"Hello," sagot ko sa cellphone ko.
"Kuya," sagot ng boses lalake sa kabilang linya.
"Jose?"
"Oo nga, ako ito," mahinahong sagot niya. "Ba't parang gulat na gulat ka?"
"Ah, eh," nauutal kong sagot. "Kasi di nakarehistro phone number mo sa phone ko kaya nagtaka ako kung sino ka."
"Ah," sagot niya. "Nasaan ka ngayon?"
"Di ba dapat ikaw ang tatanungin ko niyan?" medyo galit kong wika. "Ba't ngayon ka lang nagparamdam?"
"Kuya, saka na ako magpaliwanag sa iyo," nanlulumo niyang wika. "Kailangan nating magkita."
"Sige," bulong ko sabay upo sa motor ni Tatang Celso. Napansin ko kasing may mga dumadaang tao na maaaring isa sa mga tauhan ni Mr. Limcaoco. "Andito ako sa NAIA. Saan ka ba?"
"Medyo hindi ligtas diyan, Kuya," sagot pa niya. "Magkita tayo sa Quezon Circle."
"Oh okay. Nandun na ako sa loob ng kalahating oras!"
***
Habang papunta kami sa ospital ay magkahalong kaba at excitement ang naghahari sa aking dibdib. Kaba sapagkat inaabangan ko ang napipintong paliwanag sa akin ni Keir at excitement sapagkat mas mapapadali ang trabaho namin. Nahopsital ang pipirma ng kontrata at bibisita naman ang tatanggap ng pera. Eh di hindi na namin kailangang magmadali papuntang Pampanga. Tahimik ako sa biyahe hanggang sa binasag ng boses ni Keir ang aking katahimikan.
"Okey ka lang ba, Ed?"
"Yeah, I'm good."
"Ba't kanina ka pa tahimik diyan?"
"Ano ba dapat nating pagkwentuhan?"
"Gaano na ba kayo katagal ni JP?" wika niya na may bahid ng pagsiselos.
Halos matawa ako sa kanyang tanong. Nakyutan tuloy ako sa kanya. "Months na rin. Pero straight si JP, yun ang totoo," depensa ko pa.
"Seriously?!" gulanta niyang wika. "Ed, walang straight na pumapatol sa mga bakla!"
"Akala mo lang wala, pero meron, meron, meron!" wika ko habang ginagaya ang linya mula sa pelikulang, Anak. "Kaya sana, 'wag ng makarating sa pinsan mo ang tungkol sa amin ni JP."
"So piniperahan ka niya, ganun?"
"Oh my gosh, Keir," gulanta kong wika. "Watch your mouth! Grabe ka namang manghusga!"
"I'm sorry. It's just not making sense to me that some straight guy will fall for a gay like..." bigla siyang napatigil sa kanyang monologo.
"A gay like me?" wika ko sa napinto niyang monologo.
"I... I didn't mean to offend you, Ed," mautal-utal niyang wika.
"It's okay," sagot ko. "Totoo namang bakla ako eh."
"Hindi ka naman kasi trans para magustuhan ng straight," pagdahilan niya. "Histura at posturang lalake ka pa rin. How do you expect me to believe that he is straight?"
"Nagsiselos ka lang," bulong ko sabay tingin sa labas ng bintana. Kasalukuyan naming binabaybay ang kahabaan ng Quezon Avenue.
"I'm sorry?"
"Sabi ko, nagsiselos ka ba?"
Bigla siyang nanahimik. Nagpatuloy kami sa aming biyahe hanggang sa bigla na lang niyang hininto ang kotse. Hindi muna siya nagsalita. Agad kong nilapat ang aking kaliwang kamay sa kanyang balikat. "Keir, okay ka lang ba?" nag-aalala kong wika.
BINABASA MO ANG
Kapalaran
No Ficción"Minsan, kung kailan mo di inaasahan... kung kelan mo di kinakailangan... Bigla na lang dumarating sa buhay mo. Hindi dahil sa nagpa-Feng Shui ka at sinwerte, kundi dahil ito ang tinatawag nilang Serendipity." -Payo ni JB