KATOTOHANAN AT PAGKUKUNWARI
"Iwasan mo ang pakikipagkita kay Zanjoe Marudo!" matigas na utos ni Bella.
"Pagkatapos ng matagal mong di pagdalaw, pumunta ka lang ba ngayon para lang sabihin sa akin ang bagay na yan?" mahinahong sagot ni Jackie habang nakahalukipkip at nakatingin sa tanawin ng lungsod.
"Ginagamit ka lang ng lalaking yun! May hindi magandang pinaplano ang taong iyon tungkol sa akin."
Tumingin ng diretso si Jackie sa mga mata ng kaibigan. "Naniniwala ka ba talaga na may taong pwedeng manggamit sa akin? Dahil sa pagkakatanda ko, sa buong buhay ko isang tao lang ang pinapayagan kong gamitin ako"
Tumahimik sandali si Bella. Iniwas nito ang mga mata sa kausap. "Iniisip ko lang ang makakabuti para sayo. Bakit ka ba lumalapit sa kanya at parang ipinagtatanggol mo pa ang lalaking yun?"
"Kung may dahilan ka para magalit sa kanya, may dahilan din ako kung bakit ko sya nilalapitan."
"At ano ang dahilan na yon para tanggihan mo ang simpleng hiling ko sayo?!"
"Dahil kaibigan ko siya."
Natawa si Bella sa narinig. Malayong paniwalaan niya ang sinabi ng kausap. "Kailan ka pa nagkaroon ng ibang kaibigan? Nagbibiro ka ba? Sa palagay mo may tatagal sayong iba maliban sa akin?"
"Oo. At si Zanj ang kaisa-isang taong yun. Siya ang nagsilbing "Ikaw" sa buhay ko ng mga panahong wala ka. Pansamantala niyang binigyan ng ngiti ang buhay ko nung mga panahong araw-araw pa rin akong nabubuhay sa mga bangungot. Mahirap mang paniwalaan pero... oo, Bella, hindi lang ikaw ang kaibigan ko."
Lalong umigting ang galit sa dibdib ni Bella. Hindi niya matanggap ang narinig. Ayaw niyang maniwalang may malalim na pinagsamahan ang taong kasalukuyan nyang kinamumuhian at ang matalik niyang kaibigan. "Matagal na yun Jackie! Ibang tao na ngayon yong lalaking yon! Hindi ka nakakasigurong malinis ang intensyon niya sa muling paglapit nya sayo ngayon! Hindi ako papayag na magamit ka nya! At lalong lalong hindi ako papayag na muli kang mapalapit sa kanya!"
"Bakit?" mahinahon pa ring tanong ni Jackie.
"Dahil nag-aalala ako para sayo! Dahil ayokong masaktan ka!"
"Yan ba talaga ang totoong dahilan? O dahil may unti-unti ka na namang kinakatakutan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
Lumapit si Jackie sa kaibigan at tinitigan ito sa mga mata. "Dahil ba sa iyong mga takot kaya ibinabalik mo rin sa akin ang mga bagay na kinatatakutan ko? Kaya mo ba nagawa sa akin yun? Kaya mo ba nagawa yung nangyari sa music lounge?" matigas ngunit mahinang tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ni Bella, unti-unti itong namutla.
"...Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala ka nang dapat ikatakot. Wala akong babawiin at lalong wala akong kukunin...dahil ako mismo ay hindi papayag na may mawala sayo. Kaya kung may kinakatakot ka sa pagiging malapit ko kay Zanj ay burahin mo na dyan sa dibdib mo dahil hinding-hindi mangyayari ang mga pinangangambahan mo."
Agad na kumawala sa pagkakatitig si Bella at sarkastikong tumawa. "Hah! Oo nga pala. Bakit nga naman pala ako magpapakamatay sa pag-aalala para sayo. Ikaw nga pala ang dakilang si Jackie! Magaling sa lahat ng bagay. Eh ano ngayon kung lumapit sayo sa lalaking yon? Eh ano ngayon kung subukan ka nyang paibigin? Dapat nga pala ay matuwa pa ako at pagtawanan siya...Dahil ang taong pag-aaksayahan nya ng oras ay isang tao na kailanman ay hindi marunong magmahal!... Isang tao na namumuhay sa ibang pagkatao!....Isang uri ng tao na pag minahal mo ay isa lang ang isusukli sayo....sakit at pagdurusa!" Pagkatapos magbitiw ng masasakit na salita ay tinalikuran niya si Jackie. Nagmamadali siyang lumabas at pabulagsak na isinara ang pinto.
YOU ARE READING
'Til I Met You: The Author of My Life
Fiksi PenggemarJose Marie "Vice" Viceral is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, intelligence and classy attitude. He's the perfect description of the word 'charisma'. Despit...