Mystery Caller

39 0 0
                                    

"Masaya ang buhay kung natututo tayong mamuhay ng simple at makontento sa kung anong meron tayo," bati ko sa mga masugid kong tagapakinig sa radyo. Ito na halos ang simula ng bawat araw ko bago ako sumabak sa maghapong full-time job ko bilang head ng internal designers-- ang makaharap ang mikropono at makipag-usap sa invisible na mga tao. Maliban kasi sa magandang trabaho ko'y sumasaideline akong DJ  sa radyo

Isa akong head architech sa isa sa malalaking construction firm sa bansa, subalit pakiramdam ko'y iba ang calling ko. Nag-architecture muna ako ng dalawang taon sa college sa kagustuhan ng aking ama na sumunod sa mga yapak niya. Then nangyari ang di inaasahang kaganapan sa aming buhay pamilya. Naaksidente ang Papa sa isa sa mga construction sites na tinatrabaho niya at bilang panganay, kailangan kong tumayo bilang bagong haligi ng pamilya. At dahil nasa kolehiyo pa lang ako nun ay nilipat sa kasosyo niya ang pagmamay-ari sa kompanya at binigyan na lang kami ng medyo may kalakihang pera galing sa insurance ni papa at retirement fee galing sa kompanya. Apat kaming magkakapatid at lahat ay nag-aaral; ako sa college, sina Elena at Edmark naman sa high school, at yung bunso namin ay nasa SPED dahil sa kanyang kondisyon. Bilang panganay na kaagapay ni Mama sa buhay, naisip ko na pagdating ng panahon ay mauubos din pera namin at ayaw kong matigil sa pag-aaral ang aking mga kapatid o mabusan ng maintenance na gamot si bunso. At bilang active member ng student buddy sa college namin ay alam ko na magiging magastos sa aking pamilya pag itinuloy ko ang aking korso. Kaya ito ang nagtulak sa aking magshift sa Mass Comm, ang korsong malapit sa puso ko dahil noon pa ma'y pangarap ko ng maging broadcaster sa TV, at nag-trimester ako para mapabilis ang pagtapos ko ng kolehiyo.  Do the math, mai-imagine niyo kung ilang taon ang ginugol ko sa kolehiyo. During my last year sa Mass Comm ay sinabak kami sa pagraradyo for our practicum at sa galing kong kumuda at mambola sa mga tagapakinig ay nagustuhan ako ng radio station na gusto agad nila akong i-hire after graduation.

Fast forward, nakapagtapos ako at naging DJ ako sa radyo ng ilang buwan bago pumasok ang bagong dagok sa aming buhay. Kung kelan isang semester na lang para matapos niya ang korsong Nursing at makapagmarcha na sana si Elena sa entablado ay nabuntis ito ng kaklase nitong si Paco. Idagdag pa si Edmark na kakapasok lang sa college. So nagdecide akong pumasok ng call center at magpart-time na muna sa pagdi-DJ. Doon ko nakilala ang aking kaibigang si JB. Yes, we're just friends kasi during that time, taken siya and we were never given a chance to go beyond friends. Isa siya sa mga Team Leaders ng account nun, eh ngayon isa na siyang OM. At siya ang nag-inspire sa akin to work my way up and finish my field in Architect. Pinarealize niya sa akin na hindi panghabambuhay ang career ng call center, dapat may plano kang magretire at magtayo ng sarili kong business. Hindi biro ang trabaho ng isang call center agent, subalit sa kabila ng hirap ng trabaho namin ay naitaguyod ko naman ang aking pamilya. Napagtapos ko ng kolehiyo si Edmark habang sinusuportahan ko ang pamilya ni Elena. Sa kabutihang palad naman ay pinanagutan naman siya ni Paco. Ikinasal na muna sila sa huwes dahil sa tinanggihan sila ng simbahan na ikasal dahil sa pagkabuntis ng aking kapatid sa murang edad. Tinulungan din ako ni JB para makapasok si Elena para mabawasan ako ng pasanin, at nang nakahinga na ako sa kanilang dalawa at tanging si bunso at si mama na lang ang aming iniisip ay pinagpatuloy ko na ang aking pag-aaral sa korsong Architect. Muling nanumbalik ang pagnanais kong angkinin ang dapat ay sa amin. Ang kompanyang ang ama ko ang nagtayo at nagpalago. Pansamantala ko munang nilisan ang aking pagdi-DJ sapagkat hindi ko kayang ipagsabay ang dalawang trabaho sa aking pag-aaral. 

Hanggang sa natapos ko ang korsong Arkitekto. Nag-resign ako sa call center job ko at agad-agad na nag-apply sa kompanya ng aking ama na ngayo'y pagmamay-ari na ng kanyang kaibigan na si Mr. Limcaoco, at doon ko nakilala si Marc. Naging katrabaho ko siya at nasa iisang team pa kami noon bilang mga internal designers. Taga-guhit ng design ng bahay, ng booth, ng layout ng boutique sa loob ng mall-- name it, we got it all for you, ika nga! Masaya pa ang aming trabaho ng mga ilang buwan, hanggang  sa umabot sa kaalaman ni Mr. Limcaoco na anak ako ng unang may-ari ng kompanya. Pinahirapan niya ang team namin ni Marc sa puntong garapalang pang-aalipin ang ginagawa sa mga ulirang designers sa team namin. Kaya nagbalak kami ni Marc na magfree-lance o magtayo ng sariling firm pagkatapos ng kontrata namin sa kompanya. Dati may credits kami sa mga gawa naming designs and proposals, at nung malaman ni Mr. Limcaoco ang katauhan ko ay inaako na nila ang mga designs namin o binibigay sa mga membro ng kabilang team to make it their own. Alam ng mga Engineers ang importance ng mailagay ang pangalan mo sa iyong mga ginawang desenyo. 

KapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon