Ikalawang Episodyo

116 13 0
                                    

HULING PATAK

Ikalawang Episodyo - Alimuom

Sa tuwing isisilang ang umaga at bubukas ang langit, ang liwanag ay papasok at mananatili. Ngunit paano kung isa itong ilusyon? Ang hindi matukoy na reyalidad ng mga tao—ang paglisan ng hibla ng sinag. Kung saan ang umaga ang tamang pagkakataon upang sila ay makatakas. Katulad ng ningas ng apoy sa gabi. Pasimpleng umaalis at hindi na bumabalik.

Dahil walang kayang tumagal sa mundo natin. Sinusubukan lang ng lahat ang magtiis. Masaya? Hindi. Napipilitan lang tayo. Dahil pagdating ng itinakda, ang lahat ay magiging alamat.

Nagitla ang lahat nang pumatak ang dugo ng ibon sa bintana. Narinig ko ang pagmumura ng ilan.

"Ayan! Sabi ko sa inyo, masama 'yong araw natin ngayon!" Sinabayan ni Verna ang pagbulyaw nang pagmartsa. Lumapit siya sa akin at mariin akong minata. "Mr. President, h'wag na tayong tumuloy sa Conference Hall, ha?"

Tiningnan kong muli ang dugo sa bintana. Lumapit ako roon at nakita ang mga bata sa ibaba na tinitirador ang mga ibon. Bumalik ako sa kaniya at ipinaalam sa lahat na tutuloy pa rin. "Walang masamang mangyayari ang puwedeng ikapahamak natin. Verna, you are being ridiculous."

Sumama muli ang kaniyang loob. Ang natahimik na klase ay bumalik sa pag-iingay. Nang matapos si Mae sa pagtsetsesk ng attendance, inanyayahan na ang lahat na bumaba. Hangin lamang ang naiwan sa aming silid. Kahit ang kaninang mga nagpoprotesta ay walang nagawa kung 'di ang bumaba rin.

Kahulihan akong dumating sa ground floor. Hinihintay na ako ng lahat sa pasilyo. "Doon tayo sa kabilang ruta dumaan. Siksikan sa Entrance One ng C-H."

Nilapitan ako ni Chayo. "May bantay sa Entrance Two. Kung ayaw mo naman palang makisiksik, huwag na tayong tumuloy."

Narinig ni Mae ang iwinika ni Chayo. Bahagya siyang napalingon sa akin. Hindi rin niya gusto ang ideya na pagpunta sa C-H. Pero nang makita niya akong napalingon din sa kaniya, agad siyang umiwas ng tingin sa pamamagitan nang kunwaring pag-aayos ng antipára.

Bumalik ang titig ko kay Chayo. "Puwede ka namang maiwan kung hindi mo talaga gustong pumunta roon. May bantay—oo. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na tayo papapasukin." Nilagpasan ko siya pagkatapos akong irapan.

Pinangunahan ko ang sementadong daan. Mas mahaba ang ruta sa pathway na ito. Hindi rin pinaliligiran ng mga classrooms. Tanging talaytalay lang ng puno ng narra at mga ligaw na damo ang nakatambay. Mahangin at maayos ang ihip ng ulap. Dahil kapag walang tao; wala ring alimuom.

Humigit tatlong minuto na kaming naglalakad sa ilalim ng tirik ng araw. Ngunit sa kalagitnaan nang paglalakad, ang ika-dalawáng daán at tatlumpû't pitó kong hakbang ay napigil ng isang kaluskos.

Nagmula ang tunog sa kalapit na mababa't mayabong na talahib. Itinaas ko ang kanang kamay at sinenyasan ang mga kaklase sa likod na huminto. Humupa ang kanilang pag-iingay.

"Bakit huminto?"

"Ano'ng nangyari, bes?"

"What's up with him again, bro?"

Dinig ko ang mapag-usisa nilang tanong. Ngunit mas narinig ko ang lalong lumakas na kaluskos. Lumingon ako sa tig-kabilang gilid at napansin ang paggalaw ng iba pang talahib. Nasaksihan na rin ito ng iba pang mga kasamahan.

"OH MY—"

"What an actual fudge!"

"Bes, lagot na."

Huling Patak (Self-Published)Where stories live. Discover now