Kabanata V

4 0 0
                                        

Hinintay ko siyang magsalita ulit at nang akmang bubuka na ang kanyang mga labi ay may lalaking tumawag sa pangalan ko na parehas naming ikinalingon ni Ely sa gawi ng mga lalaki sa track field.

"Ikaw ba si Mayumi Marilag?" pagkukumpirma ng medyo payat at matangkad na lalaki.

Salubong ang kilay kong napatango dahil nagtataka ako kung bakit niya ako tinawag.

"Sabi sa 'yo, girlfriend ko 'yan e!" proud na sabat ng isa pang lalaki at walang iba kun 'di si Zachary.

Napaawang ang bibig ko sa narinig dahil hindi man lang ako na-inform na may boyfriend na pala ako pero kung siya lang din naman, no thanks.

Lumakas ang bulungan ng mga babaeng nagfa-fangirl sa kanila nang maglakad si Zachary palapit sa 'kin.

Kinakabahan akong napatingin sa gawi ni Ely ngunit nagulat ako nang wala na siya sa tabi ko.

Bago pa man makalapit sa 'kin si Zachary, nag-aalangan akong ngumiti sabay sibat.

"Huwag kayong maniwala sa kanya!" paalala ko muna sa kanila bago tuluyang tumakbo ng mabilis patungong main gate.

Ano na namang trip niya at pinakilala akong girlfriend niya sa mga tropa niya? Narinig pa naman ako ng mga fans nila, for sure kalat na kalat na 'to bukas! Hay, nakakainis naman. Ang malas talaga ng lalaking 'yon sa buhay ko.

"Ely, nasaan ka na ba?" walang pag-asang tanong ko sa hangin nang makaramdam ako ng pagod kaya tumigil ako sa isang bench na hindi kalayuan mula sa main gate.

Sandali akong tumayo at inipon ang lakas para tawagan si Ely. Nakaramdam ako ng pagkauhaw pero titiisin ko na lang dahil wala naman akong dalang tumbler.

"The number you have dialed is now unattended or out of coverage area. Please try your call later," tugon ng tawag. Nakapatay ang phone niya kaya lalo akong nawalan ng pag-asa kung nasaan siya.

"Hintayin ko na lang siya rito." pakikipag-usap ko sa sarili ko bago mapagpasyahang umupo sa sementong bench.

Hindi pa man nag-iinit ang pwetan ko nang mapansin ko ang mga grupo ng kababaihang malalakas ang mga boses na parang inagrabyado.

"Taga Education Department 'yon. Classmate niya ang pinsan ko kaya madalas ko siyang makita do'n." rinig kong pahayag ng isa sa kanila.

Napagtanto kong sila ang mga nagfa-fangirl kanina.

Lagot. Baka mapaaway pa ako.

Agad akong kinabahan kaya pasimple akong tumayo para magtago sa likod ng malaking puno.

"Sus.'Di naman kagandahan," kumento ng isa pang babae.

Hindi ko sila kilala pero karamihan sa kanila ay galing sa Accounting Department.

Kahit hindi man nila pangalanan, alam kong ako ang tinutukoy nila.

As if nagustuhan ko ang ginawa ng lalaking 'yon. Lalo niya lang akong inilalapit sa gulo. Hay!

Napansin ko ang isang babaeng kasama nila. Tahimik siya habang gigil na gigil akong pinag-uusapan ng mga kaibigan niya sa magkabilang gilid. Nakatingin lang siya sa kanyang mga sapatos.

Bakit ang lungkot niya? Out of place ba siya?

Hinintay kong makalayo ang mga babaeng 'yon bago ko mapagdesisyunang lumabas na sa pinagtataguan ko.

"Aray! Ano ba 'yan," daing ko dahil sa mga langgam na kumagat sa binti at paa ko. Hindi ko napansing natapakan ko pala ang bahay nila.

Nagmamadali akong umupo sa bench na inupuan konina para alisin ang sapatos ko at tanggalin ang mga langgam na nakapasok sa medyas ko. Masakit na makati ang mga kagat nila.

Pahimakas Where stories live. Discover now