Dead End

19 0 0
                                    

"Huling pagkakataon mo na 'to para masilayan at makausap mo pa si Bea," wika sa akin ni Myles habang nasa taxi kami papuntang NAIA. "Sana mapigilan mo pa siya. At sana hindi nakikisabay ang traffic sa pagpigil sayo na mapigilan siya! Kaya, Manong Drayber, ilipad mo na kami sa departures area at isasarado ko na sa isang libo bayad ko magkabalikan lang 'tong kaibigan ko at ang mahal niya!"

"Eh bakit hindi na lang maging kayo," sagot ng drayber.

"Eh akala ko ba taxi drayber ka, kuya? Pati matchmaker ginagawa mo na rin palang sideline? Gawin mo na kayang full-time kasi ang patakbo mo sa taxi ay hindi pampasahero kundi pampatay!"

Halos napahagikhik ako sa pagiging sarkastiko ni Myles; pati ba naman taxi drayber ay pinatulan pa niya.

"Pasensya na po, Ma'am," wika pa ng drayber. "Kotse lang po minamaneho ko at hindi eroplano."

Thirty minutes bago ang flight niya ay narating din namin ang airport. Sa awa ng Diyos, maabutan ko pa ang aking mahal at maipaliwanag ko sa kanya ang lahat-lahat. Di ko man siya mapigilan sa kanyang pag-alis pero at least marinig niya side ko.

"Miss, papasukin niyo na po ako," pakiusap ko sa lady guard ng NAIA 1. "Pangako po, wala po akong planong mangibang bansa; kakausapin ko lang ko girlfriend ko!"

"Sir, bawal po kasi talaga," wika ng lady guard. "Kung gusto niyo po, tawagan niyo cellphone niya--"

"Miss, nakikinig ka ba," biglang sabat ni Myles. "Kakasabi lang namin kanina na ayaw nga niyang sagutin tawag namin."

"Pasensya na po, Ma'am," mahinahong sagot ng lady guard. "Kung gusto niyo po, ipapage niyo na lang dun sa information."

"Kanina pa namin yan ginawa, Miss," sagot pa ni Myles.

"Anong kaguluhan ang meron dito," biglang sigaw ng isang boses ginoo. Nang pagtalikod ko, nagulanta ako nang makita ko ang ama ni Bea.

"Mr. Uykingtian?"

"Ahahaha! Masyado ka namang pormal,"  mapangahas na wika ni Mr. Uykingtian. "Mr. Uy na lang ang itawag mo sa akin, boy."

"Maangas ka lang kasi nasa territoryo ka,"  wika ko sa aking sarili. 

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, oh-oh... Mr. Ramirez, nagpakita ka rin sa wakas," anunsyo niyang tila ba nanalo siya sa lotto. "Ang buong akala namin ay patay ka na. Pinataub ka na ng sindikatong kinapitan ng iyong kapatid!"

Nagulat ako sa aking narinig. Alam niya. Alam nila. Ibig sabihin ay alam na rin ni Bea ang tungkol dun? Nilingo-lingo ko ang aking ulo sa ideyang iyon. Hindi maari! At biglang bumungad sa aking mga ala-ala na magpinsan pala sina Keiron at Bea. "Nagulat ka yata sa narinig mo?"

Bigla siyang lumapit sa akin saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa at pabalik ulit sa aking mga mata. Lumapit siya sa aking kaliwang tenga sabay pasimpleng bumulong, "Maliit ang mundong ginagalawan ng mga sindikato, boy. Nagkataon pa na ang kinapitan ng kapatid mo ay ang bayaw kong nag-i-smuggle ng droga dito sa bansa."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Si Mr. Uykingtian na isa sa mga opisyal ng customs sa airport ay may lakas ng loob na sabihin sa akin na ang bayaw niya ay isang drug lord sa bansa.

Hindi kalayuan ang hitsura ni Mr. Uykingtian sa mga opisyales ng airport. Kumukonti na lang ang bilang ng buhok niya sa ulo, at medyo naglalakihan na rin ang mga eyebags niya na tinatabunan lang ng mga lente ng kanyang eyeglasses. Nakasuot ng shirt at tie na tinaasan ng kulay itim na Americana. Nakaslocks na tinugmaan ng maitim at makikintab na leather shoes.

Nararamdaman ko na lang na naglalakad kami papunta sa isang opisina sa hallway ng mga authorized personnel. At nang marating namin ang kanyang opisina ay mas nakilala ko ang tatay ng aking syota.

KapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon