Hindi nga ako nagkamali at sumalampak ang pwetan ko sa sahig ng hallway.
"Mayumi, ayos ka lang?" tanong ng isang lalaki para tulungan akong makatayo.
"Oo, ayos lang ako. Sala-" hindi ko natapos ang pagpapasalamat ko nang makita kung sino ang lalaking ito.
Agad akong lumayo sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Ikaw na naman?! Alam mo, sa tuwing nagkikita tayo puro kamalasan ang dala mo!" asar kong sigaw sa kanya.
Ang galit na nararamdaman ko kay Sunnie ay sa kanya ko naibunton. Nagbulungan naman ang mga ilang estudyanteng nakakakita sa 'min.
"Kita mo na, Zachary. Ganyan kasama ang babaeng 'yan kaya hindi mo na kailangang magtagal dyan. Nandito naman ako, Zachary," malanding wika ni Sunnie na ikinairap ko sa hangin.
"Siya lang pala ang pinuputok ng makapal mong make-up, go sayong sayo na siya," masungit kong sinabi sa harap ng lahat.
Nagkamot ng batok si Zachary na tila nahihiya saka agad na lumapit sa 'kin para akbayan ako. Hindi ako nakapalag dahil pasimple niyang diniinan ang pagkakahawak sa kaliwang balikat ko.
"Leave it to me," bulong niya bago harapin si Sunnie, o mas mabuting sabihin na upang harapin silang lahat.
"Actually, may hindi lang kami pagkakaunawaan. Pero ikaw." sabay turo niya kay Sunnie at sa iba pang nakakakita ngayon. "Starting today, no one is allowed to bully her kasi ako lang dapat. At kapag nalaman ko lang na sinaktan niyo ang girlfriend ko, baka magsisi kayong nakilala niyo pa ako," banta niya na nakapagpatahimik sa kanilang lahat.
Nagmistulang slow motion ang paglingon ko sa mukha niya nang banggitin niya ang mga salitang girlfriend ko. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa hangin habang pinakikinggan ang mala-boses anghel na melodiya ng kanyang sinabi.
"'Di ba, Baby?" tanong niya sabay pisil sa kanang kamay kong hawak na pala niya.
"Ah?" wala sa wisyo kong tanong.
Patay! Masyado yatang naglakbay sa kawalan ang diwa ko.
Pinandilatan niya ako sabay pisil muli ng aking kamay kaya naging alerto na ako.
"Ah! Oo, Baby! Tama, tama," sagot ko habang nakangiting tumatango.
"So, naniniwala na kayo ngayon? Kaya kung ayaw niyong pumutok ang mga mukha niyo, 'wag niyo siyang sasaktan at 'wag niyo siyang lalandiin dahil akin lang siya," matapang niyang bigkas sa kanilang lahat.
Naglakbay ang isipan ko dahil hindi pa tuluyang nagsi-sink in sa isip ko ang mga sinabi niya. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakaupo na ako sa proper seat ko.
Buong klase ay tulala ako at masyadong occupied to the point na wala nang ibang pumasok pa sa isip ko kun 'di ang mga naging pagyayari kaninang umaga.
"S-Sorry po," paumanhin ko sa taong nabangga ko. Naamoy ko ang pamilyar niyang perfume kaya nadako ang atensyon ko sa kanya.
"Hey, what's wrong with you?" tanong ni Ely at inalalayan akong umupo sa pinakamalapit na bench dito sa paligid ng lawn area.
"Did Zachary hurt you? Or did anyone bully you because of him?" She asked series of questions.
Nang marinig kong muli ang pangalan ni Zachary, awtomatikong naalala ko ang salitang girlfriend ko at kasabay nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko na anytime ay mauubusan na ako ng hininga.
"U-Uwi na tayo, Ely," pag-iwas ko sa tanong niya. Aalis na sana kami nang tawagin ako ng pamilyar na boses na 'yon.
"Hatid na kita pauwi, Baby," prisinta niya nang makalapit siya sa 'min. Iniwan niya ang mga tropa niya mula sa kalayuan.
Naglahad siya ng kamay pero nagulat ako nang tapikin ito ni Ely.
"Stop acting, your ex is not around. Mauna na kami. Bye!" nagmamadaling wika ni Ely bago niya ako hilain palayo kay Zachary at hindi na rin naman ako lumingon pa sa kanya.
Dinala ako ni Ely sa usual spot namin. Hinayaan kong asikasuhin niya ako dahil dumagdag pa sa iniisip ko ang sinabing iyon ni Ely kay Zachary.
"Ely, bakit mo 'yon sinabi sa kanya? I mean, crush mo 'yon tapos sinungitan mo lang siya," tanong ko habang salubong ang aking mga kilay.
Agad niyang nag-iwas ng tingin nang maabot ko na ang isang pirasong corndog.
"Ah...Sus! He's not my crush anymore 'no," katwiran niya at sinabayan ng pekeng tawa.
"E, Ely pwede bang sabihin mo sa 'kin kung anong nangyayari? Bakit pakiramdam ko, naglalakbay ang diwa ko tapos mamamalayan ko na lang na ganito na pala ang nangyayari?" seryosong tanong ko sa kanya. Umaasa ako ng malinaw na sagot mula sa kanya pero tinitigan niya lang din ako ng seryoso.
"Ano ka ba, Yumi. Maybe you're just tired or maybe because you are just worried with your Mom. Will she come home?" sagot niya kaya napaisip ako.
Hindi pa nga tumatawag sa 'kin si Mama. Hindi ko tuloy alam kung makakauwi ba siya ngayon para sa birthday ko bukas.
"Ewan ko lang," sagot ko na nakapagpabagsak ng balikat ko.
Matapos ang ilang minuto ay sinundo na si Ely ng kanilang family driver kaya nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Advance Happy Birthday, Mayumi. Take care and see you again," wika niya habang magkayakap kami.
Mas lalong humigpit ang yakap niya hanggang sa kung 'di ko pa sabihing naghihintay ang driver niya ay 'di pa siya kakalas.
May pag-aalala ang mga tingin ko sa kanya. "Bakit parang nagpapaalam ka na?" pabiro kong tanong pero may halong pangamba.
"You're over reacting!" tawa niya kaya nawala ang pangamba sa loob ko.
Nang makauwi na ako, sinubukan kong tawagan si Mama pero out of coverage area ang phone niya.
Napasimagot ako habang nagpapalit ng damit. Nadako ang mga tingin ko sa aking PC kaya agad ko itong binuksan matapos makapagpalit.
Agad kong binuksan ang website at dumoble ang dami ng notifications ko.
"Hindi kaya na-hack 'to?" tanong ko sa sarili ko.
Kung na-hack 'to, dapat wala na akong access.
"Hay! Nakakabaliw na!" reklamo ko habang paulit-ulit na pinipindot ang Enter button pero ayaw magbukas ng story na ginawa ko.
Napahawak ako sa sentido dahil sa sakit ng biglang pagpitik ng ugat sa utak ko. Lalo akong napadaing nang marinig ko ang pamilyar na tunog, tunog ng keyboard na tinitipa ng mabilis. Palakas din ito ng palakas hanggang sa naramdaman kong parang hinihigop ang katawan ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Naalimpungatan ako sa kaluskos na naririnig ko sa loob ng kwarto ko. Lalo akong dinalaw ng kaba dahil madilim na madilim ang kwarto ko. Hindi ako nagpapatay ng ilaw sa gabi. Brownout kaya?
Narinig ko ulit ang mga kaluskos na nangagagaling sa kung saan.
"M-Ma, ikaw ba 'yan?" lakas-loob kong tanong sa kadiliman.
Tama, baka dumating na si Mama!
Babangon na sana ako nang mapansin ko ang paisa-isang bukas ng mga... lampara?
"Maligayang Kaarawan, Mayumi!"

YOU ARE READING
Pahimakas
Historical FictionYumi is a college student taking Education but aside from being a teacher, she wants to be a published author someday but she never finish any of her drafts. After reading a historical fiction novel, she bacame fond of history until she started to d...