Chapter 25: The end of Sports Fest
Matapos namin magusap ni Pollando hinatid na niya ako sa dorm dahil tapos na din ang Dinner time maya maya lang ay mags-student curfew na.
"Secret lang natin yon ha" aniya, tumango ako "pinky promise?" para siyang bata, seriously? Pinky Promise? Haha how childish.
"Oo na" then nag pinky promise kami, umalis na siya at ako naman ay pumasok na sa loob ng aking dorm. Pagpasok ko, wala pa si Gwydion mas okay na yon para hindi maging awkward ang atmosphere. Nagtungo na ako sa bathroom at naligo para makatulog na.
---
Nagising ako sa liwanag I slightly opened my eyes at nagunat bago tumayo, nagulat ako ng makita ko si Blaze...I was expecting to see Gwydion pero hindi siya ang nakita ko. I saw Blaze cooking breakfast topless siya pero naka apron may maliit na radio sa tabi niya, nagpapatugtog siya. Tumayo ako at binuksan ang sliding door ng balcony.
"Wala man lang good morning greet?" he asked, I chuckled and looked at him.
"Good morning!" I said, gusto ko sanang tanungin kung nasan si Gwydion, kung umuwi ba siya kagabi, nasan kaya siya?
"Wala si Gwydion nag switch muna kami ng dorm pansamantala, ayaw niya daw dito" parang kumirot ang puso ko ng sabihin niya na ayaw ni Gwydion dito, nasusuffocate ba siya? Nagsasawa na ba siya sa mukha ko? Ayaw na ba niya ako ka roomate?Bakit kaya? Tss ayaw ko din naman siya kasama mas mabuti pang si Blaze ang nandito hindi sakit sa ulo.
Kumain na kami at nagayos na, ngayon na ang last day ng Sports Fest pero hindi na ako kasali don akala ko dahil natalo ako sa stage 2 pero dahil nagalala pala sa akin sila Tanda kaya hindi na nila ako pinasali, akala nila na trauma ako. Hindi naman e actually wala namang epekto saken yung mga humfishes na yon. Nagsuot na lang ako ako ng leggins and oversized black shirt. Paglabas ko ng banyo nakita ko na silang lahat. Si Rita, Harmony, Megan, Pollando, Gwydion.... Nanlaki ang mata ko ng makita si Analyd....Ilang araw ba siyang hindi nagpakita? Simula ata noong inaanounce na may Sports Fest hindi ko na siya nakita.
Tumayo siya at niyakap ako, "I miss youuu!!!" ang higpit ng yakap niya sa akin.
"Ah, ah-"
"Ay sorry! Haha namiss kasi kita eh!" aniya matapos kumalas sa yakap.
"o-okay lang, bakit ka nga pala nawala ng ilang araw?" nakita ko si Gwydion na nakaupo lang sa higaan niya habang kausap si Pollando at Blaze, habang si Megan ay Harmony ay nagbubulungan mukha silang seryoso habang nakatingin sa akin, ako kaya pinaguusapan nila? Si Rita naman nakain.
Nag blow dry ako ng buhok habang si Analyd ay umupo sa tabi ko.
"Yun na nga, namatay kasi ang lola ko dahil sa stroke kaya ayun nawala ako ng biglaan, hindi ko din naman inasahan na mangyayari yon anlakas lakas ni lola eh" malungkot ang mukha niya habang nakatitig sa reflection ko sa salamin.
"Nakikiramay ako" sabi ko she smiled a little at hinawakan ang buhok ko.
"Ang ganda mo no? Lalo na yang berde mong mata, ang unique" nakatitig lang siya sakin na para bang minememorize ang buong mukha ko.
"Sus, nambola pa" tumawa kaming dalawa at sakto namang sumiksik si Rota sa gitna namin.
"Pasali naman ako dyan sa girls talk niyo"
----
Nakatayo kami ngayon sa gitna ng malaking field na nakatapat sa kulay asul na nakalutang sa hangin. Maze pa din ang level 3 hindi ko lang alam kung sa deathly maze din ba sila or sa ibang maze na, wala naman kasing wild creatures doon sa deathly maze. Ang level three ay ang 'The Exit Directions' which is hahanapin nila yung door papunta sa North, South, West, at Eastpeero hindi lang yon ganon dahil may mga wild creatures na katulad ng dwarf, wild fairy, snakes, at yung giant. Mayroon din daw na lost wizard kaso hindi ko alam kung sino.
YOU ARE READING
Ginger (And the Wizard Land)
RomanceWhat if the world you live in is not the world you came from? Is there other world? 📌Note Released: January 27 2021 Ended: October 23 2021