Lumapit ako sa PC at napansing nasa writing platform ang monitor. Ang ipinagtataka ko rin ay kung bakit naka-published na ang istoryang hindi ko pa naman nire-release.
Lalo akong nagtaka dahil sa dami ng notifications sa writing account ko.
Nagmamadali kong binuksan ang notification section at lalo akong nagulantang sa mga nabasa ko.
@cuteako ganda po ng story
@pretryme sulit ang luha ko ms. author huhuhu
@gorgeousako baka naman may sequel miss writer!Marami pang mga comments and votes sa notification pero iilan lang ang nabasa ko dahil curious ako kung bakit biglang nagkagano'n.
Pinuntahan ko ang list of published stories at nagulat ako sa pinaka-una sa listahan dahil sa mga reads and votes niya pero ang nakapukaw ng pansin ko ay, 55 of 56 published ang story kong Last Farewell.
Halos matumba ako sa kinatatayuan dahil ang story na sinisimulan ko palang ay instant completed na.
"Paano nangyari?" tanging naiwika ng bibig ko habang ang isip ko ay hindi pa rin makapaniwala sa nasasaksihan.
Babasahin ko na sana ang ending part nang mag-ring ang phone ko kaya agad kong kinuha sa gilid ng kama para sagutin.
Bakit kaya napatawag 'to?
"Hello, Ely?" bungad ko sa kanya.
"Good morning, Yumi!" full of energy niyang pagbati.
"Good morning din. Kagigising ko lang, bakit ka napatawag?" tanong ko agad sa kanya dahil masyado pang maaga para makipag-chikahan sa kanya.
"Why? Masama bang tumawag sa 'yo ng umaga?" pabirong tanong niya kaya agad akong tumanggi.
"May sasabihin ka ba?" tanong kong muli sa kanya.
"Maaga kasi akong nagising. Can we have a breakfast outside?" she asked at dahil dinugtungan niya ng salitang libre, pumayag na ako agad.
Nagpaalam akong maliligo lang at within thirthy minutes ay makakarating na ako sa restaurant na pinagkasunduan naming meeting place na hindi naman malayo sa university na pinapasukan namin.
"So anong meron at ang aga mong manlibre today?" masaya kong tanong sa kanya nang makalapit ako sa table niya.
Napansin kong may iilang faculty members ang nag-aagahan din dito sa restaurant.
Lumapit sa 'min ang waitress at binigay namin ang order namin.
"So, how's your completed story?" panimula niya kaya nasamid ako sa sarili kong laway.
"A-Alam mo na?" tanong ko kahit na obvious naman.
"I am your number one fan so I won't miss anything from you," nakangiti niyang sagot.
Samantalang ako, hindi ko makapa ang sarili kong dila kung ano mang dapat na sabihin.
"Ikaw ha, you're not telling me na tapos mo na pala. Parang noong nakaraan lang, nag-uumpisa ka pa," she added na mas lalong nagpakaba sa 'kin.
Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kanya ang mga kakaibang nangyayari sa 'kin dahil maging ako ay hindi makapaniwala.
"Uhm... Oo, unexpected nga e," pagsang-ayon ko kahit na nauuna ang kaba sa mga mata ko.
Magsasalita na sana siya nang dumating na ang order namin. Hindi ako mapalagay kasi hindi na siya nagsalita pagkatapos. Tahimik kaming kumakain kaya pasimple akong sumulyap sa kanya. Halos mapunta ang kanin sa ilong ko dahil sa pagkabiglang nakatingin din siya sa 'kin ng seryoso.
"Hey, are you alright? Here," nag-aalalang saad niya sabay abot sa 'kin ng isang basong maligamgam na tubig.
"Ba't ka ba kasi nakatingin sa 'kin habang kumakain?" tanong ko sa kanya nang maging ayos na 'ko.
"Sorry. Mamimiss lang kita ng matagal," she answered and it made me more confused.
"Bakit naman?" tanong ko habang salubong ang aking kilay. "Aalis ka na ba? Iiwan mo na ba ako?" dagdag ko pa pero agad siyang umiling.
"No, nevermind. I just don't want you to leave me," nakangiti niyang sagot.
Hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagtataka. Lalong lalo na dahil hindi naman siya ganito. This id the first time na makita ko siyang nawiwirduhan.
Magsasalita pa lang sana ako nang naunahan niya ako.
"Go on, kain na tayo. Let's celebrate your first ever completed story!" masiglang wika niya at nakipag-cheers pa sa hawak kong baso ng tubig.
Kahit naguguluhan ay nakisabay na rin ako sa trip niya kahit na ang isip ko ay naguguluhan pa rin sa lahat.
After eating our breakfast, tumambay muna kami sa park and when it was about time, pumasok na kami.
Napansin ko ang mga tingin ng ibang students sa 'min, or to be specific, mga babae.
"Pansin mo ba 'yong mga tingin nila sa 'tin?" bulong ko kay Ely pero umiling siya.
"Just don't mind them," bilin niya sa 'kin. Parang hindi siya gaanong nag-aalala pero tama siya, 'wag ko na lang silang pansinin.
Naghiwalay na kami ni Ely nang madaanan namin ang Accounting Building kung nasaan ang room niya kaya mag-isa na akong umakyat sa room ko sa Education Building.
Hanggang dito ay mainit pa rin ang mga mata nila sa 'kin kaya napaisip ako kung may dumi ba ako sa mukha o kung may mali ba suot ko.
"Hoy, Yumi! Ang landi mo talaga 'no? Kasing landi ng nanay mo!" bungad ni Sunnie sa 'kin.
Napairap ako sa aga ng paninira niya ng araw ko.
"Ano na naman bang tsismis ang nakalap mo?" iritado kong tanong.
"Wow! Did you hear it, guys?" sarkastiko niyang tanong sa mga kaibigan niyang sina Lenlen at Viene. "Nagmamaang-maangan ka pa! Ang kapal naman ng mukha mong landiin si Prince Zachary namin!" sigaw niya sa 'kin.
Zachary na naman! Ang aga-aga pero itong dalawang bad vibes sa buhay ko ang bumubungad agad. Walang araw na hindi ako bad mood dahil sa kanila. Lalong lalo na itong si Sunnie na puro na lang tsismis ang nasa kokote. Manang mana talaga sa pinagmanahan! Naku, nagpipigil lang talaga ako dahil ayaw kong mapunta na naman sa Disciplinary Office katulad ng ginawa niya sa 'kin no'ng Wednesday.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo," walang gana kong sagot. Lalampasan ko na sana siya nang bigla niya akong itulak.
"Bastos ka ha! Kinakausap pa kita!" sigaw sa 'kin ni Sunnie pero hindi ko na pinag-tuunan ng pansin dahil napapikit ako ng mariin habang hinihintay ang pagbagsak ko sa sahig.

YOU ARE READING
Pahimakas
Ficción históricaYumi is a college student taking Education but aside from being a teacher, she wants to be a published author someday but she never finish any of her drafts. After reading a historical fiction novel, she bacame fond of history until she started to d...