HULING PATAK
Ikawalong Episodyo - Kandila
Sigurado akong ni isa sa amin ay hindi handa para sa mga kaganapan ngayon. Pinayuhan ko ang lahat na kuhain ang anumang bagay na sa tingin nila ay makatutulong sa paglalakbay patungo sa silid-aklatan.
Ipinag-utos kong patungan ng makapal na waistcoat at coat suit ang unipormeng puting long sleeves. Abot sa may pulsuhan ng kamay ang cuff. Hanggang tuhod naman ang front panel. Mataas ang istilo ng collar na may tatlong guhit ng linyang parihaba sa dulo nito. Maraming butones at flap pocket. Kulay dilaw naman ang lapel. Sa kanang braso nakalagay ang armband na may emblem ng Ten-Rose Section. Sa likuran nakaburda ang pangalan namin. Sa ibaba noon ay ang panibagong emblem na mas malaki. May matingkad na kulay pula ang buong kasuotan.
Tiniternuhan ng pang-itaas na kasuotan ang kulay cocoa brown na trousers at ang puti naming mga sapatos na de-sintas na ngayon ay napuno na ng dumi. Lalaki man o babae, hindi naiiba ang aming kasuotan.
Dapat naming masiguro na hindi kami lalamigin. Lalo na sa buwan ng Disyembre. Mabuti na nga lang at ang kasuotang ito ay nanatili sa locker. Dahil may inaasahan kaming Festival. At tuwing may Year-End Party, ito ang isinusuot ng mga Pilot Section.
Sino ang mag-aakala na darating ang araw na susuotin namin ito hindi para makiisa sa kasiyahan. Ngunit upang sumabak paibaba tungong impiyerno.
Sa karaniwang paglalakad papunta roon, aabutin ng humigit-kumulang kalahating oras. Ganito kalayo ang distansya ng kinalalagyan namin. Subalit, mas matatagalan pa ang grupo nina Kyouya at Kai na tatahak sa kanlurang daan, at ang grupo nina Kiel at Karmen na nasa silangang bahagi.
Ang apat na nabanggit na pangalan ay ang mga magiging squad leader. Hindi pa rito kabilang si Santino Alfugar at Mae Vanguard na siyang kasama ko sa diretsong ruta. Ang pamumunuan nilang lahat ay hindi basta grupo, ngunit isang squad.
Dinaanan ko ang isang binata na naghahanda ngayon. Ang mapungay na mata nito ay siyang nagsasabi kung gaano siya katahimik na tao. Ang puti niyang buhok ay may undercut na hairstyle. Sa leeg niya'y ang paboritong kerchief na kulay asul.
Kyouya Santiago, may taas na isang daan at animnapu't dalawang sentimetro. May taglay na ibang klaseng intelihente pagdating sa paglalaro ng chess at ng mga games na ginagamitan ng mabisang stratehiya. Ngunit kalaban ng kaniyang pagkatao ang pagiging masikreto tungkol sa kaniyang mga ideya. Mahirap magtiwala.
Dumako ang aking paningin sa hindi kalayuang binata na nakikipag-usap sa ibang mga kasamahan niya.
Kai Richwell, mas mataas kay Kyouya nang walong sentimetro. 'Di tulad ng isa, mas maingay pa sa manok tuwing umaga. May angkin siyang lakas sa pakikipag-suntukan. Ang dapat na sasabak sana sa National Competition ng Boxing sa Youth Division. Ang naghamok ng away noon kay Rupert. Bihira niya gamitin ang utak, kamao ang kaniyang kakampi.
Magulo lagi ang buhok niyang kulot. Sa noo niya nama'y ang itim na bandana. May dalawang maliit na hoop earrings. Sabi ng mga kaklase ko, ang angas niya tingnan. Hindi siya maskulado, ayos lang talaga ang kaniyang tayo.
Tinanguhan ako ni Kai. Katabi niya ang pinsang babae na may sobrang ikling buhok. Tumingin din ito sa gawi ko at nagtaas ng kamay upang bumati.
Kiel Richwell, 'sintaas ni Kyouya. Bilugan na parang monay ang mga mata nito na laging nakangiti. Pinapakita niyang siya ay malakas upang walang gumambala. Subalit, ang totoong lakas niya ay nasa kaniyang kutob. Kaya kapag nagsasapakan silang dalawa ni Kai, mabilis siyang umiiwas. Naiilagan niya lahat iyon.
May bagay na kakaiba sa kaniya, ang mabango niyang halimuyak. Marahil dala ng pabango nito.
May tumapik sa'kin, dahilan upang ako'y mapalingon.
![](https://img.wattpad.com/cover/257657074-288-k880976.jpg)
YOU ARE READING
Huling Patak (Self-Published)
HorrorMay 25, 2021 [VOLUME I - C O M P L E T E D] *** Ang hinaharap ng tatlong kaharian ay nakapako sa pagkakapantay-pantay. Tatlong imortal na hari. Magkakaibang dugo sa kanilang mga kamay. Gamit ang marka ng demonyo, wawasakin nila ang sandaigdigan. Sa...