Kinagabihan ng araw na iyon ay napagpasyahan namin ng aking kaibigang si Marc na magshopping. Matapos naming mag-ikot-ikot ay may anim na paper bags ako sa aking mga kamay samantalang siya naman ay may sampu. Well, ang yaman talaga ng kaibigan ko.
"Friend, ang laki na talaga ng pinagbago mo!" bati niya sa akin nang nasa coffee shop na kami. "Mula sa pananamit, hanggang sa awra mo ngayon. Diyos ko Lord, kundi lang kita kaibigan ay jinowa na kita!"
"Ahahahaha! Gago!"
"Seryoso! Ang dati mong mapimple na mukha, ngayon makinis at sobrang maputi pa. Ang dating payatot, ngayon ay borta kung borta na. At ang dating badoy manamit, ngayon ay pabodyfit-bodyfit na!"
"Tigilan mo nga ako, Marc!" halos matawa ako sa kanyang sinabi sapagkat di ko alam kung maiirita o matutuwa ba ako.
"All I wanna say is, I'm so proud of you! After redeeming yourself a couple of years ago, ang laki na talaga ng ipinagbago mo."
"Maraming salamat sa inyo, Marc. Ikaw at sampu ng ating mga kaibigan ang nagdala sa akin dito."
"That whats friends are for, di ba?"
"Uhm, yeah. That's what friends are for. Maraming salamat talaga."
"At sana, pisikal lang yung binago namin. Yung pag-uugali mo dapat ganun pa rin nung nakilala mo kami... nung bago kayo nag..." Bigla niyang pinutol ang kanyang pangungusap. Marahil ay naging sensitive lang siya sa bigat ng magiging paksang iyon ng aming usapan.
"Ituloy mo, Marc. Bakit ka napatigil?"
"Wala. 'Wag na lang natin pag-usapan yun. Ayoko ng bad vibes."
"Hay naku, kunwari ka pa. Matagal na akong nakapagmove on sa hiwalayan namin ni Keiron."
"Move on nga ba? Eh bakit ang bitter bitter mo sa radyo?"
"So pag bitter, di pa nakapagmove on yun? Yun ang basehan?"
"Hindi naman. I tell you, Ed, if you look at it the mature way, imbes na ipapasa mo ang bitter ending niyo ni Keiron sa mga tao; you could've influence them to think and look for the greater positive solution. Ilang relasyon na ba ang napaghiwalay mo in the past two years na nasa radyo ka? Di bababa sa limang daan, frenny!"
"Sobra ka naman. Kaya nga dun tinatangkilik ng mga tao ang aking programa... sa pagiging ampalaya ko sa mga bagay-bagay. At papano ko malulunasan ang pasirang relasyon aber?"
"Ed, ayoko ng makipagtalo pa sayo. As a friend, di naman nagbago ugali mo, but as a person, you changed a lot. Ang supla-suplado mo nga raw sa gym di mo pinansin si Damien."
"Oh, speaking of Damien, I've heard na ikakasal na raw sila ni Bodrick?"
"True! Tingnan mo nga yung dalawang yun, despite the lies and the lukuhan na nangyari in between them, sa kasal din nauwi ang lahat. Eh kayo ni Keiron?"
"Don't mention about it, Marc. Pinagpalit niya ako eh! Sinukuan niya ako agad-agad. But ok lang yun, kung hindi kami naghiwalay, I'll never be where I am right now. Everything happens for a reason, good or bad."
"So it's a blessing in disguise ba kamo?"
"Maybe."
Pagkatapos naming maubos ang inorder naming kape ay agad din kaming lumabas ng coffee shop. Sa coffee shop mo makikita ang iba't-ibang uri ng mga social climbers. May mga pumupunta dahil makicharge ng cellphones o gadgets nila; may mga iba ginawang meeting place nila ang coffee shop para magmeeting, maglaro, o magpaseminar ng networking business; may mga ilan rin na halatang first time magkape kasi nung tinanong ng cashier ng "For what size po?", ang sagot nila ay "'Yung Large!", imbes na "Venti" or "Medium" imbes na "Grande"... Hay... Nakakakulot ng bangs... May iba pa na nung tanungin ng, "For here or for to go po?", ang sagot ni Ateng Jejemon, "Huh? Basta dine in po." Gosh!
BINABASA MO ANG
Kapalaran
Non-Fiction"Minsan, kung kailan mo di inaasahan... kung kelan mo di kinakailangan... Bigla na lang dumarating sa buhay mo. Hindi dahil sa nagpa-Feng Shui ka at sinwerte, kundi dahil ito ang tinatawag nilang Serendipity." -Payo ni JB