"Incest Relationship"
Snow POV
I had to prepare for the Quiz Bee. Kaya after class nagmemeeting kaming mga representative sa study hall. Buti nalang allowed kaming mag-ingay. Kakaunti nalang din naman kasi ang mga estudyanteng tumatambay rito tuwing hapon.
The problem is, Reven's always late. Siya pa naman ang ginawang leader. Even I want to be the lead my fellow representative wants Reven. So I had no choice but to accept their decision.
Kaya ito ang napala nila. Laging huli sa meeting ang leader nilang puro lang pabibo. Pagkarating niya umupo siya sa tabi ko at humingi ng pasensya sa amin. As if naman may valid reason.
"Prima will be the host school this school year. I had my review notes when I was at Prima," he said while handling the photocopies.
He gave me one as well.
"Ang ganda ng sulat kamay mo kuya," ani Megan.
Siya ang pinakabata. She represents Grade 7. Sa Grade 8 naman si Ryan. Si Lauren ang nasa Grade 9 at ako naman sa Grade 10. Sa Grade 12 si Dave ang representative. I've been with them before. Nagcocompete kami dati pa man. Si Reven ang pumalit kay Zeus. Dati kasi si Zeus ang kasama namin.
Pero sa tagal kong sumasali I've never noticed Reven. Ang Prima talaga ang nakakalaban namin sa score pero hindi ko siya napapansin. Masyado siguro akong focus na maipanalo ang Shis.
Tulad ng sinabi ni Megan maganda nga ang sulat kamay ni Reven. Ibig sabihin pangit siya. He started discussing. Hindi ko maiwasang titigan siya. Mukha siyang estudyanteng walang magawang mabuti but he is actually smart.
The way he express his thoughts, napakaorganize at understandable. No wonder he represents the Grade 11. After our meeting, Reven stayed kaya nagpaiwan rin ako. Kumuha si Reven ng human anatomy na libro kaya kumuha lang ako ng random book. Magkatabi lang kami pero hindi niya man lang ako pinapansin. He just keep on taking notes.
"You can't just stare at me the whole time," aniya.
Inayos niya ang mga gamit niya't binalik niya na ang libro sa shelf. I followed him hanggang sa makalabas kami ng study hall. It's almost 6 pm. Kailangan ko nang umuwi. Nagtataka ako't palabas din si Reven. Akala ko sa dorm siya didiretso. Same way lang ang nilalakaran namin.
"H-hahatid mo ba ako?" nahihiyang tanong ko.
"No," he answered.
"Pero papunta rin ito sa bahay," depensa ko.
Tumigil siya't humarap sa akin. He was emotionless. Ano naman kayang sumapi sa kanya at nag-iba na naman ang mood niya? He pointed at DP.
"Ah! Sa DP pala ang punta mo. Sige mauna na ako," nahihiyang sagot ko.
I started walking again. Nakakahiya. Akala ko talaga ihahatid niya ako.
"But I can take you home if you'll ask me," aniya.
Napatigil ako at humarap sa kanya. All I can do is to smile. Sumunod naman siya sa akin at kinuha ang bag na dala ko.
"What happened to Celine?" tanong niya.
"Celine?"
