibigan ni Seven malamang loser pa din ako at laging binubully. Silang tatlo lang ang laging nag tatanggol sakin. Never akong lumaban sa kahit na sino pero iba na to di ako papayag na ang mga kaibigan ko ay insultohin ng isang gaya nya. Ngayon ako naman ang lalaban.
"Uy Iya."
"Ah oo ayos lang ako Armarie." ngumiti ako at dahan-dahang lumapit kay Rhei para pigilan sya sa balak nya. Nakita ko din na takbo si Andrea palayo. Alam kong mag susumbong yon kay Stacie."Rhei. I'll take care of this."
"Iya?"
"I told you, i can handle this little parasite."
"Ano? Sinong parasite ang tinutukoy mo ha?!" sigay ni Brenda
"You know who it is, akala mo ba wala akong alam tungkol sayo?" humakbang ako papalapit sa kanya ngunit imatras sya hahit pa nakaupo sya sa lapag.
"Kaya mo lang naging boyfriend si Tristan, it's because you're pretending to be a super rich kahit middle class ka lang at sinabi mo pa sa father nya na ikaw ang girlfriend nya kahit hindi naman? What a pathetic"
"Ikaw ang pathetic! Pare-pareho kayo ng mga kaibigan mo. Mang aagaw!" sigaw nito at saka tumayo?
"I dont need your non-sense words!" nag dilim ko sasampalin ko na sana sya pero natauhan ako.
"Hoy! Tigilan nyo nga si Brenda!" sigaw ni Stacie kakadating lang kasama si Andrea
"Ow here she comes, mukang masaya nanaman to." Rhei
"Let's do it" Seven
"Count me in" Armarie
"Wag kayong masyadong madaya. Apat laban sa tatlo? Unfair!" tiningnan namin ng masama si Andrea
"Well, i think it's my free time, go guys! Im here to cheer you up!" makulit na sabi ni Armarie saka sya umupo sa bangko sa harap ng booth namin. Nag cross arms at dumikwatro.
Ang daming estudyanteng nanunuod samin. Nanginginig ang tuhod ko. Nakita kong nakikipag away si Rhei at Seven masyado silang marahas. Ang gusto ko lang ay tigilan nila ako dahil ayoko ng gulo. Gisto ko kahit isang beses maging ipag tanggol ko naman ang sarili ko.
"Tumayo ka dyan, di ako mananakit. Mag sorry ka nalang sakin"
"Ako? Mag sosorry sayo? Ha! Never!" sabay tawa nya.
"Anong sabi mo? Sabagay may mga tao nga naman na panget na nga ang muka, panget pa ang ugali! Sana nareretoke din ang muka no?" sarcastic na sagot ko at natawa naman si Armarie
Biglang syang sumugod at sasampalin nya ako. Biglang may humarang sa harap ko galing sa kawalan.
"T-tristan? A-anong ginagawa m-mo dito?" halatang natayakot sya halata sa mga mata nya at nauutal na rin sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/231432224-288-k180373.jpg)
YOU ARE READING
Story For Us
RomancePrologue Life's full of surprises four girls are surprisingly brought together, by chance. Each has their own unique personalities. Iba't iba ang istorya ng buhay na siyang nag patibay sa bawat isa. Parang isang puzzle na nabuo nga magkasama sama, i...