Stalemate

17 0 0
                                    

Gaya ng napagplanuhan namin, kinita ko si Keiron sa Trinoma. Medyo pinahirapan pa ako neto na mapapayag siyang makipagkita sa akin after what happened last night. 

"Keir, I want to see you and apologize for what happened last night," wika ko sa cellphone ko habang kausap siya sa kabilang linya.

"I don't get it," sagot niya. "Kagabi ay galit na galit ka tapos ngayon ay tila ba isa kang tuta na nagmamakaawa sa kanyang amo para bigyan siya ng pagkain."

"Ouch, ang sakit mo namang magsalita," wika ko.

"The damage you did to me last night was as twice as hurtful as my words right now, Ed," galit niyang wila. Bakas na bakas sa boses niya ang galit at sakit.

"Heto na nga't nagsosorry na."

"If you want me out of your life, you could've told me honestly!"

"Hindi pa ba obvious na sa pagwalkout ko sa condo mo eh ayaw ko ng makita ka pa?"

"So ayaw mo na pala akong makita?"

"Keir, it's not like that," at nagsimula na akong mairita sa pagiging pabebe niya. "Can we please talk this out personally? Andito ako sa Trinoma!"

"Galit ka na niyan?"

Oh my gosh! Isa pang hirit, Keir! Bulong ko sa aking sarili. Calm yourself, Ed, or you will lose the conversation! Agad naman akong sinagot ng aking konsensya. Huminga akong malalim bago magsalitang muli. "Ron, I don't want us ending na may galit sa isa't-isa, that's it!"

"Fine," sagot niya. "I'll see you in thirty minutes!"

Nasa isang ramen resto ko siya hinihintay. As usual, ang 30 minutes ay hindi niya nagampanan. Halos lalamig na yung sabaw sa ramen na inorder ko ay wala pa rin siya. Ilang minuto pa ay natungo ang pansin ko sa pintuan ng resto at nakita ko agad siya. Naka khaki pants na tinugmaan ng white shirt at black leather coat, at blue na Sperry top-sider. Gosh! How could he look so utterly handsome?!

Pagdating niya sa table namin ay saka ko napansin ang kanyang bitbit. Isang bouquet of calla lilies (Gosh! He still remembers my favorite flower?!), babaeng-babae lang ako di ba? Haba ng hair ko dun! Binati niya agad ako ng perfect niyang ngiti subalit binati ko siya ng maasim na mukha at agad niyang nakita ito. Hoy, Ed! Wala ka sa lugar para mag-inarte! wika ng aking konsensya. Agad akong ngumiti although I know na nagmukha lang akong plastic dun. Umayos ka nga diyan!

"I'm sorry for being late," wika niya.

"Oh no worries," napangiti kong sagot. "15 minutes lang naman kumpara sa 1 year kong paghihintay at pag-aasang muli kang babalik sa akin."

"Are we going back to that conversation now?" 

"Oh, I'm sorry," pagpaumanhin ko. "Joke lang yun. Maupo ka na nga muna at baka magka-stiff neck ako kakatingala sayo."

"Oh, thanks!" Agad itong umupo at pumwesto sa tabi ko. May upuan naman sa tapat ko... "For you, hon," wika pa niya sabay bigay sa akin ng bouquet. Larawan ng dalawang magshota lang ang eksena namin sa loob ng restaurant na iyon subalit kung alam lang ng mga taong sa amin ay kanina pa pasimpleng tumitingin ay ex-lovers na kaming dalawa.

Naramdaman kong uminit ang aking magkabilaang pisngi. Kinilig ako ng sobra. Shit! Ano tong nararamdaman ko? Pero agad kong binura ang pakiramdam na iyon. Hindi ko na siya maaaring mahaling muli at baka masaktan na naman ako. "Keir, you don't have to do this!"

"Well, I thought that you deserve a peace offering because of what happened last night," he said in the most seductive voice. Natunaw ako. "Hindi naman siguro magagalit yung 'boyfriend' mo, di ba?" Napansin ko ang pagdiin ng kanyang tono sa salitang "boyfriend".

KapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon