Ikaapat na Episodyo

86 11 0
                                    

HULING PATAK

Ikaapat na Episodyo - Ako

Kung minsan, ang pagsibol ng araw ay nangyayari sa pagitan ng pinakamadilim na tinta ng itim at ng bukang-liwayway. Ngunit bakit? Kung kailan malapit na ang magandang umaga, saka mangyayari ang hindi inaasahang trahedya.

Sa likod ko'y ang mga kasamahang naghihintay na buksan ang pinto. Ganap nang lumipas ang isang oras at nanatiling patay-tahimik ang labas.

Bago ko alisin ang huling pulupot ng kadena ay nagpakawala ako ng hangin. Isang desisyon na maaaring ikapahamak ng lahat, hindi ko ito magagawang buhatin sa sariling balikat.

"Oh God, I'm finally going outside. It's been like forever." Narinig kong komento ni Gray. Siniko niya ang dalawa niyang kasama. "I told you guys, hindi na lang dapat tayo pumunta rito."

Ngunit wala akong narinig mula kay Santino at Relli. Pansin ata nilang bahagya akong nakikinig.

"Sigurado ka ba na ayos nang lumabas?" Tumabi si Chayo sa'king direksyon. Ang titig niya'y lagpas sa mata. "Alam mo na kung may mangyaring masama, ikaw ang mananagot."

Lumunok ako. Natagkal ko na ang pagkaka-lock ngunit hindi ko magawang buksan ang pinto. "Chayo." Lumingon ako sa gawi nito at pilit na ipinagtagpo ang mata. "Hold me accountable."

"What?"

"Kung may mangyari man, huwag mong kalimutang ipaalala ang aking pananagutan. Just do me this favor. Sa oras na makalimutan ko, sapakin mo ako nang malakas. Mas malakas nang sampung beses sa ginawa mo kay Dam-dam." Nagsara ang aking panga habang pinanonood siyang irapan ako.

"Fine." Umarko ang kilay ni Chayo. "Do me this favor, too."

Minata ko si Chayo habang hinihintay ang kasunod na pangungusap. Sumulyap siya sa aming mga kasamahan.

"Huwag mong hayaang may mangyaring masama para hindi kita masapak." Bago tuluyang talikuran ako. Ako'y napangiti nang bahagya sa kaniyang sinabi.

Bumalik ako sa pagkakatitig sa pinto. Isa, dalawa, tatlo. Utay-utay kong iniawang pabukas at sumalubong sa amin ang animo'y dayuhang liwanag. Sumipol ang hangin sa payak na kapaligiran.

Isinampa ko ang kaliwang paa sa labas at dinama ang kakaibang init ng semento. Tuluyan kong pinasok ang mundo at nanatiling nakatayo. Pinagmasdan ng mga kasamahan ang aking posisyon.

Bago ko sila bigyan ng signal ay tumingin muna sa kaliwa, kanan, itaas, at ibaba. Malalim akong huminga bago itaas ang kanang kamay. "Mukhang ayos na."

Kung hindi namin sila sinabihan na hangga't maaari ay huwag gagawa ng ingay, marahil ay naghiyawan na sila ngayon. Ngunit ang naging tugon na lang nila ay ang tahimik na pagdiriwang. Para bang kami'y mga bandidong nakulong ng ilang taon.

"Bilisan n'yo ang paglalakad. Pumunta agad sa classroom para kuhain ang ilang gamit at tiyakin na walang ibang taong makasasalubong."

Tumango ang lahat sa'king iwinika. Kumpol-kumpol silang nagsimulang maglakad. Hinintay ko ang kahuli-hulihang pares na umalis bago sundan ang mga nauuna.

Si Dinela at Cza ang huling pares.

"Pumunta na kayo sa silid n'yo. Balitaan n'yo ko kung ligtas kayong nakarating."

Hindi nagbigay imik ang dalawa. Kumunot ang noo ko. "Bakit? May problema ba? Natatakot ba kayo? Puwede ko kayong samahan. Sabihin n'yo lang."

Umiling si Dinela. "Hindi sa gano'n, Nabi. Gusto sana naming balikaan ang naiwan naming pagkain. Umabot kasi ng two-hundred pesos ang ginastos namin. Sayang 'yon."

Huling Patak (Self-Published)Where stories live. Discover now