BASKETBALL
Dalawang oras nang naglalarong mag-isa sa court si Jackie, pasilip-silip sa malaking bintanang salamin at patingin-tingin sa pintuan. Pagod na siya at pawis na pawis. Naiinip na siya kaya napagpasyahan niya nang tumigil. Binitawan niya ang bola at nagpunas ng pawis. Unti-unti siyang may narinig na mga yabag at pag-uusap. Nabosesan niya ang magkaibigang kapitbahay. Nagmamadaling itinapon niya ang tuwalya sa sahig. Dinampot niya ulit ang bola at kunway nagseryoso sa paglalaro mag-isa.
Nang papasok na sa pintuan ang magkaibigan ay biglang nagpaalam si Vhong kay Vice. Nagkaroon ito ng biglaang lakad. Tumungo si Vice sa bakanteng ring at nagsimulang mag-ensayo nang hindi binabati si Jackie. Naisip niyang mas makakabuting huwag istorbohin ang mailap na kapitbahay.
Palihim na sinusulyapan ni Jackie ang kinaroroonan ni Vice. Sinadya niyang itapon ang bola malapit sa kinatatayuan nito. Nagkunwaring hinabol niya ang bola at nang makitang napatingin sa kanya ang binata ay kusa nya itong nginitian. Pagkakuha ng bola ay nagkunwari ulit syang seryoso sa pagdidribol subalit hindi sya umalis sa kinatatayuan malapit sa lalaki. Maya't maya niya pa ring pilit nginingitian ang binata sa tuwing napapatingin ito sa kanya.
"May sasabihin ka ba?" hindi nakatiis na tanong ni Vice na kanina pa nakakahalata sa kakaibang ikinikilos ng babae.
" Nagpapahingi si Bela ng jersey mo," walang pag-aalinlangang sabi ni Jackie.
"Totoo? Pwede ko bang i-confirm yan sa kanya?" kunway duda nang binata ngunit ang totoo ay gumuguhit ang malaking ngiti sa likod ng isipan.
"Oo naman! Yan nga ang sinabi ko sa kanya na siya na lang ang manghingi sayo kaya lang nahihiya ang kaibigan ko. Saka hindi niya daw sigurado kung kelan ulit kayo magkikita. Ah at saka pirmahan mo nga rin daw pala!"
"Okay," maiksing sagot ng lalaki at ipinagpatuloy ulit nito ang paglalaro.
Hindi pa rin umalis si Jackie sa kinatatayuan at tuloy pa rin ito sa pagkukunwaring pagdidribol ng seryoso. Ilang sandali pa ay lumapit ulit dito ang nakakahalatang binata.
"May sasabihin ka pa ba?"
Kunway ilang saglit na nag-isip si Jackie. "Hmmm...gusto mo bang makuha ang number ni Bel?"
"Meron na ako."
"Huh, paano mo nakuha? Sigurado ka number nya yun?"
"Nagkita kami sa isang charity event, binigay ng sekretarya nya."
"Ahhh.." tumatangong sambit ng babae habang nag-iisip ng nang mga susunod pang sasabihin.
"Napansin kong wala ka pa ng bagong libro ni Bela...gusto mo magkaroon nito?"
"Nakabili na ako."
"Gusto mo hingin ko ulit ang autograph niya?"
"Ako na lang ang personal na hihingi."
"Gusto mo papuntahin ko bukas si Bela para mapirmahan nya kaagad?"
"May kailangan ka ba?" diretso ngunit medyo natatawang tanong ulit ng binata na naninibago sa biglaang pagiging palakaibigan ng kapitbahay.
"Mahilig ka ba sa coffee?" napakaamong tanong ng nakangiting dalaga.
"Hindi. Hindi advisable ang caffeine sa aming mga players."
"Meron din kaming tindang mga juices."
"Bakit meron ka bang coffee shop? Ano to bibigyan mo ba ako ng endorsement proposal sa kalagitnaan ng pag-eensayo ko?"
"Hindi...wala..este ibig kong sabihin
wala akong coffee shop. Nagtatrabaho ako sa isang coffee shop.""Trabaho? Anong trabaho?"
YOU ARE READING
'Til I Met You: The Author of My Life
Hayran KurguJose Marie "Vice" Viceral is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, intelligence and classy attitude. He's the perfect description of the word 'charisma'. Despit...