Simula

192 19 7
                                    

Ang pagbasa'y hindi minamadali. Para itong pagnguya, dahan-dahan hanggang sa malasap ang totoong lasa at timpla ng pagkain.

---

"Paglaruan ang karagatan ng salita sa kamay ng 'yong kalooban. Ang mata'y gamitin upang makabasa, mabulay ang kaisipan, at mahulma't mabigyang buhay ang mga tauhan."

Post-Apocalyptic

Pantasya

Aksyon

--

25/05/21 (9:00 AM)
2021 All Rights Reserved

S I M U L A

Hindi pa man bilog ang daigdig, may mga nilalang ng namamalagi rito. Ginawa ng Diyos na nagmula sa labing-dalawang kabahayan ng sansinukob ang siya sanang huhulma sa tinatawag natin ngayong mundo.

Kung nasaan ang lupa, naroon ang buhay. Kung nasaan ang tubig at hangin, naroon ang buháy. Sa ibabaw ng mundo, naroon ang Kahariang Cordero ng unang hari. Sa gitnang linya, naroon ang Kahariang Mariposa ng ikatlong hari. At sa ilalim ng mundo, naroon ang Kahariang Bayakan ng ikalawang hari.

May kani-kanilang tungkulin na dapat sana ay panagutan upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakapantay-pantay. Ngunit daang-putik ng taon ang lumipas kasabay nang pagbilog ng daigdig, ganoon din namang pagbabago ng tatlong kaharian.

Lumaki ang hidwaan at nagapi ang mga kabig ng Mariposa. Dahil sa pinaniniwalaan ng dalawang natitirang kaharian na sila ang naghahasik ng lagim sa mundo.

Pinarusahan ni Dyokalyon, diyos at ama ng tatlong hari, ang anak niyang hari ng Mariposa. Hinatulan ng kamatayan ang sinumang nananalagi sa kaniyang kaharian at isinumpa.

Subalit, dahil sa pagmamahal ng hari ng Mariposa sa kaniyang mga taga-sunod, ipinangako niyang sila ay magbabalik. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang mapanatili ang eksistensya ng kaniyang dugo at lahi. Kahit mismong siya ay tuluyang nawaglit.

Lahat ng kaniyang kabig, naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng bawat nilalang. Kaya ang kanilang pagkawala ay magdudulot sa walang katapusang digmaan. Ang balanse ng buhay ay kailanma'y 'di na makikita sa pagsilang ng bukang-liwayway. Kaya ang misyon ng mga taga-Mariposa, mahanap ang taong produkto ng pag-iisa ng dugong bughaw at isinumpang dugo. Dahil siya ang hinahanap na nilalang, ang paghinga.

Sa pagpapatuloy ng misyon ng mga taga-Mariposa, kailangan nilang mag-ingat at magtago. Siguraduhin na wala silang mahahawakang ibang nilalang maliban sa kanilang sariling lahi. Kung mangyari man 'yon, isa sa kanila ay dapat lang na mapaslang. Dahil kung hindi 'yon matutupad, sisibol ang sumpa sa mundo na ipinangako ng kanilang ina. Uultaw ang pitong buntala na siyang hudyat ng panibagong siglo ng digmaan.

At paglubog ng araw, walangkaharian ang dapat na maiwan. Kasabay noon ang paglisan ng daigdig sa sansinukob.Ang huling hatol para sa hindi pagkakasundu-sundo.

Huling Patak (Self-Published)Where stories live. Discover now