"One Step Behind"
Snow POV
Nagpaiwan muna si Zeus sa labas dahil biglang tumawag ang Master nila. I looked for gown section para makapili. Magaganda naman ang mga gown nila pero wala akong mapili.
"You look so beautiful in white," biglang sulpot ni Reven.
Hinanap ko sila Jea pero mukhang nasa ibang section sila. Sa sobrang pag-iisip ko ng maisusuot hindi ko namalayang nakasunod pala si Reven sa akin.
"Are you complimenting me?" nakangising tanong ko.
"It's a song lyrics not a compliment Queen stupid. Akala ko pa naman fan ka ng Westlife," pang-aasar niya.
Inirapan ko nalang siya't naghanap ng puting gown. Napasulyap ako kay Reven. He's still here. Is he following me? Sigurado naman akong wala naman siyang mabibili rito.
"Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.
"Sorry to disappointed you but I'm here to buy a coat," aniya saka naghanap ng masusuot.
"Hindi bagay sayong magformal attire," pang-aasar ko.
He just rolled his eyes at me. Gosh! He's so annoying. Lumapit ako sa kanya at tinulungan siyang mamili. Masyadong plain ang ibang coat. Mas bagay sa kanya ang puti so I took a white coat at sinukat sa kanya.
"Try this one. Bagay 'to sayo," sabi ko.
He was smiling when I laid my eyes on him. Binitawan ko na ang coat at bumalik sa gown section. Bakit ko pa kasi siya tinulungang pumili? Nasabi ko pa naman sa kanyang hindi bagay sa kanyang mag formal. I feel so embarrassed.
He took a gown na may sleeves. Simple lang pero maganda ang beeds arrangement sa chest. Binigay niya 'to sakin saka pumunta ng fitting room. I sighed and started looking for a gown. Binalik ko ang gown na pinili niya. As if namang pinili niya. He probably took it randomly.
"Pasensya na natagalan. May training daw kasi kami bukas."
Thankfully dumating na si Zeus. Mas matutulungan niya ako maghanap ng gown kaysa sa delinquent nerd na 'yon.
"Try this witch. Maganda 'to sayo sigurado," sabi ni Zeus saka binigay sakin ang pinili niya.
It was the same gown na pinili ni Reven. Gusto ko sanang tanggihan si Zeus pero baka itanong niya pa kung bakit ayoko sa gown.
Pumunta na akong fitting room at sinukat ang gown. It fitted well on me. Maganda nga talaga ang gown. Lumabas na 'ko para ipakita kay Zeus and he showed a thumbs up.
Nagpalit na ako kaagad at pumunta ng counter. Zeus insisted on buying pero ayokong gumastos siya para sa'kin. Wala siyang nagawa't hinayaan niya na rin naman akong bayaran ang gown. Hinanap namin sila Next. Nang makita namin sila naroon na rin si Reven.
"Should I pick this one?" tanong ni Leni.
"No," sabi naman ni Reven at binalik ang pinili ni Leni.
He took a vintage styled long sleeve at binigay kay Leni. Napasimangot naman siya sa nirekomenda ni Reven. Napatawa ang kuya niya sa reaksyon niya. Si Reven naman napangiti rin.
