"Marc, ang tanga-tanga ko ba?" wika ko sa aking kaibigan sa kabailang linya habang tinatakbo ng cab na sinasakyan ko ang kahabaan ng C5 Road. Ikinuwento ko agad sa kanya ang nangyari sa amin ni Keiron sa loob ng kanyang condo.
"Hindi friend, sobrang tanga ka lang!" sagot niya sabay bawing, "Di, joke lang. Friend, nagmamahal ka lang."
"Nagmamahal? Eh ang tagal ko ng binura siya sa aking puso't isip!"
"Binura mo ba siya bilang taong dati mong minahal o binura mo lang ang kanyang mga kasalanan?"
Natameme ako. Di ko alam ang dapat na isasagot. May punto din 'tong kaibigan ko. Bigla ko na lang narinig ang kantang "Di Na Natututo" sa radyo ng cab na aking sinasakyan.
"O, natahimik ka?" patuloy pa ni Marc sa kalagitnaan ng aking pananahimik. "Pakinggan mo yung music oh, baka yan ang hinahanap mong sagot!" Pang-aasar pa sa akin ni Marc.
"Kuya, pakihinaan nga ng music, naririnig ng kausap ko eh," iritableng utos ko sa driver. Hininaan naman agad ni Kuya ang kanyang radyo.
"Ay?! Kubuwanan mo ba, Frenny?"
"Marc, ano ba?!"
"Hay nako, Friend, the fact na naguguluhan ka means di ka pa talaga nakapagmove on!"
"Paano nga ba ang magmove-on, Friend?"
"Hay nako, lahat na ng tips at advice naibigay ko na sayo. Subalit kung may natitira pang pagmamahal kay Keiron jan sa puso mo'y wala ring kwenta mga sagot ko sa tanong mong yan."
"Friend, alam ko sa sarili ko na okay na ako! Wala ng spark eh!"
"Bakit, Meralco ka ba at kailangan mo ng spark?"
"Sir, andito na po tayo sa BGC," bigilang wika ng cab driver. Nawala tuloy ako sa aming usapan ni Marc.
"Friend, malapit na ako sa bababaan ko, puntahan mo na ako dito, okay?"
"Hay naku, kundi lang kita kaibigan... Oh siya, patutulugin ko lang si Maya then pupuntahan na kita. Saan ba tayo magkikita?"
"Message kita pag nandun na ako, basta within BGC lang."
Sa di ko malamang dahilan ay narating ko ang Starbucks Coffee shop sa may Bonifacio High Street. Hindi ito ang inaasahan kong lugar na pagkikitaan namin ni Marc pero wala na rin akong magawa, nandito na ako. Mag-aalas dose na subalit buhay na buhay pa rin ang High Street. Medyo maraming tao sa gabing iyon sa High Street na sinabayan pa ng malamig ng simoy ng hangin. Agad na pumukaw sa aking pansin ang magjowang beki na karga-karga ang alaga nilang Shiatsu. Mas lalo akong nalungkot at mas lalo kong naramdaman ang pagiging single ko. It's been 3 years! Masaya naman ako kasi nandyan mga kaibigan ko pero everytime na may nakikita akong magjowang lalake, naiinggit ako. I've been dating few guys pero none of them lasts after 3 or 4 meetings. Habol kasi agad ay sex.
Sa pagpasok ko sa coffee shop ay muling bumalik sa aking alaala ang unang araw na nagkakilala kami ni Kieron. Ahente siya noon ng Ayala land. At sa mismong coffee shop na ito una niya akong nilapitan.
"Ah, excuse me po, Sir, kundi ko naman ho kayo naaabala, baka interesado po silang mag-invest sa condo?"
Hindi ko siya nasagot agad. Namesmerize ako sa kanyang ngiti na tinabihan ng cute na cute na dimple sa kaliwa niyang pisngi. Idagdag pa ang halimuyak ng kanyang pabango na naghari sa aking ilong. Then naalala ko ang sabi sa akin ng manghuhula sa Quiapo: "Isang lalakeng may dimple sa kaliwang pisngi ang iyong makikilala. Subalit siya ay magpaparanas sayo ng matinding lungkot sa kabila ng lahat ng saya. Kayong dalawa ay magmamahalan, kung pagmamahal man ang tawag doon. Pero ang tawag ng tukso ay palageng naroroon, gagawa sa inyo ng tensyon."
BINABASA MO ANG
Kapalaran
Non-Fiction"Minsan, kung kailan mo di inaasahan... kung kelan mo di kinakailangan... Bigla na lang dumarating sa buhay mo. Hindi dahil sa nagpa-Feng Shui ka at sinwerte, kundi dahil ito ang tinatawag nilang Serendipity." -Payo ni JB