TIMY-04

25 2 0
                                    


AUTOGRAPH

Masayang umuwi si Vice mula sa kanilang road game. Panalo ang naging tatlo nilang laban sa homecourt ng mga kalaban. Ang kanyang naging kontrobersiyal at pangit na laro ay tuluyang natabunan ng mga papuri nang muli na naman siyang nagpamalas ng husay at galing.



Sabik siyang pumasok sa kanyang unit at tila di makapaghintay na makapagpahinga. Limang araw syang nawala kung kaya't ganun na lang ang pagkasabik nya sa kanyang pinakapribadong lugar. Inilabas niya ang mga bagong video games at mag-isang naglaro. Ganado siya laging magvideo games kapag umuuwing panalo pero kapag talo naman ay diretso agad siya sa basketball court sa rooftop.

Ding dong.

Hindi niya inintindi ang pinto. Nasa kasarapan siya ng laro at malapit na rin siyang maglevel up.

Ding dong. Ding dong. Ding dong. Ding dong.

Wala siyang nagawa kundi i-pause na lamang ang video upang pagbuksan ang makulit na nasa pintuan. Nagulat siya sa di inaasahang nag-doorbell. Ang bagong kapitbahay!

Tiningnan ni Jaki ang nagbukas sa kanya nang blankong reaksiyon. Magiliw siya nitong binati at tumugon siya ng tipid na tango. Sumilip siya sa malapad na nakaharang na balikat upang hanapin ang kaibigan nito.

"Nasaan yung kasama mo?" tanong niya.

"Wala sya ngayon dito, miss."

Naisip niyang ibigay na lang sa kaharap ang mga librong may autograph ni Bella ngunit naalala niya ang pakiusap ng kaibigan nito na ilihim ang tungkol sa mga libro.

"Kelan sya babalik?"

"Bukas pa ng gabi."

Muli siyang napaisip. Abala siya bukas. Marami siyang nakalistang gagawin. Napilitan siyang iabot na lamang ang bitbit na paper bag sa kaharap. Tinanggap naman ito nang naguguluhang lalaki nang hindi inuusisa ang laman ng paper bag.

"Pakisabi na lang sa kaibigan mo na hindi ko matutupad ang ikalawang hiling nya."

Tatalikod na sana siya ngunit bigla syang may naalala. "Akala ko ba masugid kang tagahanga ni Bela bakit kulang ka ng isang libro?"

Halatang hindi agad naintindihan ng kaharap ang ibig nyang sabihin. Hindi niya dinetalye ang sinabi sa halip ay tuluyan niya na lang itong tinalikuran. Narinig nya ang pagsarado ng pinto ng lalaki at ilang saglit lamang ay naulinigan nya na itong nagsisisigaw sa tuwa. Huminto siya at ngumiti. Hindi niya man ipakita pero lumulundag din ang kanyang puso sa tuwa sa tuwing nakakakilala ng taong nagmamahal sa mga libro ng kaibigan.

-------

Chrysler Building, 37th floor, Lexington Avenue.

Isa sa mga tanyag na gusali sa New York City. Dito matatagpuan ang opisina ni Bela Padilla. Meron syang walong tauhan. Dalawang accountant, dalawa para sa marketing, dalawa para sa creative department, isang personal assistant, at isang personal secretary.

Hindi kalakihan ang opisina ngunit sosyal at elegante ito na naaangkop lamang sa personalidad ng sikat na manunulat. Matatagpuan ang personal office nito sa loft ng natural palapag.

Malapit sa hagdan papaakyat ng loft ay nakapuwesto naman ang mesa ng sekretaryang si Mylene.

Dalaga pa sa edad na tatlumpu't pitong taong gulang, payat, may kahabaan ang mukha at lutang na lutang sa hitsura nito ang dilaw na dilaw at mala-goldilocks na buhok. Marangya at makulay itong manamit ngunit may kabaduyan.

Napapalibutan ang mesa ni Mylene ng napakaraming bulaklak. Naka-display ang mga ito mula sa gilid ng kalahating hagdan papababa ng loft hanggang sa buong nasasakupan ng kanyang mesa. Galing ito sa mga tangahanga ni Jessica. Ang pagtanggap ng mga bulaklak ang syang pinakapaboritong gawin ng sekretarya samantalang ang ibang empleyado naman ay ang siyang mga naghahati-hati sa mga chocolates at mga pagkaing pinapadala para sa writer.

'Til I Met You:  The Author of My LifeWhere stories live. Discover now