LARO NG PUSO
Naalimpungatan si Jackie. Pagmulat ay kaagad niyang nakita ang mukha ng nakaupong natutulog na kapitbahay. Maingat syang bumangon mula sa mga hita nito at tumingin sa tahimik na paligid. Napatingin siya sa suot na relos, alas dos na ng madaling araw. Ilang oras ba syang nakatulog?
"Mabuti at nagising ka na?"
Napalingon siya sa lalaki. Naalala niya ang mga nangyari. Bigla siyang nahiya sa kapitbahay. Masyado niya itong naabala at nagawa pa siya nitong samahan hanggang sa mga oras na iyon.
"Maayos na ba ang pakiramdamdam mo?"
Tumango siya. "Salamat. Pasensiya ka na at naabala kita. Iniwan mo na lang sana ako nung nakatulog ako."
Tumayo siya para bumalik na sa kanyang unit. Ngunit nang humakbang sya ay pinigilan ni Vice ang isa niyang kamay.
"Ikaw ba?" tanong nito sa kanya.
Hindi siya makasagot. Naguguluhan siya sa tanong ng kapitbahay.
"Ikaw ba ang dahilan ng mga kalungkutan na nararamdaman ko mula sa mga libro?"
Unti-unting nanlaki ang mga mata niya.
"Ikaw ba?...ikaw ba ang anino na binabanggit ng paborito kong libro?...Ikaw ba?...ikaw ba ang pinaghuhugutan ng mga isinusulat ni Bella?"
Hindi pa rin siya sumagot. Sa halip ay tinanggal niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. "Pakiusap Vice, huwag mo muna akong kausapin. Gusto ko pang magpahinga."
Dali-dali siyang naglakad papalabas ng rooftop habang pilit itinago ang biglang naramdamang kaba dahil sa mga tanong ng kapitbahay...
-----
Binasa ni Jackie ang pangalan ng building. Sinisigurado kung yun nga ang gusali ng opisina ng kaibigan. Matagal na silang hindi nag-uusap ni Bella, simula pa noong nagkaroon sila ng pagtatalo. Gusto niyang makita at makausap ang kaibigan...bago sya umalis ng New York.
Sumakay siya sa elevator at ng papasara na ito ay biglang humabol ang dalawang babae. Natatandaan nya ang mukha ng isang babaeng kulay dilaw ang buhok. Ito ang sekretarya ng kaibigan.
"Mylene handa na ba ang isusuot mo sa party para bukas?"
"Ay oo naman girl! Pinaghandaan ko talagang mabuti yan. Ilang araw akong hindi nakatulog sa kakapili ng design. Lahat na yata ng pagri-research ginawa ko. Inaasam-asam ko talaga na this time sana may matisod na akong prince charming at sana si Mr. Zanjoe Marudo yun eeeeiiii kinikilig ako sobra!"
"Grabe ang yaman-yaman talaga ng Bluestar no? Imagine mo sa party pa lang na inihanda nila kay Ma'am Bella eh milyon-milyon na ang halaga!"
"Ay mayaman talaga girl! At huwag kang mag-alala pag napangasawa ko si Zanjoe Marudo, pamamanahan kita!"
"Pero di ba Mylene, malaki dati ang problema natin sa Bluestar? Bakit parang nabaligtad yata ang mundo ngayon?"
"Ganito kasi yan girl. Itong si Mr. Marudo may itinatago ding pagkakrung-krung. Noong una inaalok niyang mapangasawa si Ma'am Bella pero kung ikaw si Ma'am ipagpapalit mo ba ang jowang Jose Marie Viceral? No way! At eto na bigla daw may umeksenang kaibigan si Ma'am Bella na siya naman ngayong biglang hininging kapalit ni Mr. Marudo para magkasundo sila ni Ma'am. Nagtataka nga ako kung sino ang kaibigan na yun? Wala naman akong nakikitang close friend ni Ma'am na madalas niyang nakakasama."
Bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang dalawang nag-uusap na babae. Naiwan ang nakatulalang si Jackie. Hindi niya magawang humakbang. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa huling sinabi ng sekretarya? Ipinagkasundo siya ng kaibigan niya sa isa rin nyang kaibigan?
YOU ARE READING
'Til I Met You: The Author of My Life
FanficJose Marie "Vice" Viceral is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, intelligence and classy attitude. He's the perfect description of the word 'charisma'. Despit...