Panimula

31 4 5
                                    

"Alam mong clown ka, matagal na akong nagtitimpi sa'yo pero sinasagad mo talaga ang pasensya ko!" sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan siya.

Naabot niya ang nakalugay kong mahabang buhok kaya napadaing na rin ako sa sakit ng pagkakasabunot niya. Dinig ko rin ang kabi-kabilaang sulsulan ng mga kaklase ko.

"Hey, stop it! Ouch! How dare you to touch my hair-ouch!" maarteng daing niya sa pagitan ng sabunutan namin.

Pakiramdam ko, magkakasugat na ang anit ko dahil sa lakas niya at isama pa ang mahahaba niyang mga kuko.

"Bagay 'to sa'yo! Ang kapal ng mukha mong magkalat ng tsismis!" gigil kong hinila ang buhok niya at gano'n din ang ginawa niya sa'kin kaya napadaing kami parehas.

"MAYUMI MARILAG!" dinig kong sigaw sa buong pangalan ko kaya napatigil ako sandali bago binitawan ang buhok ng tsismosa kong kaklase at kapitbahay.

Sinalubong ko ang galit na expression ni Sir Jin, ang professor namin sa Purposive Communication.

"Sir, bigla na lang po niya akong sinugod" nag-iinarteng sumbong niya kay Sir kaya sinamaan ko siya ng tingin bago kunoot-noong napalingon kay Sir.

"Hindi po siya nagsasabi ng totoo, Sir. Kung anu-ano rin pong tsismis ang kinakalat niya tungkol sa'kin" depensa ko.

Napasapo si Sir sa kanyang makinis na mukha bago seryosong tumingin sa'kin. "Kung anong kinaganda ng pangalan mo, siya namang kabaliktaran ng ugali mo. Kababae mong tao pero gumagawa ka ng away at ang malala pa niyan, dito pa sa classroom niyo".

Aray, Sir. Kung makapagsalita naman kayo sa'kin at sa name ko. Porket nagi-inarte 'yang si Sunnie, siya na ang kapani-paniwala. Best Actress ng taon.

"Pero, Sir-" hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko nang magsalita ulit si Sir.

"Kung hindi ka magso-sorry, dadalhin ko kayo parehas sa Disciplinary Office at do'n ka na magpaliwanag. Okay ba Ms. Marilag?" seryoso niyang pahayag.

Ayaw kong mag-sorry sa kanya 'no! Pero ayaw ko ring mapunta do'n dahil makakaapekto sa grades ko. Nakakainis naman!

Labag sa loob kong humarap kay Sunnie na nakaupo sa armdesk habang hinihintay ang sasabihin ko.

"Sorry" walang gana kong paumanhin.

"Sir, hindi po siya sincere" pag-iinarte na naman niyang sumbong kay Sir kaya si Sir, salubong ang kilay na nakatingin sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago nag-sorry ulit kay Sunnie with feelings.

After that incident, sinermonan niya kaming lahat bago siya nag-discuss at dahil siya ang last subject namin ay agad akong lumabas ng  classroom pagka-dismiss para hintayin si Ely.

"Hoy, girl! Balita ko nakipag-away ka na naman kay Sunnie the Clown" bungad ng best friend kong si Elicia nang madatnan niya akong nakaupo sa waiting shed malapit sa guard house.

"'Di ko expected na matalas pala ang pandinig ng mga Accounting students" biro ko sa kanya habang naglalakad kami palabas ng university.

"Hindi ka pa rin tinatantanan ng babaeng 'yon 'no? Ilang years na ba niyang ginugulo ang buhay mo?" gigil na tanong sa'kin ni Ely habang nag-aabang kami ng masasakyan papuntang SM.

"Pilit niyang pinagdidiinan na kabit daw ang nanay ko at pinagkakalat na nilalandi ko raw si Zachary" kwento ko sa kanya.

"You mean, Zachary Gallegos?" surprised niyang tanong.

Naku, ang ultimate crush ng university at mukhang pati ang best friend ko ay nahumaling na.

"Sino pa ba? Ni hindi nga nagku-krus ang landas namin at never kaming nagkalapit at least 10 meters. 'Di nga rin ako nage-exist sa mundo 'non so malabo 'yang pinaparatang niya" I explained.

"Pero gwapo siya 'di ba?" kinikilig na tanong niya sa'kin na ikinasalubong ng kilay ko.

"Gwapo? Oo, gwapo naman siya pero hindi siya ang type ko. Naku, tigilan mo na ang pagpapantasya. May jeep na, baka maunahan pa tayo" bilin ko sa kanya saka hinila sabay para sa paparating na jeep.

"Aye, Captain!" masiglang tugon niya bago kami nakipag-unahan sa iba pang students.

"Make sure na ready na ang listahan mo ng bibilhin kasi 'di ako pwedeng magpagabi sa labas. Magagalit si Mama" paalala ko sa kanya.

Nagpapasama kasi siyang bumili ng mga materials para sa decoration ng kwarto niya at bilang isang mabuting kaibigan, shempre sasamahan ko na kasi libre ang meryenda.

Mabuti na lang dahil sa bungad kami nakaupo ni Ely. Tinatamad pa naman akong mag-abot ng mga bayad nila kasi minsan ang tagal abutin ng isa.

Napansin ko ang nakasabit na male student malapit sa'kin because of his uniform. Naiilang tuloy akong tumingin sa labas dahil nakabungad sa'kin ang kanyang chest pababa hanggang paa, lalong lalo na ang middle part.

My goodness, trip to heaven ba 'to?

Nagulat ako nang yumuko siya at halos maduling ako sa lapit ng kanyang mukha. Clear skin, makakapal ang mga kilay, kulay abo ang mga mata at malalalim ito, matangos ang ilong, at makipot na mga labi.

"Bayad ko" pagputol niya sa malaya kong pagmamasid sa kabuuan ng mukha niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa inaabot niya.

"M-Manyak ka" Hindi ko alam pero iyon ang lumabas sa bibig ko habang naduduling pa rin ang tingin sa kanya.

Nagsalubong ang kilay niya bago tiningnan ang coins na hawak niya at may kulay pulang plastik na kasama. Isang condom na hindi pa nabubuksan.

Nahihiya niyang binulsa lahat ng coins kasama na ang bagay na 'yon. Napatingin ako sa mga nakakita sa'min kasama na si Ely. Nagbubulungan sila at ang iba naman ay pinipigilang matawa.

"Epic fail" natatawang bulong sa'kin ni Ely bago umayos ng upo.

Hahampasin ko sana ang braso niya pero nandito kami sa jeep kaya nahihiya ako.

Hindi na talaga ako magtataka kung bakit may mga schoolmates akong nagsasabing nakakasama raw nila sa kama ang isang Zachary Gallegos.

Hindi na talaga ako magtataka kung bakit may mga schoolmates akong nagsasabing nakakasama raw nila sa kama ang isang Zachary Gallegos

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Pahimakas Where stories live. Discover now