Yumi is a college student taking Education but aside from being a teacher, she wants to be a published author someday but she never finish any of her drafts. After reading a historical fiction novel, she bacame fond of history until she started to d...
"Yumi, gumising ka na. Mag-a-alas otso na hindi ka pa nakakaligo" gising sa'kin ni Mama mula sa mahimbing kong tulog.
Dahil sa sinabi niyang mage-eight na ay agad akong bumangon at mabilis na lumabas ng kwarto ko para maligo at kumain ng agahan.
"Ma, sabi ko naman sa inyo gisingin niyo 'ko ng mas maaga" reklamo ko kay Mama na nag-aayos ng sarili sa full lenght mirror malapit sa TV. Napansin kong bihis na bihis siya dahil sa magandang royal blue shirt na suot niya at tinernohan niya ng square pants.
"Gigisingin na sana kita kanina pero mukhang masaya ka sa panaginip mo" hagikhik niya.
"Masaya? Eh isang malaking nighmare nga 'yon, Ma kung alam mo lang" depensa ko.
Paano kasi, napanaginipan ko ang pagmumukha ni Zachary Gallegos na kahit kailan ay hindi ko magugustuhan.
"May nababangungot bang masaya tapos sinasabi ang pangalang 'Zachary'?" makahulugang tanong ni Mama na ikinatigil ko sa pagsisintas at napatingin ulit sa kanya.
"Seryoso ka, Ma?"
Tumawa siya ng malakas bago nagsalita. "Joke lang! Nabasa ko kasi ang notes mo tapos nakasulat doon ang Zachary Gallegos. Crush mo ba 'yon or boyfriend?" panunukso niya pero tinapos ko na lamang ang pagsisintas.
"None of the above, Ma" sagot ko. "By the way, saan po kayo pupunta?" tanong ko nang mapansing paalis na siya.
"Sa kumare kong ikakasal sa pangatlo niyang asawa" sagot naman ni Mama.
Nagpaalam na siya at binilin sa'king patayin lahat ng saksakan at i-lock ng maayos ang pintuan. Wala pang sampung minuto nang sumunod na rin akong umalis ng bahay.
Habang naglalakad ay naalala ko ang panaginip ko kanina.
Hindi ko na maalala ang mga pangyayari pero alam ko kung sinong kasama ko sa panaginip na 'yon.
Ang naaalala ko lang ay nagda-draft ako ng panibagong kwento kagabi at pinipilit kong gumawa ng maayos-ayos na outline para naman makatapos na ako ng isang novel pero hindi ko maalalang nagsulat ako ng pangalan ng manyak na Zachary Gallegos na 'yon.
Nadaanan ko ang bahay nila Sunnie at napansin ko ang kanyang nanay na nakikipag-tsismisan sa mga kalahi niya. Napatingin siya sa gawi ko tapos may kung anong pinagsasabi sa kanila.
"May pinagmanahan talaga ang babaeng 'yon" I commented pertaining to Sunnie bago tuluyang lumabas ng street namin para pumara ng masasakyan patungong state university.
Matapos ang first class namin sa subject na Ethics ay napagdesisyunan kong tumambay muna sa maliit na gazebo sa likod ng school dahil vacant time.
Walang gaanong pumupunta rito dahil may kalayuan pero mahangin dahil sa mga nagtataasan at naglalakihang mga puno ng mangga. Hindi ko naman maaya si Krystel dahil may klase siya maghapon kaya ako lang tuloy ang mag-isa rito.
"Perfect environment para magsulat ng kwento" masaya kong bulong sa hangin habang inilalabas ang notes ko para sa gagawin kong outline.
Natutunan kong mag-outline muna bago magsulat ng kwento mula sa mga facebook groups and pages na sinasalihan ko. Isama na rin ang mga tips mula sa kapwa ko mga aspiring writers. It's my first time to make an outline kaya sana mag-work at kapag natapos ko ang aking first novel, I swear magse-self-published ako.
"Huh?" Nagtataka kong tinu-turn ang bawat pages ng notes ko dahil nawawala ang draft na sinulat ko kagabi. Nawala na rin ang pangalan ni Zachary dito. As in malinis na malinis ang notebook ko pero sigurado akong nagsulat ako rito kagabi.
"Panaginip lang ba 'yong draft ko o nananaginip ako ngayon?" tanong ko sa sarili habang salubong ang kilay ko.
Biglang may kung anong bagay ang tumama sa ulo ko hanggang sa mapansin ko ang bola na gumugulong sa gilid ko.
Agad kong hinarap ang walang modong gumawa 'non sa'kin dahil muntik na akong himatayin sa gulat.
"Bakit mo ginawa 'yon?!" naiinis kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya saka naglakad palapit sa'kin para pulutin ang bola niya.
"Isipin mo na lang na nakita mo 'ko sa panaginip mo" natatawa niyang sagot bago ako iwanan dito sa gazebo habang pilit na nagsi-sink in sa'kin ang sinabi niya.
"Lubayan mo 'ko! 'Wag ka nang magpapakita sa'kin ha?!" sigaw ko sa kanyang likuran pero ang loko nag-wave pa bago lumiko.
Napansin kong sa tuwing nagkakalapit kami, kung anu-anong kamalasan ang dumadating sa buhay ko. Mabuti pa siguro kapag at least ten meters ang pagitan namin para safe sa bad luck na dala niya.
Binalik ko na lang ang atensyon ko sa susulatin kong new idea para sa story ko nang mapansin kong may mga nakasulat na naman kaya binasa ko ito.
Nagtataka kong tinitigan ang bawat letra. Sulat ko nga 'to pero hindi ko maalalang nagsulat ako ng ganitong mga plot katulad ng kung saan may magbibigay ng tsaa sa babaeng bida tapos mawawalan siya ng malay.
"This is not my idea" turan ko sa sarili ko habang binabasa ang mga sumunod pang nakasukat.
"Oh? Bakit may Elicia Gomez dito? Nakakaloka naman" dagdag ko nang mapansin ang buong pangalan ni Ely.
Listahan ba 'to ng mga noisy? Ng mga papansin? Pero hindi naman papansin si Ely, maingay at madaldal lang.
Hinayaan ko na lang ang mga nakasulat doon saka tinurn ang panibagong page para isulat ang iniisip kong idea.
"Saan na naman 'yong ballpen ko? May dukot-ballpen talaga sa room. Naku! Magpakita ka na, promise 'di na kita kakagatin habang nakikinig ng discussion" pakikipag-usap ko sa ballpen ko at mukhang effective dahil nahanap kong nakaipit sa historical fiction na novel.
Katatapos ko lang basahin ang Harana sa Ilalim ng Sinagtala. Ilang singa at luha ang na-produce ko dahil do'n.
"Sandali, hindi ko na maalala kung anong isusulat ko" nayayamot kong saad sa sarili.
I hate this feeling na bigla-biglang mawawala sa isipan ko lahat ng magagandang ideas na naiisip ko kapag isusulat ko na sila. Kaya hindi rin ako nakakatapos ng nobela because of this.
"Bangag ka na ba, Yumi?" pangangamusta ko sa sarili ko saka ako pumikit sandali bago magsulat sana pero napakunoot na naman ang aking noo.
"Naghahallucinate ba ako?" tanong ko muli nang mapansin ang bagong pangalan na nakasulat sa ilalim ng pangalan ni Ely.
Please, wake me up. Historical fiction po ang susulatin ko at hindi Fantasy or Horror or kung ano man!
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.