"Mayumi..."
Nakarinig ako ng isang tinig at tinatawag ako sa aking pangalan.
Ano ba 'yan? Inaantok pa 'ko.
Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa'kin at sa halip ay tumalikod pa ako sa kanya pero panay pa rin ang tawag niya.
Ang kulit naman ng babaeng 'to. Inaantok pa 'ko.
Kahit tinatamad ay pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Agad akong naging alerto nang mapansing nandito ako sa clinic ng university. Naamoy ko kasi ang katulad sa ospital at hindi ko ito gusto.
Habang inaalala ang mga naging kaganapan kanina ay tinawag niya akong muli kaya napatingin ako sa kanya.
Sumalubong sa'kin ang nakangiti at maamo niyang mukha. Makapal ang mga kilay, mapupungay na mga mata, matangos na ilong, makipot na labi, at kasing kinis ng bond paper ang malaporselana niyang kulay.
"Mabuti naman at gumising ka na," mahinhin niyang pahayag habang maingat na umupo sa monoblock chair sa kaliwang gilid ng hinihigaan ko.
Nagsalubong ang kilay ko sa outfit niya at ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kilala ang babaeng 'to na dahilan kung bakit ako napaupo.
"I'm sorry pero sino ka? Hindi pa naman August para sa suot mo today," puna ko sa suot niyang kulay mustard yellow na saya. "Pero maganda, bagay na bagay sa 'yo," dagdag ko para hindi niya sabihing basag-trip ako.
Tumawa siya ng mahinhin dahil sa sinabi ko sabay hawi niya ng iilang hibla ng buhok to tuck at the back of her left ear.
"Nagsusulat ka ng nobela, hindi ba?" nakangiti niyang tanong na lalong nakakuha sa atensyon ko. Napaupo ako ng tuwid dahil interesado ako sa sasabihin niya.
"Yes!" masaya kong sagot pero agad na napalitan ng simangot. "Kaya lang hindi ko matapos-tapos lahat," nahihiya kong pag-amin.
Nagulat ako nang hawakan niya ang kanang kamay ko. Sandali niya itong hinaplos bago tumingin sa 'kin nang may ngiti.
Ang weird niya.
"Gusto mo ba ng tulong?" tanong niya nang may ningning sa kanyang mga mata.
Nagningning din ang mga mata ko sa offer niya.
"Talaga? Magko-collab ba tayo?" excited kong tanong sa kanya saka ko hinawakan ang kanyang mga kamay. "Then kapag natapos na natin, pwede na'ting ipasa sa mga publishing company tapos makakakuha tayo ng physical copy tapos isa na tayong ganap na published author tapos-". Napatigil ako sa mga sinasabi ko nang pisilin niya ng mariin ang kamay ko.
Nag-aalangan ang mga ngiti niya pero sa huli'y ngumiti na siya ng malapad.
"Ikaw ang magsusulat at ako lang ang tutulong sa'yo sa magiging banghay," pagpapaintindi niya sa ibig niyang sabihin.
Nagsalubong ang kilay ko dahil hindi ko ma-gets ang pino-point out niya. "Paano 'yon? Hindi ba plagiarism 'yon? Naku! Baka gagamitin mo lang ako para maging famous ka!" suspetsa ko at agad kong binawi ang mga kamay kong hawak niya.
Nagulat siya sa ginawa ko pero unti-unting bumalik sa mahinhin at kalmado ang expression niya.
"Hindi ako gano'n. Nais ko lang na isulat mo ang sasaysayin ko. Nais ko lang na maibahagi sa henerasyong ito ang kasaysayan ng buhay ko at ang nagkukubling hiwaga sa liham na ito" mahabang pahayag niya habang kinukuha ang sinasabi niyang liham sa maliit na pocket ng saya niya.
Isang lumang papel ang inaabot niya sa 'kin. Tinitigan ko muna 'yon bago abutin. Literal na marupok ang papel kaya kinailangan ko pang ingatan ang pagbuklat.
Nagtataka ako kung bakit walang nakasulat samantalang sinabi niyang isa itong liham. Salubong ang kilay kong napatingin sa kanya.
"Ate, anong trip mo?" nagtataka kong tanong.
Hindi naman kami close para pagtripan niya ako lalo na't nahimatay ako kanina.
Binalik ko sa kanya ang sulat pero tumanggi siya.
"Malalaman mo rin kung anong nilalaman ng liham na iyan kapag nasulat mo na ang lahat ng aking sasaysayin," paliwanag niya habang nag hahand gesture na huwag kong ibalik.
Kulang na lang na literal na magsasalubong ang dulo sa dulo ng kilay ko dahil sa kawirduhan niya. Inilapag ko sa katabing lamesa ang lumang papel na ayaw niyang tanggapin.
"Alam mo, ate may klase pa ako kaya iba na lang ang abalahin mo. I want to write but I don't really understand you," pag-amin ko sa kanya habang sinusuot ang black shoes ko.
Bago pa man ako makatayo ay napaupo ako dahil sa kakaibang naririnig ko na naman sa aking tenga. I don't have any idea kung ano bang nangyayari sa 'kin.
Pabilis ng pabilis ang tunog ng keyboard. Habang tumatagal ay palakas ng palakas hanggabg sa napahiga na ako dahil hindi ko na makayanan.
Mariin kong tinatakpan ang tenga ko kaya lang ay walang epekto.
"Mayumi, gumising ka!" paulit-ulit na sigaw ng isang babae habang marahas akong niyuyugyog.
Napansin kong tumigil na ang nakabibinging tunog na 'yon kaya dahan-dahan akong nagmulat ng mata sabay alis ng mga kamay ko sa aking tenga.
"Calm down, Mayumi," salubong na payo sa 'kin ni Nurse Liezel.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Ely na nasa gilid lang ni Nurse Liezel.
Imbes na sagutin ang tanong niya at nagpalinga-linga ako sa paligid upang hanapin ang babae na kausap ko kanina
"Nasaan na 'yong naka-national costume na babae?" tanong ko sa kanila habang nililibot ng tingin ang buong clinic hanggang sa bumaling ako sa kanila.
Nagkatinginan sina Ely at Nurse Liezel at salubong ang kilay na lumingon sa 'kin.
"What are you talking about, Yumi? Kanina pa ako rito ang walang babaeng-" natigilan si Ely sa kanyang sinasabi dahil lalo siyang nag-alala.
"Drink this first." utos ni Nurse habang inaabot sa 'kin ang isang baso ng maligamgam na tubig.
"Tapos na ang klase so I can take you home," prisinta ni Ely nang mapansing ayos ba ako.
"No need, Ely. Kaya ko na," pagtanggi ko sa alok niya.
Ayaw kong abalahin pa siya kaya hindi na ako pumayag lalong lalo na dahil ayos naman na ang pakiramdam ko.
Nagpaalam na kami kay Nurse Liezel bago lumabas ng clinic. Kaunti na lang ang mga estudyante sa labas dahil kanina pa ang uwian. Nadaanan namin ang open field kung saan may mga grupo ng kababaihan ang kanya kanya sa pagtili habang pinapanood ang mga lalaking pawis na pawis na tumatakbo sa running tracks.
Napansin ko na ang isa sa kanila ay si Zachary Gallegos na nasa gitna ng limang kalalakihang kasama niya sa pagtakbo.
Sus. Madapa ka sana.
Tumigil si Ely sa harap ko kaya napatigil din ako. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin pero hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya.
"About the girl who-nevermind," nag-aalangan niyang sinabi na lalong nakadagdag sa pagtataka ko.
"Yumi, I have to tell you something," seryoso niyang sinabi na lalong nagpakaba sa 'kin.
Tumango ako bilang tugon na makiking ako.
YOU ARE READING
Pahimakas
Fiction HistoriqueYumi is a college student taking Education but aside from being a teacher, she wants to be a published author someday but she never finish any of her drafts. After reading a historical fiction novel, she bacame fond of history until she started to d...