Kabanata III

10 1 0
                                        

"Sa susunod na araw na pala ang birthday mo" masayang paalala ni Ely habang patungo kami sa open field. Parehas na vacant period namin every Thursday.

"Oo pero hindi ko sure kung makakauwi si Mama sa Sabado" malungkot kong saad habang hinahawi ang iilang dumi sa carpet grass na uupuan namin.

"That's awful. How do you celebrate your birthday?" mahinahon niyang tanong.

Napatingin ako sa mga kapwa namin estudyante na nakaupo rin dito sa field. Ang iba'y naglalaro o kaya, nagpa-practice ng sayaw. Lalong nakadagdag sa ganda ng view ang maulap at mahanging pahahon kaya panay ang hawi ko sa mahaba kong buhok sa tuwing sasalungat ng direksyon ang hangin.

"Just a simple yet memorable celebration. Ang huling birthday ko na kasama si Papa was ten years ago so eleven pa lang ako that time. She gave me a vintage diary and I began to write everything about me, about my life not until before my eighteenth birthday, nawala ko ang diary na 'yon. Since then, hindi na ako gumawa ng diary" kwento ko habang nagpe-play back sa isipan ko ang mga pangyayari.

"Laging nagluluto si Mama ng handa kapag may special occasions lalo na kapag birthday ko. Favorite ko ang Pansit Bihon at pineapple jam na ginagawa niya. I love pineapples" natatawa kong dagdag.

Tumawa rin siya bago nagsalita. "I never heard your heart-touching memory. It's great".

Tumango ako bago tumingin ulit sa mga estudyante.

I don't know her well. We're friends for ten months at nagkakilala kami noong high school dahil isa siyang transferee ng second semester.

Napalingon ako sa kanyang maamong mukha. Mukha siyang mestiza dahil sa features ng mukha niya. Matangos ang ilong, makapal ang mga kilay, malalalim ang kanyang mapungay na mga mata, makipot ang labi at may dimples sa right cheek. Makinis at maputi rin siya bagay na lalong ikinaganda niya.

Samantalang ako? Ito, morena.

"Nakapunta ka na sa'min pero ako hindi pa nakakapunta sa inyo" biro ko pero napansin kong may nagbago sa expression ng kanyang mga mata.

"My parents are busy at nasa abroad sila ngayon dahil sa mga clients nila. Si Granny ang kasama ko but she's totally strick that's why I can't take you there. Sorry" malungkot niyang paumanhin.

"Ano ka ba, it's okay! Hindi naman big deal sa'kin but based from your pictures and the way you act, the way you dress, at kapag nililibre mo 'ko, alam kong mayaman kayo at malaki ang bahay niyo" pagpe-pressume ko which made her laugh.

"You got it right" pagkumpirma niya kaya natawa na lang kami ulit sa isa't isa.

Biglang humangin ng mas malakas kaya lalong nagulo ang buhok ko. Kasabay nito ay ang mga papel na nagsiliparan sa gawi namin ni Ely.

"Damn!" rinig kong reaction ng isang lalaki habang nagmamadali sa pagpulot ng mga nahanging papel.

"Pwe!". Tinanggal ko ang papel na na-stuck sa bibig ko. Nabasa tuloy ng laway sa gilid nito pero hindi naman gano'n kahalata.

Agad ko siyang tinulungan at literal na nakipaghabulan ako sa mga papel na patuloy pa ring tinatangay ng hangin. Ilang metro ang naging pagitan ko sa inuupuan namin kanina nang matapos ako sa pagpupulot.

"Hay! Mas nakakapagod pa ring maghabol sa may utang sa'yo" bulalas ko sa hangin habang hinihingal.

"Salamat-". Natigilan siya sa sinasabi nang mapagtanto namin ang isa't isa.

"Ikaw na naman?!" halos sabay naming bulalas sa isa't isa pero agad ko nang inabot sa kanya ang mga pinulot kong papel.

"Next time, hawakan mo ng maayos para hindi liparin. Pabaya kasi" diretsong payo ko sa kanya.

'Di naman sa pagmamagaling pero shempre gusto ko lang na hindi napapabayaan ang gawa ng iba. What if may hindi pa pala kami napulot 'di ba?

Ngunit mukhang 'di niya nagustuhan ang sinabi ko kasi parang wala lang sa kanya. Pangisi-ngisi lang na akala mo mali ang sinabi ko.

"Next time kasi 'wag kang magpapakita sa'kin para hindi ako minamalas" pang-aasar niya nang 'di pa rin nawawala ang ngisi.

Ang sarap supalpalin ng bunganga nito. Tingnan natin kung makakangisi ka pa ng ganyan.

"OMG! Si Prince Zach!". Nawaglit ang atensyon ko sa kanya dahil sa grupo ng mga kababaihang tumigil malapit sa'min para lang purihin ang walang modong lalaking 'to.

Prince Zach? Uso pa rin pala talaga ang mga ganito? Nakakatawa.

Napagdesisyunan kong 'wag na lang patulan ang nilalang na 'to dahil baka ako pa ang mapasama mula sa mga fans kuno niya.

"Akala mo kung sinong gwapo" bulong ko sa sarili ko bago siya irapan at lampasan.

May binulong rin siya pero hindi ko na narinig at wala akong balak na alamin pa. Tumakbo ako pabalik kay Ely na nakatayo na ngayon.

"Siya na ngang tinulungan, siya pang may ganang sabihan akong malas!" gigil kong kwento sa kanya. Napatigil lamang ako sa mga sinasabi ko nang mapansing hindi siya kumikibo.

Kumunoot ang noo ko dahil tila nawala siya sa sarili. Nakatulala lang siya kung saan ako nanggaling kanina.
"Ely? Are you with me?" tanong ko para kunin ang atensyon niya pero wala pa rin kaya winagayway ko ang kamay ko sa harap niya. "Ely, nasa Earth pa tayo".

"W-what? Sorry" agad niyang response nang makuha ko na ang attention niya. Seryoso na may halong pangamba ang nakikita kong emosyon ng kanyang mga mata.

"No offense ha pero masyadong mahangin ang prince charming mo". Pag-uulit ko sa kinukwento ko kanina pero hindi niya ito pinansin at sa halip ay gano'n pa rin ang emosyon niya.

"May tatapusin pa pala ako kasama ang mga groupmates ko. Mauuna na ako ha. Bye!" nagmamadaling paalam niya. Isang tipid na ngiti ang ginawad sa'kin bago siya nagmamadaling tumakbo patungong building nila.

Questioned ang isip ko habang pinapanood siyang tumatakbo hanggang mawala siya sa paningin ko.

"Nagseselos ba siya kasi dapat siya ang tumulong kay Zachary?" wala sa sariling naitanong ko sa hangin. Tinigilan ko na ang kakaisip sa naging reaction ni Ely dahil baka mabaliw ako. "No. May groupings sila. That's it".

Bago ako umalis sa field at nagsimula nang maglakad, napatigil ako nang marinig ang pamilyar na tunog sa aking isipan. Tunog ito ng keyboard na parang may mabilis na sinusulat. Katulad ito nang narinig ko kagabi. Agad akong kinilabutan dahil palakas ito ng palakas hanggang sa hindi ko namalayang napaluhod na pala ako.

Ang huling natatandaan ko na lang bago ako mawalan ng malay ay nagsitakbuhan palapit sa'kin ang mga schoolmates ko para alalayan ako.

Ang huling natatandaan ko na lang bago ako mawalan ng malay ay nagsitakbuhan palapit sa'kin ang mga schoolmates ko para alalayan ako

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Pahimakas Where stories live. Discover now