ANG KAPITBAHAY
Sa isang tahimik at di kalakihang restaurant na may layong isang bloke mula 10 West End Avenue, kausap ni Vice si Mr. Limaco Tan, ang kanyang agent. Limampu't apat na taong gulang at medyo may katabaan. Bihirang ngumiti at tila laging problemado ang mukha. Kasabay ng pagsikat niya ay ang pagsikat din ng ahensiya nito. Maraming mga manlalaro ang lumipat at pumirma ng kontrata dito. Maging si Vhong ay hawak na rin ng nasabing agent.
Nakakunot ang noong inilapag ni Mr. Tan ang isang diyaryo sa mesa. Nakasaad sa headline ng sport page nito ang "No Superman Show!". Tinutukoy nito ang pagkatalo ng huling laban nina Vice. Matapos ang labinlimang sunud-sunod na panalo ay muling nakaranas ng pagkatalo ang koponan ng New York. Ang lalong nagpaigting sa balita ay ang tipo ng paglalaro ng binata. Hindi ito nagpamalas ng anumang galing.
"Anim na turn-overs,3/20 field goal, pitong puntos.Tinalo kayo ng mahigit tatlumpung puntos ng kalaban. Ikaw ba talaga ang naglaro kagabi? May nakain ka bang masama? Okay lang na minsan ay humina ka pero ang nangyari sayo kagabi ay isang malaking dilubyo. Hindi maaring maulit ang ganitong pangyayari!" sermon ng agent at sabay dukot nito sa telepono.
"Hello, Miss Tina kanselahin mo lahat ng mga endorsement meetings ni Vice. Pansamantala muna syang hindi tatanggap ng mga proposals!"
Ibinaba ni Mr. Tan ang telepono at muling ibinaling ang atensyon sa binata.
"Mula ngayon dadagdagan natin ang oras ng training mo. Ikaw ang sentro ng atensyon ngayon sa NBA kaya lahat ng mga ikinikilos mo ay inaabangan ng mga kritiko. Siguradong pag-uusapan na naman ito ng ilang araw sa ESPN!"
Binasa ni Vice ang newspaper nang hindi makikitaan ng anumang pagkabahala sa mukha. "Walang dahilan para mag-panic. Kilala ko ang sarili ko. Alam ko ang laro ko. Ang nangyari kagabi ay katunayan lamang na hindi ako isang perpektong basketball player. Pagkakataon ito para maipakita sa tao na hindi tamang umasa sila na sa bawat laban ay makakapanood sila ng isang superhero. Tama nga ang headline na to. Hindi ako si superman. Dahil lamang sa sunud- sunod na panalo ng team ay nakakalimutan nyo nang bilog ang bola. Minsan panalo, minsan din ay natatalo," direkta at mahinahong sagot niya. Kalmado lang siyang nakaupo habang pinaglalaruan ang suot na rubber wristband. Nang makitang muli na namang maglilitanya ang agent, agad niya itong inunahan.
"Alam nyo kung bakit excited akong maka-meeting kayo sa labas? Dahil dito..." sabay taas niya ng kamay sa isa sa mga waiters na kanina pa nagbubulungan habang nakatingin sa kanilang table. Umorder siya ng apat na klase ng burgers, tatlong milkshakes, tatlong set ng vegetable salads ,dalawang order ng fried chicken at apat na pancakes.
Napanganga si Mr. Tan habang nakikinig sa orders niya.
"Darating si Vhong," kusang sambit niya sa nagtatakang kaharap.
"Dapat pa rin nating pag-usapan ang laro mo. Baka naman hindi pa lang maganda ang chemistry nyo ng bago nyong starting power forward-" pagpupumilit pa rin ni Mr. Tan na pag-usapan ang isyu.
Habang patuloy sa pag-aanalisa ang agent, inilibot naman ni Vice ang kanyang mga mata sa lugar na para bang walang naririnig na kausap. Nagtataka siya kung bakit walang ibang kustomer maliban sa isang babaeng nasa dulo't sulok na mesa.
"Nireserba ko na ang buong restaurant kaya lang nandyan na ang kustomer na yan bago pa man ako nakatawag-" paliwanag ng agent nang mahalata ang pagtataka niya.
"Hindi nyo na kailangang rentahan ang buong lugar. Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ayoko ng mga ganitong klase ng espeyal na pagtrato," napapailing na wika niya.
"Sa tingin mo ba sa kabila ng mga balita ngayon ay makakapag-usap tayo ng walang lalapit sayo?" napapailing ding sagot ni Mr. Tan.
Pagdating ng mga order ay eksakto ring dating ni Vhong.
YOU ARE READING
'Til I Met You: The Author of My Life
FanfictionJose Marie "Vice" Viceral is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, intelligence and classy attitude. He's the perfect description of the word 'charisma'. Despit...