Nilakad namin ni Ed ang 5th Avenue hanggang sa marating namin ang 32nd Street. Doon daw kasi namin tatagpuin ang kanyang kaibigan sa Starbucks sa may 32nd Street kasi nahiya na siyang bumalik sa High Street matapos ng eksena namin dun. Madaling araw na pala at ilang oras pa ay sisikatan na kami ng araw. Habang naglalakad kami ay ikinuwento ko sa kanya ang buong kaganapan mula sa airport hanggang sa pagdukot kay Myles. Minamasid-masid ko rin ang paligid kung baka may bumubuntot sa aming tauhan ni Mr. Limcaoco. Ayoko na sanang idamay pa siya dito subalit nakita kasi siya ng mga tauhan ni Mr. Limcaoco. At sa pagkakataon na ito'y dawit na rin siya sa sitwasyon ko.
"Mala-MMK pala buhay mo," pabirong wika ni Ed matapos kong magkwento. Sakto namang natapos ang aking kwento pagkadatin na pagkadatin namin sa coffee shop. "Ang girlfriend mo ay inilayo sayo ng kanyang ama, at ang bestfriend naman niya'y dinukot ng mga sindikato. Aba'y ang ganda nga naman ng kwento, mala-action movie! Di kayang ponduhan pala yun ng MMK. Sa SOCO na lang natin ishare kwento mo!" Salungat sa inaasahan kong reaskyon ang nakikita ko sa kanya. Di ko siya nakitaan ng pag-aalinlangan o takot, at sa halip ay tila ba nagdududa pa siya kung totoo ang ikinuwento ko sa kanya o hindi.
"Baliw," natatawang wika ko. Masarap din naman kasama 'tong baklang 'to. Kahit papano'y napapatawa niya ako sa kabila ng sitwasyon ko.
"Kung ako ba naman sa sitwasyon mo'y mababaliw nga ako!"
"Sige, ipagsigawan mo pa," nainis kong wika. Nasa loob na kasi kami at nakapila, baka mamaya ay may iba pang makarinig sa sitwasyon kong di ko alam kung nakakahiya o nakakapanlumo.
"Ay, sorry naman. Napalakas ba boses ko?"
Agad akong lumapit sa kanya at nilapit mukha ko sa mukha na. Bigla naman siyang nanigas, akala niya yata ay hahalikan ko siya. Kinabig ko ang aking mukha sa kaliwang tenga niya sabay bumulong ng, "Sana naiintindihan mo na sa oras na malaman mo ito, hinuhukay mo na ang sarili mong libingan."
"Ah..." medyo naramdaman kong nagsimula siyang matakot sa aking sinabi. "Wala pa akong balak mamatay kasi marami pa akong ambisyon sa buhay. Nakakashokot ka naman..."
"Shokot?"
"Oo, shokot as in... takot ba. Di mo alam ang salitang bakla?"
Sinagot ko siya ng simangot ko sa mukha.
"Oh, ok! So kalaban natin dito ay mga sindikato, tama?"
"Tama ka."
"Ba't di tayo humingi ng tulong sa mga pulis?"
"Sa tingin mo ba mapagkatiwalaan ang mga 'yan? Mautak at mapera ang mga sindikato. Mahuli man sila, mapapalaya lang din dahil sa kapangyarihan ng pera."
"Hmmmm," wika pa ni Ed. "May point ka dyan. Pero may option pa tayo, ang NBI!"
"Sa tingin mo ba mananatiling buhay ang operasyon ng mga sindikatong ito kung wala silang koneksyon sa NBI? May utak sila sa loob para alam nila kung kelan lalabas kung sakaling magbabaga ang apoy. Wala tayong maasahan sa gobyerno natin, bakla, kundi mga sarili natin."
"Ahem," biglang nagbago ang kanyang mukha. Na-offend yata sa sinabi ko. "Hanggang ngayon pa rin ba ay may issue ka sa kasarian ko?"
Hindi ko magawang sumagot. Galit na galit pa rin ako sa kanya sapagkat sinusolan niya si Bea para iwanan ako. Kundi niya tinulak ang girlfriend ko na hiwalayan ako at ituloy ang balak niyang mag-abroad ay hindi na sana humantong ang lahat dito.
"Uulitin ko, ang pangalan ko ay Ed," wika niyang muli sabay inalok ang kanyang kanang kamay para makipagkamayan.
Agad ko namang hinawakan ito at kinamayan siya sabay sabing, "JP naman ang palayaw ko. John Paul for short."
BINABASA MO ANG
Kapalaran
Phi Hư Cấu"Minsan, kung kailan mo di inaasahan... kung kelan mo di kinakailangan... Bigla na lang dumarating sa buhay mo. Hindi dahil sa nagpa-Feng Shui ka at sinwerte, kundi dahil ito ang tinatawag nilang Serendipity." -Payo ni JB