TIMY-01

74 4 0
                                    


NEW YORK CITY


Madison Square Garden, New York City.

Ang pinakatanyag na basketball court sa buong mundo. Mayroong mahigit dalawampung libong manonood na nagsisipagtayuan. Dumadagundong ang palakpakan, tilian at hiyawan.

"MVP!MVP!MVP! MVP!" Kaliwa't kanan ang mga litrato at jersey ng namumukod tanging manlalaro....Nagkalat ang mga karatola na nagpapahiwatig ng paghanga...I love you, Marry Me..The NBA Superman, Basketball Superstar, My Future Husband. Please Be My Man... Ganito ang uri ng pagtanggap ng mga tagahanga sa isa sa kasalukuyang pinakasikat na basketball players sa buong mundo. Si Jose Marie "Vice" Borja Viceral.

"Vice, andito na naman tayo sa walk out interview na ito. Isa na namang 40 points game para sayo ngayong gabi, wow! Lagi mo talagang sinusurpresa ang mga manonood. Ano ang masasabi mo sa laro mo ngayon?"

"Gusto kong magpasalamat sa Diyos at binigyan nya ulit ako ng isang magandang laro ngayong gabi. Ako, kasama ng mga teammates ko ay talagang nagsikap na ma-execute nang mahusay ang instructions ng aming mga coaches para maipanalo ang laban," mapagkumbabang sagot ng manlalaro habang kinakapos pa rin sa kanyang paghinga at patuloy na nagpupunas ng tumatagaktak na pawis sa mukha.

"Ano naman ang mensahe mo sa iyong mga tagahanga na talaga naming halos magiba na ang buong arena sa lakas ng hiyawan at palakpakan kapag nakakapuntos ka?"

Nagbigay ng isang matamis na ngiti ang lalaki. Tumingala siya at inikot ang mga mata sa buong paligid, saka kumaway sa kanyang mga naghihiyawang tagahanga. "Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. Isa kayo sa mga inspirasyon at nagbibigay lakas sa aming team para pagbutihin ang aming paglalaro. Hindi kami magsasawang bigyan kayo ng magagandang laban kaya't sanay lagi kayong naririyan para suportahan kami."

"Maraming salamat Vice at goodluck sa susunod nyong mga laro," nakangiting pagtatapos ng reporter.

"Maraming salamat din sayo!" Naglakad ang basketbolista patungong locker room nang iniaabot ang mga kamay niya sa sumasalubong na mga fans na nais syang makadaupang palad.

Siya si  Jose Marie "Vice" Borja Viceral, dawalampu't apat na taong gulang, isang tipo ng lalaking halos katumbas na ang katagang perpekto. Gwapo, matalino, mabait, mapagkumbaba, napakagaling sa larangan na kanyang napiling karera at gradweyt ng Harvard University. Kabilang siya sa koponan ng New York Knicks. Pangalawang taon pa lamang niya sa NBA ngunit mabilis siyang sumikat dahil sa taglay niyang katangiang bibihirang makita sa kultura ng NBA. Maraming mga manlalaro ang naiisyung basagulero, babaero, mayayabang, punung-puno ng mga tattoo sa katawan at halos karamihan sa mga ito ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo. At ang lahat ng mga ito ay kabaliktaran ng pagkatao ni Vice, kaya't nang magsimula siyang maglaro bilang rookie sa koponan ng New York City, marami kaagad ang humanga at sumuporta sa kanya. Lalo siyang sumikat nang sunud-sunod niyang naipanalo ang mga laban sanhi upang makapasok sila sa play-offs kung saan huli itong nangyari mahigit labindalawang taon na ang nakakalipas. Dahil dito, tiningala siya ng mga New Yorkers bilang tagasalba ng naghihingalo na sana nilang koponan. Naging isang malaking usapin siya sa NBA. Sa unang dalawang buwan niyang paglalaro ay dalawang beses at magkasunod na naging cover siya ng Sports Illustrated. Nailathala rin ang kanyang pangalan sa daan-daang mga magasin, peryodiko at online sites. Madalas siyang nagiging trending sa mga social networks at paksa ng mga sports analysts habang kaliwa't kanan namang umeere ang kanyang mga basketball highlights sa iba't ibang sports channels. Kung gaano kabilis ang kanyang pagsikat, ganoon din kalaki ang pinagbago ng buhay niya. Ang dati nyang simple at tahimik na buhay ay napalitan ng maingay, kumplikado at buhay na bukas sa publiko. Walang lugar na hindi siya pinagkakaguluhan. At halos sa bawat kilos niya, laging may nakaabang na mga kamera't mga mamahayag.

'Til I Met You:  The Author of My LifeWhere stories live. Discover now