Gabi na nang marating ko ang building ng to condo unit niya sa may Bonifacio Heights. Ang gagara ng mga kotseng nakatambay sa parking lot sa baba ng mga nakapaligid na condo units.
Habang bumaba ako sa taxi na aking sinakyan ay biglang umingay sa aking utak ang habilin sa akin ni Jaybee:
"Kung ano man ang kahahantungan ng pagtatgpo niyong iyan, tandaan mo, hindi pa rin maninibago ang pagtingin sa iyo ng mga tao... Lalo na kaming mga kaibigan mo."
Nakita ko siyang nakaabang sa bukanan ng condo building nila.
"Kanina ka pa ba?"
"Uhm, medyo."
"At di ka naman masyadong excited?"
"Hindi," madiin niyang sagot. At nang makita niyang nag-iba ang aking pagmumukha ay saka siya bumanat ng, "Super excited lang!"
"Hahaha! Di ka pa rin nagbago... bolero ka pa rin."
Inakyat namin ang unit nyang nasa 4th floor. Tahimik ang buong paligid. Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang aming mga yabag. Mabilis naman naming narating ang kanyang unit. Pagpasok ko sa loob ay agad kong naamoy ang mahalimuyak na bango ng lavander. Agad ko ring inikot-ikot ang aking mga mata sa bahay niya. Sa bungad ng kanyang bahay ay ang sala na binuo ng mamahaling furniture -- isang couch, isang lazy boy na nakaharap sa 40" LED TV na nakapatong sa magarang estanteng may maraming compartments para sa mga iba't-ibang bagay, sa kabilang dulo ng couch ay ang isa pang sofa, tapos center table. Kasunod ng sala ay ang maliit na dining room na dinugtong sa kusina. Iba't-ibang kulay ang naglalaro sa bahay niya; ang sala ay earth-toned samantalang ang dining ay black and white, at ang kitchen nama'y combination ng red, gold, at onyx tiles. May iisang kwarto lang at nasa loob nito ang banyo. Simple at cozy. Wala masyadong dekorasyon maliban sa hand-painted na family picture sa sala at isang abstract painting sa dining room.
"Maupo ka muna," bigla ko na lang narinig sa kanya. Di ko namalayan na pagsamantala akong nawala sa mundo at di ko narinig mga sinasabi niya.
"Salamat," sagot ko. "Ikaw ba nagpinta ng mga 'to," tanong ko sabay turo sa dalawang paintings.
"Yung family picture hindi, itong abstract lang," mahinahon niyang sagot. "Prepare ko lang yung mesa ha?"
"Sige. Nag-aral ka ba ng painting?"
"Ah, hindi. May nagturo lang sa akin nung nag-abroad ako."
"Tinuruan kang magpaint ng libre? Sino siya? Pinoy din ba?"
"What does it matter? Nagsiselos ka ba?"
Natawa ako sa tanong niya. Di ko alam kung ma-ooffend ako o matatawa ako sa awkwardness ng tanong niya. "Ahahahahaha! Come on, Ron... let bygones be bygones! Matagal ng natapos yung sa atin. Let's move on."
"Ok. Hali ka na dito sa mesa, siguro nagugutom ka na kaya kung anu-ano na lang naitatanong mo sa akin. Di mo man lang ako kinamusta."
That hit me. Oo nga, ang rude ko. I could've asked that before interrogating him with the stuffs going on. "Kumusta ka na nga ba?"
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Well, let's just say I'm so happy to bring you here in my humble abode!"
"Talaga?" wika ko habang naglalakad papunta sa dining area ng condo niya.
Medyo may kaluwagan din ang unit para sa iisang tao lang naman. May sala, dining area at kusina, tapos kwarto naman sa bandang kanan ng dining area. Pagdating ko sa mesa ay agad kong napansin ang naghihintay na mga plato at kubyertos. May kandila at wine. At may isang maliit na kahon na kinakabahan akong malaman kung para saan. Kinukutuban na talaga ako. Agad kong binaling ang tingin ko sa kusina, buti na lang at di niya ako napansin na nakatingin dun sa kahon.
BINABASA MO ANG
Kapalaran
Non-Fiction"Minsan, kung kailan mo di inaasahan... kung kelan mo di kinakailangan... Bigla na lang dumarating sa buhay mo. Hindi dahil sa nagpa-Feng Shui ka at sinwerte, kundi dahil ito ang tinatawag nilang Serendipity." -Payo ni JB