TIMY-08

21 2 0
                                    

SHADOW LADY

Matiyagang naghihintay si Bela sa VIP Lounge ng isang five star hotel sa kanyang ka-meeting.

"Ang tagal naman ng kausap natin! Mag-iisang oras na silang late. Ang lakas ng loob nilang paghintayin ang isang Bela Padilla ha!" reklamo ni Mylene habang paulit-ulit na tumitingin sa relos.

"Anong oras ba talaga ang sinabi sayo?" inip na tanong ni Bela.

"Ma'am mukha ko lang ang may diperensya pero ang pandinig ko, wala. Malinaw na malinaw na sinabi nilang alas-dos ng hapon. Mayaman lang sila pero hindi sila diyos!!! Malapit ng sumabog ang pantog ko sa dami na ng nainom kong ice tea ha!" gigil na wika ng sekretarya.

Biglang umaliwalas ang di maipintang hitsura ni Mylene. Nangislap ang mga mata niya nang matanaw ng isang ubod ng gwapong lalaking naglalakad patungo sa kanilang direksiyon. Nasa 5'11 ang taas. Hindi lalagpas ng trenta. Moreno ang mukha, mapupula ang mga labi at mamula-mula ang mga pisngi. Malinis at magaling magdala ng damit. Nakamamahaling suit, makinang ang sapatos at ayos na ayos ang buhok. Nang ngumiti ay lumabas ang amapuputing mga ngipin.

"Good afternoon Ms. Padilla! I am Zanjoe Marudo."

Inabot nito ang calling card kay Bela at Mylene. Napanganga lalo ang dalawang babae nang malamang ito ang presidente ng Bluestar Books & Co. Umupo ang lalaki at nagsimulang magsalita nang hindi man lamang humingi ng despensa sa pagkaka-late.

"Well, siguro ay nagtataka kayo Ms. Padilla kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa namin nilalagay sa aming mga outlet ang inyong libro. Ito ay sa kadahilanang ang aming kumpanya ay nagkakaroon muna ng kontrata sa mga author na may malalaking pangalan bago namin ibenta ang kanilang mga libro," diretso sa agenda na pahayag nito.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Bela.

Sumenyas ang lalaki sa kasama upang ibigay ang isang folder sa manunulat.

Tinanggap ito ni Bela. Isa itong kontrata. Binasa muna ng dalaga ang nilalaman nito bago ituloy ang pakikipag-usap sa kameeting.

"Mayroon kaming exclusive contract proposal para sayo. Una rito ay gusto naming ang Bluestar ang ekslusibong magbebenta ng bago mong libro sa loob at ng mga susunod pa sa loob ng bansa."

Nag-iba ang hulma ng mukha ni Bela sa narinig. Napangisi siya. "Gusto nyong limitahan ang market ko? Marami akong mga readers saan mang sulok ng Amerika at gusto nyong pahirapan ang ilan sa kanila na makakuha ng libro ko."

"Bluestar is everywhere Ms.Padilla, baka hindi mo nalalaman," ganting ngisi ni Zanjoe.

Unti-unting nakakaramdam ng pagkapresko si Bela sa kausap. "Oo alam ko pero paano naman ang ibang mga bookstore na matagal ng nagmamarket ng libro ko?"

"Ititigil mo ang pagsu-supply sa kanila." diretsong sagot ng lalaki.

"At sa tingin nyo papayag ako sa katawa-tawang idea na ito. Gusto nyong kontrolin pati benta ng mga libro ko. Oo malaki kayong kumpanya pero paano naman ang mga sales namin mula sa ibang mga bookstores," rason ni Bela na pilit pinipigilang ipakita ang pagkapikon.

"Kaya ka namin binibigyan ng proposal Ms. Padilla. Bibigyan ka ng Bluestar ng mas mataas na royalty para macompensate ang mga maari mong kitain mula sa ibang mga maliliit na bookstores."

"Ahhh...ibig din bang sabihin nito ay kokontrolin nyo pa pati presyo ng libro ko. Tiyak na mas mamahalan niyo para maibigay ang mas mataas na royalty nang hindi maapektuhan ang kitang gusto niyo. Paano naman ang mga readers ko?"

"Sa tingin ko ay praktikal kang tao Ms. Padilla. Siguro naman sa katulad mong matalino ay naniniwala ka ring business comes first. Mahal ka ng mga readers at sigurado akong handa silang gumastos para sayo."

'Til I Met You:  The Author of My LifeWhere stories live. Discover now