TIMY-07

20 2 0
                                    



TICKET

Nakatanggap ng isang puting envelope mula sa kanyang mailbox si Jackie. May laman itong isang ticket ng basketball galing kay Bela. Tiningnan niya ang detalye ng ticket. Laban ito ng koponan ni Vice sa darating na Linggo. Nagduda agad siyang baka nga ay may relasyon na ang dalawa.

Tinawagan niya ang kaibigan.

"Hello."

Natigilan siya matapos marinig ang boses ni Bela. Bigla siyang nagdalawang-isip. Itatanong niya sana ang tungkol sa totoong relasyon nito sa basketbolista ngunit napagisip-isip nyang hintayin na lamang na ito ang kusang loob na magsabi sa kanya.

"Magkatabi ba tayo ng upuan?" sa halip ay tanong niya.

"Anong upuan?" litong tugon ng kausap.

"Dito sa ticket na pinadala mo."

"Natural."

"Palitan mo ang ticket ko," utos niya.

"Bakit na naman?!"

"Ayokong tumabi sa'yo siguradong pagtitinginan ka at mapo-focus ka ng mga kamera dahil sa isyu ninyo ni Vice."

"Issue? Tama ba ang narinig ko na natututo ka nang manood o magbasa ng balita?"

"Sinabi ng kasamahan ko sa trabaho."

"Hindi ko na pwedeng palitan yan. Bigay lang ni Vice sa akin yan!"

Lalong nadagdagan ang hinala ni Jackie sa narinig. Posible ngang magkarelasyon na ang dalawa. Medyo nakaramdam siya ng kaunting tampo na hindi man lamang ito binabanggit sa kanya ng kaibigan "Pwes, huwag mo na lang akong isama."

"At sino naman ang isasama ko?"

"Bahala ka."

"Ah basta sumama ka!" sabay bagsak nito ng telepono.

Naisip niyang ibalik na lamang ang ticket kay Bela. Magpasama na lamang ito sa sekretarya o assistant. Ngunit unti-unti siyang nakonsensiya sa pagtatampo ng walang basehan. Baka nga wala pa naman talagang kailangang sabihin sa kanya si Bela. Siya itong basta-basta na lang nagpapadala sa mga sinasabi ni Vicky. Pero gayunpamay atubili pa rin siyang sumama. Ayaw niya talagang makatabi sa panonood ang kontrebersiyal na kaibigan.

Naisip niya bigla si Vice. Baka pwede nyang papalitan ang upuan ng ticket tutal galing naman ito sa kanya. Bigla siyang nag-alinlangan. Nahihiya na syang humingi ng pabor sa kapitbahay. Si Vhong kaya? Tama si Vhong!

Nagmadali siyang lumabas ng bahay at nag-doorbell sa katabing unit. Ilang beses syang nag-doorbell ngunit walang nagbubukas ng pinto. Bumalik na lamang siya sa kanyang bahay ngunit maya't maya pa ring napapasilip sa pintuan sa tuwing makakarinig ng ingay.

------

Masayang nagkukwentuhan sina Vice at Vhong habang papalabas ng elevator. Dinadaan nila sa biruan ang mga nagawa nilang kapalpakan sa laro. Nawala ang ngiti sa kanilang mga mukha nang maabutan si Jackie na nakaupong natutulog sa tabi ng kanilang pintuan. Naguguluhang nagkatinginan ang magkaibigan.

Marahang niyugyog ni Jerome ang balikat ng babae. "Jackie, Jackie gising..."

"V-vice..." naalimpungatan bigkas nito habang nakatingin sa kanya nang may namumungay pang mga mata. Nang matauhan ay agad itong tumayo. Nahihiyang nag-ayos ng sarili.

Hinintay niyang sabihin nito ang dahilan ng paghihintay subalit nginitian lamang siya nito . Dinaanan lamang siya ng mga mata at pagkuway nakangiting lumapit kay Vhong. Nang maramdamang hindi siya ang pakay ng babae, walang magawang pumasok na lamang siya ng bahay.

'Til I Met You:  The Author of My LifeWhere stories live. Discover now