17

22 3 0
                                    


C h a p t e r  1 7
D r e a m

Naririto kami sa tapat ng condo unit niya. Dito ko na siya dinala. Ito ang pinakamalapit. Nag-patulong pa ako sa staff para ma-akyat siya rito! Nakakahiya talaga.

"Russel, give me the card for your condo unit." I said. He didn't respond. Nakapikit pa rin ang mga mata niya. Napabuga ako sa hangin.

"Russel, tatadyakan kita! Ang bigat-bigat mo, bilisan mo na!"

He is now half asleep. Hindi pa rin siya kumikilos. Mag-isa na lang ako nakaalalay sakaniya dahil hanggang sa elevator lang ako nag-patulong hanggang sa makaakyat kami rito.

"Bwisit," I cursed.

Kinapkap ko ang bulsa ng jeans niya. Nakuha ko rin naman agad iyon. Itinutok ko iyon sa pinaka hawakan ng pintuan.

Nang bumukas iyon, ibinagsak ko si Russel sa sofa. Ang sakit ng mga braso ko. Ang laki ba namang tao! Sinara ko ang pintuan at dumeretso ako sa kaniyang kusina.

Napatingin akong muli sa pintuan. Naalala ko na naman iyong hinalikan niya ako! Hinawakan ko ang pisngi ko nang mag-init iyon. Ugh! Bakit ba hindi ko iyon makalimutan?

Buti naman, marami siyang stocks kaya hindi na ako mag papakahirap bumili ng pagkain sa labas ng ganitong oras.

Well, yes, I can't cook. Pero, marunong naman akong mag-luto ng cup noodles. Nag-painit lamang ako ng tubig. Habang nag-hihintay, kumuha ako planggana at binuhusan ng tubig iyon. Nag-hanap rin ako ng maliit na panyo.

Kinuha ko na ang mainit na tubig, at isinalin iyon sa cup noodles. Tinakpan ko muna iyon ng maliit na platito. Mabuti na lang talaga at kumpleto ang mga gamit niya rito. Hindi naman pala siya barubal na tao, pagdating sa mga gamit. I am amazed.

Dinala ko ang cup noodles at inilapag iyon sa table. Sinunod ako ang planggana na may tubig. I am not sure if this is right, but I saw Penelope doing this to Akiro when he is sick. This applies for all naman diba?

Nakahiga siya sa sofa, habang nakalaylay ang isa niyang paa. He is so wasted. Ano bang pumasok sa isipan niya at uminom siya ng ganoon ka-rami?

Tinapik ko siya.

"Russel, remove your clothes." nangunot ang noo ko nang mapagtanto ang sinabi ko.

"I mean, you need to change your clothes into a comfortable one." dagdag ko. Pero, mahimbing pa rin ang tulog niya. Ugh! May mas ga-grabe pa pala kay Zabria, kapag nalasing!

I literally came here for a talk, but what the fuck happened?!

Hinanap ko pa ang kuwarto niya dahil, tatlong pintuan ang naririto sa first floor. Pumasok ako sa pangalawang kuwarto. Inilibot ko muna ang paningin ko.

"He is organized..." komento ko habang iniikot ang paningin ko sa paligid. Nakaayos kasi ang bed sheet ng kama niya, pati ang mga libro. Even his slippers! Bakit hindi ko ba napansin iyon nung mapunta ako rito?

Ah, because, I was shocked that time. Ikaw ba naman kasi magising na nasa ibang pamamahay ka na eh.

The smell was exactly the same. Manly. It desribes him.

Scared To Be Called YoursWhere stories live. Discover now