ANO KA NGA BA SA PUSO KO?Masama ang tingin ni Vice sa kausap. Malayo ang tinatakbo ng kanyang utak mula sa pinag-uusapang paksa. Hindi nakikinig sa mga paliwanag ni Mr. Tan tungkol sa plano ng mga gusali ng itatayong foundation. Nakatitig lamang siya kay Zanjoe habang ang huli naman ay seryosong nakikinig sa paliwanag ng agent.
"Matanong ko lang Mr. Marudo. Bakit gusto ninyong maging sponsor ng foundation ko?"
Sabay na napalingon sa basktebolista ang seryosong nag-uusap na sina Zanjoe at Mr. Tan sa biglaan nitong pagtatanong.
Nagdalawang-isip muna ang lalaki kung sasagutin niya ang wala sa paksang tanong ni Vice. "Dahil gusto ko ring makatulong sa mga batang nangangailangan ng tulong."
Bagama't wala na siyang rason para manatiling maging sponsor ng foundation dahil wala na ang atensyon niya kay Bella ngunit nagdesisyon pa rin siyang ituloy ito. Para sa kanya, maganda ang mga plano ni Vice kaya hindi masamang suportahan ito.
"Ano pa, Mr. Marudo?"
Napaisip ulit si Zanjoe. "Ahh.. dahil maganda ang mga plano at layunin mo para sa foundation."
"Yun lang ba, Mr. Marudo? Wala na bang iba?" walang tigil na pagtatanong ni Vice na noon ay unti-unti nang nagiging sarkastiko ang tono.
"Bakit meron pa bang maaring ibang dahilan sa sponsorship ng Bluestar, Mr. Viceral?"
"Halimbawa hindi ba dahil sa isang tao?"
Napaisip ulit si Zanjoe hanggang sa unti-unti niyang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ng basketbolista. Marahil ay nabanggit dito ni Bella ang naging usapan nila tungkol kay Jackie. "Walang dahilan para gawin ko siyang rason dito Mr. Viceral. Unang-una ay wala ka namang malapit na kaugnayan sa kanya."
Napangisi si Vice. "Ahhh kaya pala kay Bella ka lumapit. Bakit Mr. Marudo wala ka bang tiwala sa sarili mong kakayahan?"
"Meron...pero mas gusto ko lang makasigurado. Ganito ako kapag may isang bagay na pinakamimithi. Nakahanda akong gawin ang lahat para lamang makuha ito."
"Hindi ba pambabastos sa pagkatao ni Jackie yang ginagawa mo?"
Binigyan ni Zanjoe ng matapang na tingin si Vice. Unti-unti na siyang nagtataka sa linya ng pagtatanong at tono ng pananalita ng basketbolista.
"Wala akong makitang mali sa ginagawa ko. Pambabastos ba ang bigyan ng importansya ang mga taong malalapit sa babaeng gusto ko?"
"Binibigyan mo ng importansya pero may kapalit! Hindi isang paninda si Jackie para gawin mong kondisyon kay Bella! Pag nalaman ito ni Jackie sa tingin mo ba hindi sya masasaktan o maiinsulto man lang?!" mataas na tonong wika ni Vice.
"Sandali lang Mr. Viceral...." natatawang wika ni Zanjoe. "Pakilinaw mo nga sa akin kung para saan yang ikinakabahala mo. Dahil ba ito sa girlfriend mo na binigyan ko ng ganitong kondisyon upang tulungan ako sa kaibigan niya o dahil ito sa kaibigan ng girlfriend mo na syang kondisyon ko? Alin sa dalawa Mr. Viceral?"
Biglang natigilan si Vice sa tanong ng nakangising kausap.
"Naiintindihan ko kung dahil ito sa girlfriend mo... Pero kung nagkakaganito ka dahil kay Jackie, hindi ba parang may mali Mr. Viceral? Hindi ba mukhang sobra-sobra naman yata ang pag-aalala mo sa kaibigan ng girlfriend mo? Ayokong isipin, Mr. Viceral, na may dapat akong ikabahala sayo."
Tumayo si Zanjoe at inayos ang neck tie. "Now if you'll excuse me, Mr. Tan next time na lang ulit tayo mag-meeting at mukhang magulo ang isip ng alaga mo ngayon."
Nakanganga at walang naisagot si Mr. Tan. Nakatulalang tiningnan na lamang niya ang papalabas sa pintong presidente ng Bluestar. Kanina pa sya nagtataka kung ano ang mainit na pinag-uusapan ng dalawang lalaki kaharap.
YOU ARE READING
'Til I Met You: The Author of My Life
FanfictionJose Marie "Vice" Viceral is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, intelligence and classy attitude. He's the perfect description of the word 'charisma'. Despit...