"Anong napasok sa kukoti mo, Marc, at naisipan mo pang dalhin si Keir dun?" nanggagalaiting wika ni Ed nang makarating kami sa pad ni Marc.
Larawan ng simple pero elegante ang pad ni Marc. Sa pagpasok namin mula sa pinto ay agad bumungad sa amin ang sala na nilagyan ng isang couch na pwedeng gawing kama, isang sofa, at center table; LED TV na nakadikit sa dingding tapos sa baba nito ay isang estante na pinatungan ng dalawang vase na may di ko matukoy na halaman at iba pang mga palamuti.. May end tables sa magkabilaang side ng couch; sa kanan ay nakapatong ang isang figurine at wireless phone, at sa kanan ay isang lamp shade at tatlong picture frames. Sa unang frame ay makikita ang larawan ng kanyang pamilya, sa pangalawa ay larawan niya at ng isang lalake, at sa pangatlo ay larawan niya at ng isang babae na nasa isang ospital karga-karga ang isang sanggol. Pagkatapos ng sala ay ang dining area na binuo ng isang wooden table na pinaligiran ng anim na dining chairs. At sa katapat ng dining area ay ang kusina. Sa kaliwa ng sala ay may maigsing hallway papunta sa isang office den na may desk kung saan nakapatong ang isang Mac computer at sa taas nito ay ang estante ng mga libro; at sa kalagitnaan ng hallway ay may isang pintuan na sinabi sa akin ni Marc na ang common restroom.
"Friend, tinawagan niya ako kasi hinahanap ka niya," sagot ni Marc habang naglalakad papunta ng kusina.
"Tinawagan ka niya?" gulat na wika ni Ed. "Totoo ba?"
"Hay naku frenny, alam ko na iniisip mo," wika pa ni Marc. "Sisirain ba natin ang ating pagkakaibigan dahil lang sa isang lalake?"
Hindi nagsalita si Ed pero nakita ko ang pagbabago sa kanyang mukha. Agad ko rin napansin na sumikat na pala yung araw sa labas.
"Can I get you guys something to drink or eat," alok ni Marc nang di pa rin nagsasalita si Ed. Subalit sa halip na sumagot si Ed ay pumunta ito sa couch saka umupo at nagmukmok.
"Ikaw ba-- ano nga ulit pangalan mo?"
Napahagikhik ako sa pagiging makalimutin ni Marc. Kakapakilala lang sa akin kanina ni Ed eh... "JP po."
"Oh, JP, di ka ba nauuhaw o ano?"
"Ayos lang po ako."
"Huwag mo nga akong ma-po o opo... Nakakasakit ng tuhod eh!"
"Aw, sorry po--"
"Hay naku... kakasabi ko lang!"
Pagbalik niya galing kusina ay may dala-dala na itong tatlong baso na puno ng orange juice. Agad niyang nilapitan si Ed na nakaupo sa couch.
"Baka nakalimutan mong binigay ko yung calling card ko sa kanya nung nasa Glorietta tayo sa isang coffee shop dahil sa pagpapakipot mong ibigay sa kanya ang iyong number?"
"Fine!" sigaw ni Ed. "Ok, nandun na tayo na tinawagan ka niya. So anong sinabi mo?"
"Siyempre nagsinungaling ako na wala akong alam kung nasaan ka," sagot ni Marc sabay lipat sa sofa. "Eh nag-alok siyang lumabas para kausapin ako tungkol sayo."
"So?"
"Sinabi kong di na ako makalabas ng bahay. Pero makulit siya. Sinabi niyang pupuntahan na lang daw niya ako sa bahay para sabay kaming maghahanap sa'yo."
"At di mo man lang ako sinabihan tungkol dito?"
"Friend, kung inabisuhan ko ba na kinukulit ako ni Keiron na hanapin ka, may mag-iiba ba?"
"Siguro meron."
"Magkikita at magkikita pa rin kayo uy," nanggigigil na wika ni Marc. "Gusto mo bang pati si Red ay kukulitin niya?"
"Wala siyang number ni Red!"
"Pero friends sila sa FB, pwedeng mag-message?"
"K fine! Panalo ka na!"
BINABASA MO ANG
Kapalaran
Non-Fiction"Minsan, kung kailan mo di inaasahan... kung kelan mo di kinakailangan... Bigla na lang dumarating sa buhay mo. Hindi dahil sa nagpa-Feng Shui ka at sinwerte, kundi dahil ito ang tinatawag nilang Serendipity." -Payo ni JB