"Ely, ikaw ba talaga 'yan?" agad kong tanong sa kanya nang magkita kami sa usual naming meeting place which is near the guard house.
Napatigil siya sa paglapit at agad na nagsalubong ang kilay niya saka unti-unting natawa bago lumapit sa'kin.
"Aray!" daing ko nang hampasin niya ang braso ko.
"Ano bang klaseng tanong 'yan? As far as I know, nagkakaganyan ka lang kapag gusto mong magpalibre sa'kin" natatawang pahayag niya bago ako hinila palabas ng gate.
Nagpapalibre agad? Nagtatanong lang naman ako. Pero oo nga, sino namang matinong tao ang tatanungin ang kaibigan ng gano'n?
Masisiraan na yata ako ng bait.
Tumigil kami sa mga nagtitinda ng streetfoods malapit sa university. Marami ring mga students na suki nila pati na rin ang ilan sa mga instructors ay dito kumakain.
"Pili ka lahat ng gusto mo, akong magbabayad, okay?" masayang saad niya sa'kin na ikinatakam lalo ng tyan ko.
"Aba, ang galante mo ha" kunwaring amazed sa sinabi niya.
Pumili kami parehas ng mga gusto namin kaya tag-tatlong order ng kwekwek, chichaw, at chicken skin ang binili ko.
"Mauubos mo ba 'yan?" nagtatakang tanong ni Ely habang nakatingin sa isang plastik na hawak ko.
"Kulang pa nga 'to e pero dahil nahihiya ako, kaya konti lang" pag-amin ko sa kanya.
"Wow ha, nahiya ka pa niyan" kumento niya habang hinihintay ang kanyang sukli.
"Maganda 'yong spot do'n!" Tinuro ko ang malilim na bahagi kung saan may bakanteng bench. Maraming mga students ang tumatambay dito sa park dahil walking distance lamang ito mula sa university.
Nasa kalagitnaan kami ng aming kinakain nang mapagdesisyunan kong tanungin siya sa bagay na na-experience ko lately.
"Are you serious?" hindi makapaniwala niyang tanong.
Agad kong inilabas ang binili naming notebook kahapon sa SM kung saan ako magsusulat sana ng outline saka pinakita sa kanya.
"Nandito lang kanina 'yong pangalan niyong tatlo nina Zachary at Sunnie. No'ng nasa gazebo kasi ako, nagkita kami ng Gallegos na 'yon tapos binato ako ng bola sa ulo. Pagtingin ko sa notes ko, nandito na rin no'n ang name ni Sunnie which is weird" mahabang kwento ko sa mga nangyari kanina at kung paano ito nagsimula.
Sumeryoso ang tingin niya sa mga plot na nakasulat. Tatlong bullet pa lamang ang mababasa pero sigurado akong 'di ko 'yon naaalala.
"Are you sure na hindi mo naalalang sinulat mo 'to for your historical fiction novel?" Seryoso pa rin ang reaction niya sa mga nakasulat.
"Hindi. Ang weird 'di ba? Kaya tinanong kita kanina kung ikaw ba 'yan" natatawa kong saad pero may halong kaba at pagkalito.
Tumingin ulit siya sa hawak niyang notebook ko. May binulong siya kaso hindi ko naman naintindihan. Nag-aalangan niyang binalik sa'kin ang notebook at ang mga ngiti niya ay nag-aalangan katulad ko.
"A-Ano sa tingin mo?" kinakabahan kong tanong. Kasunod ang iniisip kong sana'y hindi niya ako mapagkakamalang nababaliw.
"Of course, hindi ka baliw. Friends pa rin tayo, 'no. Alam mo, gutom lang 'yan kaya ubusin na natin 'to dahil baka hanapin ka na ng mama mo" natatawa niyang pag-iiba sa usapan kaya nakitawa na rin ako at sabay naming inubos ang kanya-kanya naming pagkain.
Ilang oras na akong nakatutok sa monitor, specifically sa mga drafts ko sa website ng writing platform kung saan ako nagpo-post ng story na hindi naman matapos-tapos.
"Hay, ni isa wala man lang akong natatapos" yamot kong kumento.
Napatingin ako sa notebook na nasa gilid ng keyboard. Pilit na rumerehistro ang lahat ng naging kaganapan kasama ang bagay na 'yan.
"Hindi ako kumbinsido kay Ely na gutom lang 'to. Balak mo sigurong sirain ang pag-iisip ko 'no?" pakikipag-usap ko sa notebook kahit na hindi naman ito sasagot.
"Yumi, anak? Sinong kausap mo dyan?" tanong ni Mama sa pagitan ng pagkatok niya sa pinto ng kwarto ko.
"Wala po, Ma. May kinakabisado lang po 'kong line sa role play!" pagsisingungaling ko.
"Matulog ka na pagtapos ha" bilin niya nang mabuksan na niya at pinto at dumungaw.
"Opo, Ma" tipid kong pag-sangayon.
"Nga pala, luluwas ako mamayang madaling araw. Kailangan kong asikasuhin ang lupa natin sa Isabela. Hindi pwedeng wala kang mamana mula sa mga Tita mo" pagpapaalam niya.
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Mama. "Ma, hayaan niyo na po 'yon. Kapag nakapagtapos po ako ng pag-aaral, mas malaking lupa ang ipupundar ko" pagpapaliwanag ko para hindi na siya tumuloy.
"Makikipag-usap lang naman ako ng maayos sa mga Tita at Tito mo. Kung hindi talaga uubra, magkalimutan kaming lahat" gigil na saad ni Mama habang inaayos ang facial mask niya.
Kahit na labag sa loob ko ay hinayaan ko na lang siya.
"Nag-aalala lang naman po ako sa inyo. Mag-iingat po kayo sa byahe, Ma" bilin ko kay Mama.
Siya na lang ang pamilya ko kaya hindi ko kakayanin kung pati siya ay mawala sa buhay ko.
Hinalikan niya ang noo ko bago kami nagpalitan ng goodnight sa isa't isa. Malungkot akong bumalik sa harap ng computer. Nabaling ang tingin ko sa picture frame na naka-pwesto sa
tabi ng monitor."Pa, nami-miss na kita. Dalawin mo naman po ako sa panaginip ko para maramdaman ko ulit ang mainit at secured mong hug" pakikipag-usap ko sa litrato ni Papa. 'Yan lang ang kaisa-isang litratong naiwan sa'min dahil naanod ng baha ang lahat ng ala-ala namin sa kanya.
"Pa, promise ko sa'yong magtatapos ako ng pag-aaral. Pa, ipanalangin mo ang kaligtasan ni Mama. Nakakatampo po ang mga kapatid niyo pero hindi naman po ako sobrang nagdadamdam. I'm just sad to see Mama doing everything para sa'kin, sa karapatan namin sa lupa" malungkot kong kwento.
May nagbabadyang luha kaya tumingala na ako agad para pigilan ito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
Nakuha ng atensyon ko ang tunog ng keyboard. Parang may nagta-type pero wala naman akong nakikita. Hindi naman gumagalaw ang keyboard ko at walang kakaiba sa monitor.
Napatayo na ako sa kaba dahil palakas ng palakas ang naririnig ko. Pabilis din ng pabilis ang pagtatype hanggang sa hindi ko na makayanan kaya napasigaw na ako sa sakit.
"MAMA, TULUNGAN MO 'KO!" buong pwersa kong sigaw habang pikit-matang tinatakpan ang ang tenga ko.
Bumagsak ako sa sahig at bago ako mawalan ng ulirat, narinig kong natumba ang picture frame ni Papa.
Pa, sabi ko sa panaginip mo 'ko dalawin at hindi sa real world.
YOU ARE READING
Pahimakas
Historical FictionYumi is a college student taking Education but aside from being a teacher, she wants to be a published author someday but she never finish any of her drafts. After reading a historical fiction novel, she bacame fond of history until she started to d...