"Prima's Ace"
Snow POV
Maaga pa kong pumasok at syempre dala ko na ang school ID ko. Excited na akong ikwento kay Jea ang sinabi ni Zeus sa akin. Sigurado matutuwa 'yon.
Napadaan ako sa teacher's room. Nakita ko si Reven sa labas kasama ang isang babae. I think it's her Mom. They were arguing. I can see his Mom's worrying about him. Pero mukhang walang pakialam si Reven.
Nagulat ako nang mapatingin si Reven sa akin. He was not just looking. He's glaring at me. Buti na lang at may sunglasses akong dala. I wore it at nagmadaling lumihis ng daan papuntang building namin.
Kaunti pa lang ang mga kaklase kong narito sa room. Good thing Jea is here. Natawa pa siya nang makita ako.
"What's with the glasses Snow?" aniya.
"Fashion," sabi ko.
Napayuko ako nang biglang napadaan sa room si Reven. Hindi kami pwedeng magkita.
"Snow Queen Zamora," nakakapanindig balahibong pagtawag niya.
Hindi ko inaasahang talagang papasok siya sa classroom namin. Wala naman akong balak itsismis siya sa iba. Delinquent nerd talaga. Umayos na ako ng upo at inalis ko ang salamin ko.
Tumayo ako at humarap sa kanya. Infairness, maayos ang uniporme niya. For sure for a show lang dahil nandito ang mommy niya. But then again, he's Reven. He's Zeus opposite.
"Yes Reven?" nakangiti ko namang sagot.
Nakatingin na ang mga kaklase ko sa amin. Perwisyo talagang lalaking 'to. Nasa akin na naman ang attention ng mga Shisians. Ayokong maissue. Baka magkagalit pa ulit kami ni Zeus.
"We need to talk," seryosong sabi niya.
"Ayoko," pagtanggi ko.
"Sasama ka o bubuhatin pa kita para sumama ka?" nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya.
Dali-dali ko naman siyang tinulak palabas ng classroom at hinila papuntang CR. But I think I made the worst decision just now.
"If you are here dahil sa nakita ko kayo ng mommy mo wag ka mag-alala hindi ko ipagkakalat delinquent nerd," nakangiti ko pang sabi sa kanya.
"I came here to see you," aniya.
Natigilan ako. What did he just say? He is here to see me?
"What?"
He laughed like an insane man. Serves him right. He isn't really normal anyway.
"I don't mind. Kahit na ikwento mo sa iba ayos lang. I came here for this," itinuro niya ang sugat niya sa pisngi.
Wala na 'yong bandage na inilagay ko kagabi. His wound was exposed. Sinipat ko naman at mukhang hindi pa siya gaanong gumagaling.
Narinig kong may paparating na students. Hinila ko si Reven papasok ng isang cubicle. Hindi rin naman kami pwedeng lumabas at baka makita nila kaming papalabas nh girl's CR. Gosh! It's so humiliating.
I had a bandage I keep inside my wallet kaya kinuha ko 'yon. Inalis ko ang adhesive stopper saka inilagay ang bandage sa sugat ni Reven.
